Maraming bagay ang bumabagabag sa ating isipan
Mga kasagutang hindi natin maunawaan
Mga sitwasyong mahirap ipaliwanag
At mga katanungan kung bakit tayo iniwanTulad na lamang ng nangyari sa hapag
Ito'y palaging bumabagabag
Sa mga ala-alang ating binibitin
At sa konsensya kong palaging nababahagKay hirap nga namang isipin
Na kahit kailan hindi ka na magiging akin
Ngunit sa pagkakataong ito
Ay kailangan ko nang tanggapinNagsimula sa pagtatalong hindi natin ginusto
Hanggang sa umabot sa "Itigil na natin, to!"
Mabilisang nag-alsabalutan, humakbang
At unti-unting lumayo rinig ang pagsusumamoSa aking paglayo, unti-unti ring lumulutang
Ang isipang walang ibang laman kundi ang ngiting pinagsaluhan
Hindi ko alam kung papaano nagbago
Ang ating pagsasama at pagmamahalanSa aking pagtakbo, ako ay dagling huminto
Nang aking natantong hindi kayang malayo
Pinilit ang sariling maglakas loob lumingon
Sa pinagmulang biglaang iniwan palayoAko'y nadapa at pinilit bumangon
Nagmamadaling umaahon
Sa pagkakalugmok na kinasadlakan
Natauhan sa huling pagkakataonNgunit nang aking lingunan
Hindi ko na alam ang patutunguhan
Naisin ko mang bumalik
Baka mas lalong malayo sa pupuntahanBaon ang alaala ng iyong mga halik
Mga hikbi'y pinatahimik
Kinapalan ang mukha
At nagnais bumalikSa aking pagbabalik, sumalubong ay wala
Nag-alala at nagtaka kung nasaan ka
Akala'y yakap ang unan at iniiyakan
Ngunit wala akong nakitang luha sa iyong mga mataHindi pala kalungkutan ang madadatnan
Sa aking paglisa'y wala na pala akong babalikan
Ika'y tumayong mag-isa kahit nahihirapan
At wala akong karapatang sirain ang iyong kaligayahan

YOU ARE READING
An Ounce of Weirdness
NonfiksiThis book is a compilation of my Episodes of #WordVomit Word Vomit is my way to express myself freely through writing. Everytime a thought comes into my mind, words would storm out. The moment I realized it, I found myself writing the words coming o...