1st Phase

115 6 0
                                    

One day, I already thought about getting married. Tying a knot with someone I'm willing to give the rest of my life. Until we're both haunting our last breathe and face our eternal life above. Isn't that sweet? That's what I think about my future. About how am I supposed to handle everything is so special for me.

Kung kaya't heto ako ngayon. Narito sa apat na sulok na kwartong ito. Masayang hinaharap ang aking sarili sa isang malaking salamin at nilalagyan ng palamuti sa aking mukha. Minsan na akong nangarap ng ganito. Ang mapakasal sa taong pinaka mamahal ko. at ngayong araw na ito magaganap ang pinaka espesyal na araw ng buhay ko.

Hindi ako magsasawang ulit ulitin kung gaano ako kasaya ngayong araw. Parang dati lang ay isa akong hopeless romantic na babae na pinagpapantasyahan ang lalaking lagi kong sinusulyapan sa school pero heto na kami ngayon. Magpapakasal na.

How I wish that this day won't end for the both of us.

I could still remember my English professor once told us that loving someone will be both abstract and concrete. You should atleast feel it and at the same time physical attraction will atleast combine through it.

Dati napaisip ako kung ano nga ba ang ibig sabihin nung professor namin tungkol doon? Because definitely I don'y have any idea about love until one person came into the scene and enter my life.

"You're so beautiful anak"

Napalingon ako sa mama ko na ngayo'y lagi na lang emosyonal sa harapan ko. lumapit ako sa kanya saka ko siya niyakap. I'm going to miss her. Pero babalik pa rin naman ako sa bahay kapag may oras ako.

"Mama, please 'wag ka namang ganyan... magpapakasal lang ako pero hindi ako mawawala sa'yo"

Kumawala ako sa yakap ni mama saka ko siya tinitigan sa mata.

"I know honey, but, this..." saka niya iginiya ang kanyang kamay na itinuturo ang aking suot na puting wedding gown. "... this is what I'm referring to. Maya-maya lang ay magpapakasal ka na at tuluyan ng mapapalitan ang apelyido mo ng Ramos." Saka niya pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata niya.

Grabe lang talaga si mama. Napaka babaw talaga ng luha niya.

"Mama naman, kahit na anong mangyari I'm still a Bernardo. Apelyido lang ang nawala pero ang pagkatao ko ay hindi"

Nakita ko namang napangiti si mama. "Oo na anak. Pagpasensyahan mo na si mama, sadyang napakaemosyonal ko lang ngayon dahil ang bunso kong anak ay magpapakasal na. wala na akong baby"

"I'm still your baby mama, no matter what"

"Ofcourse you are my dear" saka niya uli ako niyakap. "Oh wait... " pahabol na sabi ni mama. ".. andiyan na pala 'yung official photographer sa baba. Kukuhanan ka muna niya ng mga pictures diyan sa may garden bago ka pumuntang simbahan"

"Bakit ngayon lang ako magpipictorial ma, kung kailan araw ng kasal?"

"Kasi naman anak, sa sobrang pagmamadali ninyo ni Khalil sa pagprepare ng wedding niyo ay nakalimutan niyo na ang pictorial before wedding. Don't worry it won't take long." Saka ako nginitian ni mama.

Napahinga na lang ako ng malalim bago ako tumango kay mama at nagtungo sa sala. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan dahil na rin sa iniingatan kong hindi matapilok dahil sa taas ng takong ng sandals ko. pati na rin ang iniiwasan kong maapakan ang wedding gown ko. nasa kalagitnaan ako ng pagbaba ng makita kong napatingin sa gawi ko 'yung sa tingin ko ay 'yung official photographer ng kasal ko dahil na rin sa may nakasabit sa leeg niyang camera at ilang bag na I think may lamang camera or viderecorder.

Nginitian ko na lang siya saka nginitian niya ako pabalik. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan saka nagtungo sa dulo ng hagdan nabigla naman ako sa ginawa niyang biglaang pagkuha ng picture sa akin gayung hindi ako ready at bumababa pa lang ako ng hagdan.

When Love Finally Found Me (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon