Maaga akong nagising dahil hindi rin ako makatulog kagabi.
Hindi ako pinatulog ng mga luhang pilit pa ring kumakawala sa mga mata ko sa tuwing maaalala ko ang nangyari.
Hindi madaling bumangon gayung alam mong may dapat ka pang harapin at tapusin.
Paano ba ako magsisimula? Paano ko ba siya kakalimutan?
Napabuntong hininga ako saka nag ayos ng sarili.
Tumingin ako sa salamin at bakas parin ang kahapon. Bakas pa rin ang mga luhang ayaw magpapigil.
Pinilit ko ang aking sariling ngumiti, hindi ko hahayaang may isang butyl ng luhang tumulong muli sa mga mata ko. I need to move on and go on with my life.
Kung magagawa ni Khalil, kakayanin ko. Kahit mahirap.
Agad kong tinignan ang orasan.
It's already 5:30 in the morning.
It's a bit early pero wala rin akong maisip na gagawin lalo na gusto na akong pauwiin ni Daniel ngayon.
I need to think and atleast give him something na kaya kong ma-offer for thanking him for helping me escape from reality shit of my life.
Pababa ako ng hagdan ng saka ko lang malawakang nakita ang kabuuan ng bahay, I wonder bakit nagwowork pa ng freelance photographer si Daniel pero kita ko namang ang yaman ng pamilya niya?
Napagaw ng saglit ang tingin ko sa pasilyong tinuro ni Lola Mercy, ang kwarto ni Daniel.
'Thank You' bulong ko sa aking isipan saka na ako nagtungo sa kusina.
Binuksan ko ang ref at maktang puno ito. Kinuha ko ang mga sangkap na kakailanganin ko para sa pagluluto ng putaheng naisip ko, at thankful ako na mayroon sila ng mga ingredients na kakailanganin ko.
Habang abala ako sa paghiwa ng karne ay nakita ko si Lola Mercy na dumating, may mga bitbit itong eco-bags at nakasunod sa kanya si Kuya Greg.
"Oh Kathryn, anong ginagawa mo hija? Bakit ka nagluluto, naku" ibinaba niya sa lamesa ang mga pinamili niya at saka akmang kukunin sa kamay ko ang kutsilyo pero agad koi tong pinigilan.
"No lola, ako na po" saka ako nagpatuloy sa paghihiwa.
"Bakit ang aga mo namang nagising hija?" habang inaayos niya yung mga pinamili niya.
"Ikaw pala si Kathryn" biglang singit ni kuya Greg ng lumapit siya sa amin ni Lola at ibinaba rin ang mga iba pang pinamili nila.
"Opo , pasensya na po kayo nangielam ako ng gamit pero gusto ko lang pong paglutuan si Daniel"
"Wow, naku alam mo ba Mam Kathryn , nagtataka ako at bakit nagdala ng babae rito sa bahay, napaka tahimik pa naman 'nun"
Napaisip at ngumiti na lamang ako sa sinabi ni kuya Greg.
"Kathryn nalang po kuya Greg, malaki na po ang abalang naibigay kp kay Daniel kaya mamaya aalis na rin po ako""Aalis kana agad hija?" tanong ni Lola Mercy. Nakita kong nalungkot ang mga mata niya.
Wala akong magagawa. Hindi ko nga alam kung kaibigan ko bang ituturing si Daniel dahil hindi naman talaga kami magkakilala.
Tumango ako. "Opo, kaya sana gusto ko manlang makapagpasalamat sa simpleng pagluluto"
Nagpaalam na si Kuya Greg dahil magpapacarwash pa raw siya at naiwan kaming dalawa ni Lola Mercy habang nag luluto ng pagkain.
Marami kaming pinag-usapan ni Lola.