Dear Diary,
Marami akong natutunan at narealize ngayong araw na ito. Una, hindi pala assurance ang pag mamahal mo sa isang tao para hindi siya lokohin.
Kulang pala ang salitang pagmamahal para manatiling tapat sa taong minamahal mo.
Pangalawa, hindi lahat ng kaibigan at tunay. Kaibigan ka lang nila pag kaharap mo, o kaya kung may mahihita sila sa'yo.
Ang saklap ng buhay. Mas maiging wala kang kaibugan o minamamahal kung sa huli'y hindi ka naman totoo sa kanila
- Jodie
JULIA'S POV:
"Guys ano na?" natatarantang tanong ni Chloe sabay hit hit sa sigarilyo. Nanginginig ang kamay niya. Kitang kita ko sila dito sa kinatatayuan ko.
"Hindi ba kayo natatakot?" tanong niya sabay buga ng usok.
"Itigil mo nga yang ka yoyosi mo Chloe" pagalit na sabi ni Mira.
"Natetense ako. Wala na si John, wala na rin si Brix. Baka mamaya ako na o baka ikaw na susunod Mira?" praning na saad nito.
"Wag ka ngang masyadong praning" pagalit na sabi ni Blyte.
"Sinong hindi maprapraning? Hanggang ngayon wala pa silang lead kung sinong may gawa dun sa dalawa." galit na sabi niya. "Simula nung bumalik siya, nagsimula na ang patayan dito." dagdag pa nito. Sabay muling hit hit sa sigarilyo. "Blyte, natatakot na ako." sambit niya sabay yakap kay Blyte.
Nakatunganga naman ang iba sa kanyang mga kasama dahil sa kakaisip. Bigla silang nagulat ng bigla akong pumasok sa loob ng room.
"Amoy, sigarilyo naman dito. Mamaya madetect ng smoke detector." sabi ko sabay takip ng panyo sa aking ilong. Agad kong binuksan ang mga nakasaradong bintana.
"Bakit ba kayo ganyan makatingin sa akin. Para kayong nakakita ng multo" saad ko sabay upo sa pwesto ko. Naglabas ng libro sa aking bag at nagsimulang magbasa.
Takot na naka titig sina Chloe, Mira Blyte, Rojan at Kier sa akin.
"Ano ba? Bakit ganyan kayo makatingin?" muling tanong ko sa kanila.
Nagsitungo naman sila sa kanya kanya nilang upuan.
Maya maya nagsidatingan na ang iba pa naming mga kaklase.
Nagchichismisan ang iba.
"May serial killer daw dito sa school"
"Nakakatakot naman"
"Buti nga may mga pulis na nag babantay"
"Nakakatakot"Ilan sa mga usap usapan ng mga chismosa naming mga classmates.
Kapansin pansin ang lims (Chloe, Mira, Blyte, Rojan at Kier) na balisa. Di sila mapakali sa kanilang inuupuan at mayat maya sumusulyap sa akin.
Maya maya pumasok na ang aming professor.
Nagsimula na itong magturo at tinuon ko ang aking pansin dahil ilang buwan na lang final exam na, tapos graduation na.
Kailangan kong maghanda para sa darating na finals.
Pagkatapos ng klase namin. Balisa pa rin silang lima.
Nagsilabasan na ang iba naming classmates. Anim na lang kaming natira sa loob ng room.
"Chloe" pagtawag ko sa pangalan niya. Napabalikwas ito sa pagkagulat. Tiningnan niya ako na tila ba may takot sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Jodie's Diary
Ficción GeneralNapakasakit mawalan ng taong mahal mo. Pero mas masakit pag kasama ng paglisan ng taong mahal mo ang pangarap at ang nag nag iisang pag-asa mo. Pag-asa na na sana'y babago sa mundong ginagalawan mo. Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Resulta...