rock paper scissors 2. "ang lalaking umuusok ang tainga"

23 0 0
                                    

Si Beth

3 pm. Martes

Kinakabahan ako. Pakiramdam ko'y laging may sumusunod sa akin. Kaya hindi ako lumilingon.

Hindi naman talaga ako duwag eh, matatakutin lang. Ganito talaga ako pag nag-iisa. Ilang araw ko na kasing hindi nakikita si Andrew.

Kaibigan ko s'ya. Mukha s'yang Australiano, pero mas mahusay pa s'yang magtagalog kesa mag-ingles. Palagi n'ya akong pinasasaya kapag magkasama kami. PAg malungkot ako, bigla na lang n'yang gagayahin ang boses ni Mike Enriquez. Ha ha ha... Tapos, biglang magbabalita nang mga bagay na nakikita n'ya sa paligid:

"....isa na namang hilaw na mangga ang nalaglag sa puno mga kapuso! Opo ! Isang mangga! At ang kahindik hindik na pangyayari dito ay, panglima na po itong mangga na nalaglag sa bakuran nito lamang linggong ito! Tsk tsk tsk... Hanggang ngayon ay iniiimbistigahan pa ng mga autoridad ang totoong sanhi ng pagkalaglag ng manggang ito!...."

Lagi n'ya akong pinasasaya, lalong lalo na pagnininerbyos ako tungkol sa isang bagay.

Sabi pa n'ya sa akin, tuwing natatakot ako, o may problema, tawagin ko lang daw ang pangalan n'ya at darating s'ya.

Pero kanina, hindi naman s'ya dumating. 

Kanina lang, sa may garden, parang isang daang mata ang nakatingin sa akin. Hanggang ngayon ay kinikilabutan ako.

Pero wala naman. Nung lumingon ako, 'yung isang mama na palaging tumatawag sa pangalang "Lanie" lamang naman ang naka-upo dun.

Umalis din ako kaagad, kase pakiramdam ko parang gusto n'yang lumapit.

Kakaiba kasing tumingin. Parang umuusok pa ang tainga. Nag-aapoy siguro ang isip? O mainit lang ang ulo? Palagay ko nama'y hindi lang ako ang nakapuna nun sa kanya kase, nag-iiwasang tumabi sa kanya ang mga kumakain. Nilalayuan s'ya sadya.

Nakita din kaya nung mga tao nung may pumalibot sa kanyang parang liwanag? Pero mabilis na mabilis lang 'yun, Saglit na saglit lang. Parang sa isang iglap may tila ipo-ipong liwanag ang bumalot sa kanya, tapos bigla ring nawala.

Ayan, kinilabutan na naman ako.

Tama ba 'yung naalala ko?

Tumingin pa s'ya sa akin nung nangyari yun. Pero pwedeng guni-guni ko lang din 'yung liwanag. Ewan hindi ko na maintindihan.

Kadalasan kasi pag nakikita ko yung mga liwanag ng tao, ay hindi naman ganoon kadaling mawala. Dahan-dahan din.

Hindi ko nga agad napansin na basa ang pantalon n'ya.

....

Andrew asan ka na ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

rock paper scissorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon