Restaurant / 7PMItinigil ni Jessica ang kotse. "Ito na yun oh! Infairness ha! Classy si Ate or should I say Kuya? Hoy! Di kita papayagan mag-isa ha!" sabi ni Jessica.
"Oo na." sabi ni Lexie at lalabas na sana ng kotse pero pinigilan ni Jessica.
"Magsuot ka ng mask at shades." sabi ni Jessica at inabot ang mask at shades ni Lexie.
"Hindi, okay lang. Usually yang mga ganyang restaurant eh mahigpit yung security." sabi ni Lexie.
"Sige, ikaw ang bahala."
Lumabas na sila ng kotse at dumiretso si Lexie sa front desk.
"Hello, Ma'am. Do you have a reservation?"
"Paano yun di ko alam kung sino yun?" tanong ni Lexie kay Jessica.
"Is there a reservation for..." Napansin ni Lexie na may ibinulong yung manager sa front desk kaya napatigil siya sa pagsasalita.
"I'm sorry for the inconvenience, Ma'am. Are you Lexie Fredricko, am I right?" tanong nung manager.
"Yes."
"This way, Ma'am."
"Ay shala!" bulong ni Jessica kay Lexie.
Nang makarating sila sa table. Nakita niya ang isang lalaki na nakatalikod mula sa kanila.
"Infairness, gwapo ang batok ni Kuya." sabi ni Jessica.
Tinitigan ito ni Lexie at nakilala niya agad kung sino iyon.
"Jesse, intayin mo na lang ako sa kotse." sabi ni Lexie.
"Are you sure? Baka mapahamak ka ah!" sabi ni Jessica.
Ngumiti si Lexie kay Jessica. "Hindi, okay lang. Itetext na lang kita." sabi ni Lexie at umalis naman si Jessica.
Nagbuntong hininga si Lexie at lumapit sa lalaki.
"Tahimik na ang buhay ko kaya nakikiusap ako wag mo ng guluhin pa." sabi ni Lexie kay Evo.
"I know. Wala akong balak na guluhin. Pwede bang ma-upo ka muna?" tanong ni Evo.
"Ano pa bang gusto mo?" tanong ni Lexie.
"Please!" sumenyas si Evo na umupo si Lexie at umupo naman ito.
"I just want to say that I really really sorry. I'm sorry because I was an asshole. I'm sorry for everything I did and everything I said to you."
"Sincere ba yan?" tanong ni Lexie.
"I don't know. Basta ang alam ko sobrang nagsisisi ako dahil nasaktan kita."
"Minahal mo ba ko? Wag mong bigyan ng meaning ah! Tinatanong ko lang." sabi ni Lexie.
Natawa ng konti si Evo. "Oo naman but honestly naramdaman ko kasi na mas matimbang pa din si Angela nung nakita ko siya ulit." sabi ni Evo.
"Okay, sorry din. Wag kang mag-alala, move on na ko sayo." sabi ni Lexie.
"Good to know. So, are we good as friends?" tanong ni Evo.
"Let me clarify one thing. I mean, this is ackward but nung nabuntis ako. Kay Enzo talaga yun kasi may mens ako eh nung pagkauwi natin galing isla."
BINABASA MO ANG
Relationship VS Friendship [BOOK 3]
RomanceI lost my bestfriend and my husband at the same time -Nicholle