CHAPTER 2

10 0 0
                                    

Ilang araw na lagi na kami magkakasama nina Jane, Nicole, Dale, Josh, pati sila Ace at Kean. Sabay kami mag lunch pati na rin sa uwian. Minsan nga sama-sama pa kaming napapakain sa may labas ng school ng mga turo-turo. Pagtapos non ay hiwa-hiwalay na kami ng daan dahil sa kaliwa kami nina Jane, Nicole at Josh patungo. Sila Ace at Kean naman sa kanan. Tapos itong bwisit na Dale na 'to papasok pa sa looban ng street ng school namin. Lapit ng bahay pero araw-araw late!

Isa pa sa naging dahilan kung bakit halos kami na ang laging magkakasama ay dahil lagi kaming magkakagrupo. Kapag tatluhan, matic na yan na sina Jane at Nicole ang kagrupo ko. Tapos madalas sa ibang subject, sa row binabase yung group. Nasa first 2 row kami kaya naman lagi kaming nagiging group 1.

Nakakatuwa pa na nagkasundo kami sa isang subject na kami ang pinapili ng mga ka-group. Sakto kailangan ng 7 members. Nagkatinginan na kaming pito agad-agad at pinili namin ang isa't isa.

"Mga bebe ko, birthday ko na bukas ah. Punta kayo sa bahay after class," pag-iimbita samin ni Dale.

"Ayoko nga," sarkastiko kong pagksabi at humalukipkip. Nabatukan tuloy ako ni Dale.

"Tanga, sinong nagsabing imbitado ka?" sabi ni Dale na tila naghahamon pa. Nagtawanan nalang yung mga kasama namin. 'Di man lang ako tinanong kung nasaktan ba ko!

Nandito kami ngayon sa canteen at sabay-sabay din kaming kumakain ng lunch. Lahat kami bumibili nalang ng lunch sa canteen pwera lang kay Nicole dahil pinagluluto siya ng mama niya every day. Kainggit. Sana all lab ng mama char.

"Overnight ako Dale ah. Ipaalam mo na kay Tita agad, mamaya magulat na naman 'yon na nasa inyo ako," sabi ni Josh kay Dale.

"Sige pre," sagot naman ni Dale. "Kakatawa kasi nalimutan kong sabihin kay Mama nung huli itong natulog samin. Inakala tuloy ni Mama na may inuwi akong babae at nakikipagsex dahil sa kagagawan ni Josh," paliwanag ni Dale. Natawa tuloy ang tropa.

"Gulat kaming dalawa nung bumukas yung pinto. Sinipa pala ni Tita yung pinto," dagdag pa ni Josh.

"Paano yung gulat pre?" pang-aasar ni Ace.

"Gago!" sagot ni Josh.

"Bobo rin kasi nitong si Josh. Phone niya yung nakakabit sa bluetooth speakers tapos binuksan yung chinat ni Kean sa kanya," binatukan pa ni Dale si Josh.

"Hoy Kean wag mo na ko sesendan ng kung anong tunog sa Mars. Napapahamak ako e," tuon naman ni Josh kay Kean.

"Bat parang kasalanan ko?" sagot naman ni Kean na umaarte pang parang si Bea Alonzo sa Four Sisters and a Wedding. Potek na mga kaibigan 'to. Hahaha.

"Wait! May tunog yung Mars?" pagtataka namang tanong ni Nicole. Naku andito na yung inosenteng si Nicole.

"'Di mo yun dapat pangaraping marinig Nicole," sagot ni Josh na seryosong-seryoso. Nakakatawa yung mukha niya kaya natawa ang buong tropa pwera lang kay Nicole na iniisip kung may tunog ba ang Mars.

Biglang tumunog yung bell kaya naman tumayo na kaming lahat at dinala yung mga bag namin para pumunta sa next building.

"Okay class, I know na masyado pang maaga para i-announce ito. I just want you to know na sa katapusan ng July ay ang foundation day ng school." Umingay bigla sa room dahil sa mga sari-saring bulungan. First time namin maeexperience yung foundation day ng school namin 'no! Sinong di ma-eexcite?

"Okay quiet na," pagsasaway ni Sir. Tumahimik naman ang lahat dahil interesado sa mga mangyayari. "So, ayun nga. Dahil foundation day ng school, I want you all na sumali sa mga sports and as well as sa mga mini games. Isa lang pwedeng salihan para makasali ang lahat. Magparticipate kayo dahil may dagdag 'yon sa grades niyo, lalo pa kung nanalo kayo."

Paano na kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon