CHAPTER 6

3 0 0
                                    

Tamad na tamad akong pumasok ngayong araw. Paano ba naman kasi, sobrang sakit ng katawan ko. Ang pinakamasakit ay ang hita ko. Other than sa mga pasa ko sa hita, tuhod at binti. Masakit talaga ang mga muscles ko sa parte na 'yon.


Hirap na hirap ako bumaba at umakyat sa hagdan ng bahay palang namin. At kanina sa jeep ay muntik pa akong malaglag nung pababa na ako dahil natyempuhan ko pa talaga ang jeep na may mataas na hagdan sa pasukan. Alam ko talaga kamay ang pinapalo sa bola, pero ba't hita ko ang sobrang masakit.


Heto ako ngayon naglalakad palang papunta sa first class namin.


"Uy okay ka lang?" Huminto ako at lumingon. Si Ace pala. 


"Sakit ng katawan ko," sagot ko rito.


"Bagal mo kaya maglakad, like nasa gate palang ako pero parang hindi ka pa rin umuusad dito," pang-aasar ni Ace.


"Epal mo, ikaw nalang kaya mag-volleyball," pagtataray ko sa kanya. Naglakad na ulit ako. Pero itong Ace na 'to sinabayan yung kabagalan kong maglakad. Mang-aasar-asar tapos susunod-sunod din naman sa akin.


Nakarating naman kami sa classroom on time. Luckily, wala pa yung prof namin sa first subject.


Umupo na ako sa upuan ko. Napansin ko namang wala si Jane na usually ay nauuna kaysa sa'kin.


"Nics," pagtatawag ko kay Nicole. Hindi naman ako nito nilingon dahil abala na naman ito sa pagbabasa ng libro niya. "Asan si Jane?"


"May misyon daw siya," sagot lang nito. Huh? Anong misyon? 'Di ko nalang ulit tinanong si Nicole dahil baka mainis sa akin sa pang-iistorbo ko sa pagbabasa niya.


"Good morning," bati ni Kean pagkapasok niya sa pinto, may hawak na namang milk tea na hindi pa natutusukan ng straw.


"Good morning din," bati ko rin sa kaniya.


"Morning," matipid na pagbati ni Nicole. Pumunta naman si Kean sa upuan niya at nakipagdaldalan na kay Ace.


Nilabas ko nalang yung phone ko at naglaro ng games. Hirap kasi kausapin nito ni Nicole, hindi man lang maalis yung mata sa binabasang libro.


Napalingon ang lahat sa pinto dahil sila Dale, Josh at Jane ay nagtatakbuhang pumasok sa pinto. Lakas pa ng mga tawanan. Hindi nga ako nakitawa. Bahala sila diyan. 'Di ko pa rin makalimutan yung winala nilang gawa ko kahapon. Heto ako ngayon, binalik ko ang tingin sa nilalaro kong game sa phone ko.


Nagbubulungan naman ngayon ang tatlo at 'di ko na pinilit na makinig. 'Di ko sila papansinin ngayong araw.


Mag-isa akong kakain ng lunch?


Bahala na. Ayoko muna silang kausapin kasi parang bumabalik yung inis ko na winala nila yung pinaghirapan ko. May iba naman akong mga kaklase na pwede ko sabayan mag-lunch. Hindi lang naman sila. HMP.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paano na kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon