CHAPTER 5

4 0 0
                                    

"Lahat ng tatawagin ko ay ang mga pasok na at ang mga lalaban sa Foundation Day. Congratulations sa mga makukuha at better luck next time naman sa mga hindi. There are other mini games na open at pwede pang salihan," saad ni Miss France. Promise ko pa naman sa sarili ko na kapag hindi ako makakapasok dito ay hinding-hindi na ako sasali pa sa ibang sport or game.  Better luck next time to me.


"Ramos," unang apelyido na tinawag ni Ms. France. WHAT THE FUCK! Ako pa talagang unang tinawag. Oh my gosh. Destiny must be really on my side.


"Ako po?" tanong ko kay Ms. I just want to confirm. Luminga-linga ako sa palagid. Malay ko ba kung may ibang Ramos dito.


"Ano ba apelyido mo?" tanong pabalik ni Ms.


"Ramos po," tugon ko.


"At anong sinabi kong apelyido?" tanong niya ulit sa'kin.


"Ramos po," sagot ko naman. Nagtawanan tuloy yung ibang kasali sa tryout. Nakakahiya. I never thought na pilosopo pala si Ms. or I'm just stupid?


"Well congrats! Ikaw nga 'yon Ramos," she congratulates. Naglakad ako sa tabi niya. From afar nakikita ko naman si Kean na pumapalakpak. Supportive na kaibigan, awww.


Lahat ng inis at konting galit na naramdaman ko kanina ay napalitan ng saya. Ang saya ko ngayon kasi makakalaro ako sa Foundation Day. Masaya ko ring narealize na hindi ko dapat ako sumasali lang just beacause may katumbas itong grade. Sumasali ako kasi gusto kong irepresent yung strand namin at para na rin mag-enjoy while celebrating our school's Foundation Day.


Tinawag na rin ang ibang kasali sa team namin. Wow team namin. Ang sarap sa ears.


Mostly sa mga nakapasok ay ang mga nakasama ko sa Team D. Well, ang ganda ng laro namin kanina. Magaling din naman yung kalaban namin kaso buhat na buhat lang nung isang player. Which is nakapasok sa team ngayon. Siya si Ariel Hernandez.


Wala akong kaklase na sumali rito sa Volleyball. Puro sila nagtry out sa badminton. Ako lang talaga ang nag-iisang STEM 1 na sumali rito kaya naman ang tahimik ko at wala akong makausap.


"Na-explain ko naman na every Friday ang magiging traning natin. After your class 'yon diretso na kayo doon sa field. Then, on the last week before the Foundation Day, whole week na ang training natin," paliwanag ni Ms. France. Ngayon lang talaga nag-sink in sa akin na kasama na ako sa team ng volleyball for our strand. This is for real. Grabe, 'di naman ako sumasali dati, nakikilaro lang ako.


"You guys should start eating healthy foods at tsaka hydrate yourselves. 'Di ko kayo pinepressure pero I just want you all na mag-enjoy sa game sa Foundation Day while giving all your best. That's all for today. Ingat kayong lahat," she added.


Bumalik na ako sa bench kung saan nakalagay yung mga gamit ko. Pinunasan ko ng towel yung katawan ko dahil puno ng pawis.


"Congrats," bati sa'kin ni Kean. Napangiti naman ako.


Paano na kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon