CHAPTER 34

203 9 0
                                    

"Nasaan tayo? " tanong ko, hindi ko naman kasi alam kung anong lugar 'to. Baka naman nagka-amnesia ako? Agad kong pinukpok ang ulo ko at nakita 'yun ni Axel kaya nagtataka itong tumingin saakin.

"What the hell? " kunot noong tanong nito saakin, wait? Tanong ba 'yun? Ay ewan ko basta. Huhu.

"Stop,"may diing usal nito. Kaya naman tinigil ko na ang kakapukpok sa ulo ko. Hinigit nito ang kamay at idinala kung saan.

Ang masasabi kolang ay malamig ang simoy ng hangin, ang ganda ng tanawin at talagang marerelax ka.

"Wow. Ang ganda naman dito," manghang usal ko. Nakita ko naman na ngumiti si Axel at iniwan ako.

"HOY SAAN KA PUP—"

"Tsk. Wait for me. Kukunin kolang ang tent," sagot nito pabalik. Tent? Aanihin naman kaya namin 'yun. Hindi kona s'ya pinansin at patuloy na nagpalinga linga ng tingin.

Napadaan ako sa mga maraming bulaklak, isa isa ko silang inamoy at halatang masigla ang mga ito. Nasa taas kami ng kung saan kaya sobrang ganda ng view, gusto ko mang kunan ng litrato ay hindi ko magawa kasi hindi ko alam kung nasaan na ang cellphone na ibinigay saakin ni Axel. Sayang naman 'yun, dalawa pa naman.

"Hey. Help me" napalingon ako dahil narinig ko ang boses ni Axel. Ngiti ko s'yang pinuntahan at kinuha ang iba nitong bitbit. Ito ata ang sinasabi n'yang tent.

"Anong gagawin natin?" tanong ko.

"Help me. I'll guide you" tumango nalang ako at inayos sinunod ko na ang mga sinasabi nito. Hindi naman mahirap, medyo lang hehe. Kasi kada nadadaplis ako sinisigawan ako ni Axel e hindi ko naman sinasadya huhu.

"Done" ganito pala ang itsura ng tent, I mean ito pala 'yung tent na sinasabi nila. Ang ganda, ang laki.

"Yehey" usal ko sabay palakpak. Napailing naman s'ya sa ginawa ko. Nakita ko s'yang pumunta sa may kotse kaya sumunod ako.

"What are you doing here? " tanong nito pero hindi tumitingin saakin.

"Tutulong,"sagot ko. Narinig kopa ang pagpalatak nito dahil sa sinabi ko. Napakunot naman ang noo ko, ano nanaman kayang problema nito saakin.

"Go back there. Kaya ko 'to" tinignan ko ang gamit na kukunin nito, masyadong madami. Dahil matigas ang ulo ko kumuha ako ng ilan.

"WHAT TH—" hindi n'ya natuloy ang sasabihin n'ya dahil bigla ko s'yang hinalikan. See? Tumahimik, ingay ingay.

"Kunin mo na 'yan, hahaha" natatawa tawa akong umalis dahil nakita ko kung paano mamula ang tainga n'ya. Bakla.

"How's your feeling?"tanong n'ya bigla saakin. Kinuha ko ang kamay ko at nilaro laro ito habang nakatingin sa malayo. Hindi ko alam pero kahit alam kong napapahamak ako dahil kay Axel hindi parin ako lumalayo, siguro masyado nga talaga s'yang napalapit saakin kaya gano'n, wala rin akong pinagsisihan sa mga nangyari saamin.

"Okay naman na ako,"binigyan ko s'ya ng matamis na ngiti para hindi na s'ya mag-alala pa. Hindi man n'ya sabihin ay alam ko, halata naman sa mga kinikilos n'ya. Crush n'ya nga ako e.

"Good to hear,"sumilay ang ngisi sa mga labi nito at parang may pinaplanong gawin. Tinapik ko ang binti n'ya dahil doon. Napatawa nalang ito at agad akong hinalikan sa noo.

"Gaga,"sabay kaming tumawa dahil doon. Napabuntong hininga nalang ako at nagparelax dito sa lugar kung saan n'ya ako dinala. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti, tsk. Nahawa na ako sa kabaliwan nilang mga magtotropa.

"I'm sorry" Nagtaka naman ako sa sinabi nito dahil bigla biglang nagsosorry.

"Saan?"tanong ko.

The Unknown Disease[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon