Chapter 2 Letter

0 0 0
                                    

JULIA'S POV:

Wala na sa paningin ko yung sasakyan ni Don Flavio pero patuloy pa rin ang pag kaway ko.

Unti ting tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Hindi dahil sa nalulungkot ako sa pag alis ni Jodie kundi naiiyak ako sa tuwa kasi ito na ang unang hakbang para makamit niya ang pangarap niya.

"Jodie" tawag ni inay sa akin. Wala siyang kamalay malay na ako si Julia.

"Po" sagot ko sabay punas ng luha sa aking mga pisngi.

"Pumasok ka na anak. Mukhang uulan na." muling pagsasalita ni inay.

"Narian na po. Papasok na." magalang na sagot ko.

Pagpasok ko sa aming munting tahanan, tila ba naramdam ako ng matinding lungkot sapagkat wala na si Jodie.

Wala ng magpapagaan sa pakiramdam ko. Wala nang magpapangiti sa akin. Wala na yung tatawag ng ate sa akin. Sobrang mamimiss ko siya.

Sana makadalaw siya dito o kaya sana makapagpadala siya ng sulat.

"Jodie anak, tulungan mo nga ako dito" sabi ni inay. "Balatan mo nga at hiwain tong mga rekado at magluluto na ako." nakangiting sabi nito.

Dali dali akong nagtungo sa may lamesa para balatan ang papayang isasahog ni nanay sa tinola.

Paborito ito ni Jodie. Tinolang manok. Sayang naman di niya matitikman tong luto ni nanay. Si nanay ang pinaka masarap magluto sa aming baryo.

"Jodie wag ka ng malungkot" saad nito. "Ito o, magluluto ako ng paborito mo. Kinatay ng tatay mo ang pinakamatabang alga niyang manok" dagdag pa nito at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi.

Paano kaya nagagawa ni inay na ngumiti kahit wala na si Jodie. Siguro talagang masaya siya, silang dalawa ni tatay kasi makakapag aral siya sa isang unibersidad sa maynila. Buti na lang talaga siya ang pinapunta ko. Kasi sigurado kong kayang kaya niya iyong mga pag aaralan doon. Matalino kasi siya. Di tulad ko. Pagmumuni muni ko habang nagbabalat ng papaya.

"Tapos na ba yan anak?" tanong ni inay. "Paki hugas naman itong dahon ng sili" dagdag pa niya sabay abot ng kapipitas na dahon ng mga sili.

Agad kong hinugasan ito at inilagay sa isang bilao para tumulo ang tubig.

Lumapit ako sa niluluto ni inay. Pagbukas niya rito, agad na kumalat ang masarap na amoy ng tinola sa hangin. Amoy pa lang nakakabusog na.

Maya maya, nakita ko si itay na dali daling pumasok sa bahay.

"Naku, basang basa ka na" sambit ni inay sabay lapit kay itay upang punasan ito.

"Nadatnan ako ng ulan. Sinilong ko kasi yung mga kambing natin. Kapapanganak kasi. May dalawa itong anak." masayang sambit ni itay.

"Magbihis ka na, at baka magkasakit ka." malambing na sabi ni inay.

Mula noon, hanggang ngayon kitang kita ko parin na mahal nila ang isat isa. Hindi nagbabago ang pakikitungo nila sa isat isa. Ilang taon na rin silang nagsasama. Dalawang dekada na.

Muling ibinaling ni inay ang kanyang paningin sa kanyang niluluto.

"Malapit ng maluto ito. Akin na iyang dahon ng sili anak." magiliw na sabi ni inay.

"Jodie, tawagin mo na ang itay mo. Maghahain na ako at kakain na tayo." saad nito.

Agad akong nagtungo kay itay para tawagin siya.

Masaya naming pinagsaluhan ang tinolang luto ni inay. Tamang tama sa maulan na panahon.

Pagkatapos naming kumain, pinapasok na ako ni inay sa aking kwarto. Siya na raw ang magliligpit at mag uurong sa mga pinagkainan.

Nahiga ako sa aking kama. Napatingin ako sa may kaliwa ko. Hindi ko na katabi si Jodie.

Nakakabingi ang katahimikan sa mga oras na ito. Dati rati, nagkukwentuhan muna kami ni Jodie bago matulog. Madalas niyang kinukwento na gusto niyang makapag tapos ng pag aaral. Hindi daw siya nawawalan ng pag asa kahit parang suntok sa buwan ang pangarap niya. Kaya nga hinding hindi ako nagsisis na siya ang pinapunta ko sa Maynila para maka pag aral dahil alam ko na noong maliliit pa kami iyon na ang gusto niya. Buti na lng talaga dumating si Don Flavio sa buhay namin. Hulog talaga aiya ng langit hindi lang sa amin kundi sa buong baryo namin.

Hindi pa rin ako makatulog kahit ilang oras na akong nakahiga. Iniisip ko si Jodie. Ako kaya, inisip niya rin? Kamusta kaya siya don?

*****
Ilang araw, linggo at buwan na ang lumipas lalong nadadagdagan ang pag kamiss ko kay Jodie.

"Mang Ramon, Nana Martha" dinig na dinig ko ang isang pamilyar na boses.

Dali dali akong lumabas

"Kuya Luis." masayang bati ko.

"Sulat galing kay Julia" masayang saad nito sabay abot sa akin ang sulat. Nakita ko sina inay at itay na dali daling lumapit sa amin

"Luis, pumasok ka muna para makapag kape ka." alok ni inay.

"Hindi na po Nana Martha, nag aantay na rin po kasi si inay sa akin. Dinaan ko lang po itong sulat ni Julia." saad nito at nagpaalam na rin.

Dali dali kaming nagtungo nila itay at inay sa may sala. Ako ang nagbasa ng sulat ni Jodie. Kasi hindi marunong magbasa sina itay at inay.

Mahal kong Inay, Itay at Jodie,

Bago po ang lahat nais ko po kayong batiin ng magandang araw at miss na miss ko na po kayo.

Napakaganda po dito inay, itay, ate. Sana magkaroon din kayo ng pagkakataon para makapunta dito.

Wag po kayo masyadong mag alala sa akin kasi napaka bait po ng mga tao dito sa bahay. Lalong lalo na po si Don Flavio.

Hindi rin po ako nahihirapan sa mga aralin namin. Lagi po akong nakaka kuha ng matataas na iskor aa tuwing may pagsusulit.

Miss na miss ko na po kayong lahat jan. Lalo ka na Jodie. Magpakabait ka jan ha. Ikaw na ang bahala kina itay at inay.

Hanggang dito na lang.

Nagmamaghal,

Julia

Sa tuwing umuuwi si kuya Luis, naglapadala ng sulat si Jodie. Sumusulat din ako sa kanya para ibalita ang mga nagaganap dito sa baryo. Sinusulat ko rin ang mga gustong sabihin nila itay at inay sa kanya. Sa ganitong paraan, nababawasan ang pangungulila namin kay Jodie at magpasa hanggang ngayon, hindi pa rin alam nila itay at inay na si Jodie ang nasa Maynila at ako ang kasama nila dito sa baryo.


Don't forget to vote, comment and share😊😊😊











Jodie's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon