CHAPTER 3

16 0 0
                                    

"Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday to you," sabay sabay na kanta ng lahat. Hinipan ni Dale yung kandila na nakatusok sa cake niya pagtapos siyang kantahan. It is Dale's 17th birthday today. Kuya naming lahat siya. Ako, sa October pa magiging 17.

Pagtapos namin kaninang magkantahan videoke ay tinawag kami ni Tita Carol para i-blow na ni Dale ang candle niya. Ang cute pa ng cake kasi blue ito at may chibi figure ng mukha ni Dale.

"Oh mga anak pinagbalot ko na kayo." Inabot samin ni Tita yung mga disposable clear containers na may mga laman na handa ni Dale. Grabe ang effort.

"Thank you po Tita, 'di na po kayo sana nag-abala pa," pagpapasalamat ko kay Tita. Kinuha ko rin naman yung inabot niyang container. Nakakahiya naman tumanggi at malamang ay pipilitin din naman kami ni Tita na iuwi namin ang mga 'yon.

"You're welcome! Naku wala rin namang kakain niyan dito. Baka mapanis lang," tugon naman ni Tita. Tumingin ito sa bintana kaya napatingin rin ako. Madilim na pala. "Sige na mga anak, gabi na rin at may pasok pa kayo bukas."

"Salamat po Tita," snagbeso pa si Jane kay Tita. Ganon na rin ang ginawa namin at bumalik na sa sala.

Inayos na namin ang mga gamit namin at ipinasok na ang mga binalot na mga pagkain samin ni Tita Carol.

"Sige bro, alis na kami ah. Happy birthday," paalam ni Ace.

"Sige pre, ingat kayo," sagot ni Dale at tinapik ang balikat ni Ace at ni Kean. Nahuli kong sumulyap si Dale sa'kin pero agad ring lumingon. Hala, anong meron sa lalaking 'yon?

Habang naglalakad kami sa street at palabas na sa sakayan ay may tumawag kay Kean. Sinusundo na raw siya. Inaaya niya si Ace na sumabay na sa kanya since same way naman sila ng dinaraanan pero tumanggi si Ace. Kaya naman iniwan namin si Kean sa may tapat ng school at dumiretso na kami sa sakayan.

"Naku, puro pala kayo mga babae na naiwan," pag-aalala ni Ace.

Hala oo nga!

Puro kami mga babae at gabi na rin. Medyo nakakatakot bumyahe nang ganito. Si Ace kasi sa kabilang way siya nakatira. Kaya maiiwan kaming mga babae.

"Sasabayan ko kayo ah. Mahirap na," sabi ni Ace.

"'Wag na kaya Ace? Gabi na rin at baka hanapin ka na sa inyo," pagtanggi ko.

"Oo nga Ace. Kaya naman namin," pagsang-ayon naman sakin ni Jane.

"Samahan ko na kayo. Delikado kung maiiwan kayong tatlo, baka kung ano pang mangyari sa inyo," saad pa ni Ace.

"O sige na," pagsuko ko. Gusto ko na kasing makauwi. Wala naman kaming school works na ipapasa kinabukasan pero gusto ko nang makauwi dahil medyo pagod na ko.

Pumara si Ace ng jeep pero medyo puno na ito. Dumungaw kami sa may pasukan ng jeep at mukang di kami magkakasya lahat. Yung ibang mga dumaraang mga jeep medyo puno na rin.

"Pasok lang mga ate! Sige kasya pa yan usog nalang sa kaliwa't kanan. Pakiipit nalang yan! Kasya pa yan!" sigaw ng konduktor ng jeep.

"Kasya pa ba tayo?" nag-aalangang tanong ni Nicole.

"Sige pasok lang kayo, sasabit nalang ako," sabi naman ni Ace at nauna nang pumasok sa loob sina Jane at Nicole.

"Salamat Ace ah, kapit ka nang mabuti dyan," sabi ko kay Ace at sumakay na ng jeep.

Mahaba rin ang naging byahe dahil medyo traffic. Nakaupo na sa tabi ko Ace nang may bumaba kanina. Buti nga sandali lang siyang nakasabit. Baka mapaano pa siya dun. Hindi ba 'yon nakakangawit?

Paano na kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon