Dear Diary,
Hindi na ako nakakapag focus sa aking pag aaral dahil sa mga ginagawa nila sa akin. Wala naman akong kasalanan sa kanila bakit nila ako ginaganito. Mayayaman naman sila, nakukuha lahat ng gusto. Ano naman ang laban ko na isang hamak na mahirap lamang.
Brix Wayne
Ito na ang pang limang pagkakataon na inagaw niya ang softdrink na iniinom ko. Hindi man lang siya makabili e ang yaman niya. Ako nga, kinakailangan ko pang mag tabi ng limang piso sa apat na araw para makabili nito bilang treat sa sarili ko, aagawin pa niya.
Isang daan piso rin iyon ha. Sayang. Dinagdag ko nalang sana sa ipon ko para sa pangpamasahe nila ate, inay at itay papunta dito sa Maynila at pabalik sa baryo sa Disyembre. Nakakainis talaga.
-Jodie
*****
THIRD PERSON'S VIEW:
Maagang nag bukas ang cafeteria sa school para makapaghanda sila agad ng mga pagkain.
"Berto, ang mga softdrinks ipasok mo na agad sa reff para lumamig agad ang mga ito. Late na kasi nilang naideliver kagabi kaya di ko na nailagay" saad ng canteen manager sa isang helper nito.
"Opo maam" magalang sa sagot nito.
Pagbukas niya ng reff, nabitawan niya ang hawak niyang sotdrinks dahil sa tumambad sa kanya.
Tila napako si Berto sa kinatatayuan niya dahil sa kanyang nakita.
"Maryosep! Ano ba yan Berto di ka nag iingat. Sayang ang softdrinks na nabasag!" pasinghal na sabi ng canteen manager.
Nagulat ito kasi hindi gumagalaw si Berto sa pagkakatayo
Nang tingnan niya ang reff tumambad sa kanya ang isang estudyanteng wala ng buhay sa loob.
Nagsisisigaw ito. Sakto naglalakad si Prof. Ned sa gawi niya. Agad niya itong nilapitan.
"Bakit ho, Miss Beth? Anong nangyari? Nagaalalang tanong nito.
"May patay sa reff" sambit niya at napakapit kay Prof.
Agad silang nagtungo sa loob ng cafeteria. Nadatnan nila si Berto. Napako pa rin kinatatayuan nito.
"Berto" tawag ni Prof. Ned pero di ito gumagalaw. Sobrang na shock ata sa nakita. Nanlalaki ang mga mata niya at laglag ang panga. Dahan dahan siyang hinila ni Prof. Ned saka lang siya gumalaw. Biglang nanginig ang kanyang buong katawan kaya naman agad siyang pinaupo ni Prof sa isang bakanteng upuan.
Nang lumapit siya sa reff, tumambad sa kanya ang kalunos lunos na itsura ng estudyante.
Agad siyang tumawag sa police station para ireport ang insidente.
Adag naman rumisponde ang mga pulis.
"Prof. Pangalawa na ito a." saad ni SPO4 Luis sa kanya.
Nakita nila na may apat na basyo ng 1.5 na softdrinks sa gilid ng reff.
Nung nilabas yung bangkay sa reff, nakasaksak sa bunganga niya ang isa pang bote ng 1.5. Tila pinilit itong pinasok sa bunganga niya. At may kalakihan rin ang tiyan nito.
Napapikit si Prof. Ned sa nakita niya.
"Ano kaya ang motibo ng pagpatay sa kanya. Bakit parang nilunod siya sa softdrinks. Biro mo limang 1.5 ang pinainom. Pinainom kaya sa kanya lahat yun?" naguguluhan na tanong ni Prof. Ned kay SPO4 Luis.
"Oo nga, baka naaspirate yan kaya namatay." sagot nito.
"Tara, tingnan natin ang CCTV." pagyaya ni SPO4 kay Prof.
Pinanood nila ang CCTV footage. Mag gagabi na. Kakaalis ng nagdeliver ng soft drinks. Bigla silang may naaninag sa isang lalaki. Siya yung estudyante. Binuksan niya yung reff bigla na lang itong lumagok ng lumagok ng ilang 1.5 na softdriks tila ba uhaw na uhaw. Grabe walang tigil na apat na sunod sunod na 1.5 ang ininom niya. Tapos nung pang lima na bigla na itong pumasok sa loob ng reff.
Ayon sa pag iimbestiga, nag negative ito sa drug test kasi bulong bulongan na nag ddrugs daw ito.
Hindi nila inaalis ang posibilidad na nakatake ito ng drugs dahil sa kanyang ginawa.
"Brix Wayne nga pala ang pangalan ng biktima SPO4." sabi ni Prof. "Kakalase nung unang biktima." dagdag nito.
"May connection kaya ang nangyari sa dalawa?" nagtatakang tanong ni SPO4 kay Prof.
"Hindi ko alam." tipid na sagot ni Prof.
Isinakay na ang biktima sa ambulansiya. Umalis na rin si SPO4 kasunod ng ambulansiya.
*****
Palinga linga sa paligid si Brix. Mukhang inaantay niyang makaalis ang nagdeliver ng softdrinks.
Nang namatay na ang ilaw at natiyak niya na wala ng tao sa loob na cafeteria, lumabas ito sa pinagtataguan niya.
Agad siyang nagtungo sa isang reff binuksan ito. Saglit siyang napahinto kasi nakadama siya ng presensya ng isang taong nakatayo sa di kalayuan.
Nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya.
"Fuck! patay ka na!" sigaw nito.
Nakatitig lang yung babae sa kanya.
Biglang gumalaw ang kamay niya. Kumuha ito ng isang 1.5, binuksan niya ito. Inilapit niya ang bote ng softdrinks sa kanyang bibig. Pilit niya itong pinipigilan pero wala siyang magawa. Para siyang isang de remote robot na kontrolado ang galaw. Nilaklak niya ang softdrinks, muling kumuha ng isa. Muling binuksan at nilakalak.
"Tama na! Tama na!" pagmamakaawa nito. Pero wala siyang magawa. Kahit na anong pagpipigil nito tila may kumokontrol talaga sa kilos niya. Hanggang sa makaapat na bote na siya. Hirap na siyang huminga. At nung panglima bote, pumasok siya sa loob ng reff kahit ayaw niya. Sa di niya malamang dahilan parang tinutulak ng kamay niya ang bote papasok sa kanyang lalamunan hanggang sa nawalan na ito ng hininga.
*****
Muling nagtungo si Luis sa bahay ni Don Flavio para bisitahin si Julia.
"Julia" tawag nito sa pangalan niya habang naglalakad ito sa may pasilyo.
"Kuya Luis, napadalaw ko ulit." masayang bati ni Julia sa kanya.
"Nag aalala kasi ako sa iyo. May namatay na naman sa school niyo." nag aalalang saad nito.
"Oo nga kuya kaklase ko ulit iyon" may takot sa boses nito.
"Julia, mag iingat ka. Ito nga pala, may ibibigay ako sa'yo para kung may mgayari sa iyo matatawagan mo ako kaagad." sabi nito sabay abot ng isang paper bag.
"Kuya Luis, ano po iyan?" masayang tanong nito.
"Buksan mo" utos ni Luis sa kanya.
Dali dali niya itong binuksan at tumambad ang isang bagong cellphone.
"Kuya Luis, salamat po." sambit nito at di pa rin makapaniwala sa bigay ni Luis sa kanya.
"Andiyan na ang number ko. Naisave ko na. Wag kang mahiyang tumawag sa akin Julia ha." sabi nito.
"Aalis na ako, magpapaalam lang ako kay Don Flavio." sabi nito.
Tumango lang si Julia habang nakangiti.
Nang papalayo na si Luis, napalitan ng ngisi ng ngiti sa mga labi ni Julia.
Don't forget to vote, comment and share😊😊😊
BINABASA MO ANG
Jodie's Diary
General FictionNapakasakit mawalan ng taong mahal mo. Pero mas masakit pag kasama ng paglisan ng taong mahal mo ang pangarap at ang nag nag iisang pag-asa mo. Pag-asa na na sana'y babago sa mundong ginagalawan mo. Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Resulta...