2nd Phase

9 1 0
                                    

"Mahal, ano bang gusto mong wedding?"

Napatingin ako sa mukha ng lalaking mahal na mahal ko. I'm very sure na siya na ang para sa akin simula palang ng masilayan ko ang ngiti niya.

Khalil knows me well.

He knows when I'm mad, when I'm sad,when I'm happy and even when I'm disappointed.

I'm smiling seeing him prepare things for our wedding. This is my dream noon pa. I cupped his face then smile.

"'Yung simple lang, basta sa'yo ako ikakasal, 'yun ang importante"

He held my hand and kissed my palm then moved his face an inch close to my face.

"I'm lucky to have you Kathryn, I love you"

"I love you too Khalil"

"Miss? Saan ba tayo pupunta? Miss uy?"

There you go. The fucking tears. Kailan ba to titigil?

Napatigil ako sa pag iyak ng maalala kong andito papala ako sa kotse ni Daniel.

He keeps on asking me saan kami pupunta kasi sa totoo lang hindi ko rin alam.

I'm a dumped bride on her wedding dress with a stranger. Nakakatawang isipin pero totoong nangyari ito sa buhay ko.

I turned to my left facing Daniels looking irritated dahil kanina pa ako tinatanong.

"I don't know, magdrive ka lang" I replied.

He brushed his fingers through his hair. Mukha siyang iritang irita na dahil sa ginawa kong pandamay sa kanya sa problema ko, pero,do I have a choice?

"Ano?" he asked in annoyance. "Alam mo iuuwi na lang kita sa inyo tutal alam ko naman saan bahay ninyo" then make his way for U-turn.

Kinabahan ako dahil ayoko pa talagang umuwi! Hindi ko pa sila kayang harapin!

At dahil sa kaba hinawakan ko sya sa kamay at nagmakaawang 'wag akong iuwi.

"Please no" I pleaded. "Idaan mo na lang ako sa isang hotel, you don't have to stay with me, just please don't bring me back home"

It's like a shit seeing me plead to someone I just met. Hindi ako ito pero kailangan kong magpakatatag. Hindi ako ang nanakit at nang-iwan. Ako ang biktima.

I saw him heaved a heavy sigh at nagpatuloy siya sa pagdrive.

Binitawan ko siya sa pagkakahawak ko ng bumigay siya. "Thank you" I said, pero parang wala siyang narinig, diretso lang sya sa pagdrive.

After a couple of minutes nakita kong hindi kami sa hotel nagpunta. Nasa palengke kami.

"Why are we here? Sabi ko sa hotel"

Hindi niya ako pinansin at sa halip at lumabas siya ng koste at iniwan akong mag-isa. Hinayaan ko siya dahil alam kong babalikan niya pa naman ako ditto, baka may binili lang.

Nakita kong pabalik na siya sa kotse at may bitbit siyang plasic bags at ipinatong sa lap ko.

"Ano 'to?" I asked.

Tinignan niya ako ng may seryosong mukha. "Hindi mo naman siguro gugustuhing maglakad lakad sa labas ng naka gown?"

Biglang nag sink in sa akin 'yung sinabi niya. "Thank you, hindi mo naman 'to kailangan gawin"

"Dinala mo na ako sa sitwasyong ito na hindi ko ginusto, ngayon mo pa 'yan sasabihin?"

Bigla akong nahiya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kanina mukhang ang tapang tapang ko pero ngayon tila nalulon ko ang dila ko sa mga sinabi niya, kaya imbes na magsalita nanahimik na lang ako.

When Love Finally Found Me (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon