Dear Patrick

142 3 0
                                    

December 24, 2011 – 12:51 AM

Dear Patrick,

Siguro alam mo na, pero sasabihin ko pa rin. I like you. Tagal na rin ah. Grade Three ata tayo nun, nung galit na galit ako sayo kasi akala ko kinuha mo yung yellow crayon ko. Then you smiled at me, and I felt frozen. Classmates na tayo simula pa nung kinder, pero at that moment, ewan ko ba kung ano nangyari sa akin. Love at first sight? Kahit hindi naman yun yung unang beses na nakita kita. Basta yung araw na yun, February 17, 2005, marked the first day of my 6-year-long crush sayo.

Buong year, sinubukan kong tarayan ka para mawala sa isip ko na may feelings ako para sayo. Pero I knew it was worthless. Habang napa-praning ako sa pagpigil sa sarili ko na sabihin sayo na ‘I Love You’, there you were, just being you, and I couldn’t help but fall. Ang sakit din nung fall na yun ah! Pag may kausap kang babae, ang hirap pigilin nung selos. Pag nakikita kong masaya ka pag may kasama kang iba, ang sakit kasi parang pag ako kasama mo, you never light up that way.

Tuwing summer, mabaliw baliw na ako sa kaka-stalk ng Friendster mo (uso pa kasi dati, pero ngayon, eww) Haha. Ang dami dami mo kasing bagong pictures every week from your trips with your family. Tapos lagi ka pang naka-ngiti! Nakaka-BV lang. Kasi alam mo yun? Yung gustong gusto ko nang mawala yung nararamdaman ko para sayo, pero bumabalik talaga eh. Daig pa yung ‘I Shall Return’ ni MacArthur. The instant I see your face, all my love for you takes over me. Hindi ako makapag-isip, hindi ako makapagsalita, wala akong magawa kundi isaksak sa isipan ko na pinili ko ito. Pinili ko na mahalin ka. Mostly, that fact is a good thing. Kasi meron na akong reason na pumasok sa school every day. Alam mo bang marami na akong Perfect Attendance Award? It’s because of the anticipation to see your face. Kaya pag absent ka, wala akong energy.

Natatandaan mo pa ba yung gift ko sayo nung Grade School Graduation natin? Yung Teddy Bear na naka-toga and may hawak na heart? Ikaw lang balak kong bigyan nun eh. Kaya lang baka mahalata nila na crush kita, kaya binigyan ko nalang yung buong klase.

Nung tumungtong na tayo ng High School, sinubukan ko talaga na kalimutan ka. As in. Pero ang hirap kasi nakikita kita sa hallway araw-araw. Buti nalang may bagong student na medyo cute rin. Sa kanya ko nalang binaling yung attention ko. Ang alam ng lahat, crush ko sya. Pero deep inside, I was always loyal to you. Waaaw. Gumaganon ako. Haha.

Eto na yung masaklap. Third Year, ewan ko kung anong quarter, naging seatmate kita. First time ko umabsent in 5 years, tapos pagpasok ko, nalaman ko nalang na ikaw na katabi ko. BOOM. Halos malunod ako sa bilis ng dating nung saya, kilig, at panic. Ewan ko kung maglulupasay ba ako sa sahig sa saya, o kung magwawala ba ako sa panic, o mamumula nalang ako at tititigan ka sa kilig.

Bigla nalang tayo naging close. Well, para sa akin close tayo. Ewan ko lang kung ano para sayo. Pero ang laki ng pinagbago ng relationship natin. Dati puro ngitian lang pag nagkakasalubong, pero ngayon, halakhakan tayo every minute. Tawa tayo ng tawa, ang ingay daw natin sabi ng iba. Yan tuloy, nabuo yung love team natin na ‘PaNikki’. Ha – Ha. Ang corny noh? (Pero kinikilig ako tuwing naririnig ko yan)

Sabi  mo ‘parang best friend’ mo ako. Siguro nga kasi alam ko lahat tungkol sayo. Kaya nga nung nalaman kong nililigawan mo si Jessica, gusto kitang idukdok sa pader. HELLO? Siya kaya yung pinakasikat na girl sa batch natin. Okay, gwapo ka, and medyo sikat ka rin. Pero you know, I had this feeling right from the start na lolokohin ka lang nun eh. Tignan mo nangyari! BASTED. At hindi lang pala basted, na-two time pa. Habang nilalandi ka niya, may nilalandi na pala siyang iba. Sorry kung harsh. Peace tayo. Oh game na ulit.

Iniiyakan kita pag gabi. Kasi hanggang ‘parang best friend’ lang ako sayo eh. Dapat maging Masaya na ako dun, diba? Kasi yung iba nga, hindi nakakausap yung mga crush nila. Pero hanggang dun nalang ba talaga tayo? Ako lang ba talaga nakaka-ramdam nung spark?

Honestly, hindi lang kita ‘Like’. Somewhere between February 17, 2005 and bago kita maging seatmate, I fell in love with you. There, I finally said it. Yung three words na sapilitan kong binura sa vocabulary ko, ibibigay ko na sayo. I’m not expecting that you’ll love me back. Kasi ayoko nang masaktan kung one-sided lang pala itong love story ko. Ayoko nang ma-disappoint. Wala naman kasi akong karapatan sayo eh. ‘Parang best friend’ mo lang naman kasi ako. Hindi naman tayo.

Sooooo. Hindi ko alam kung dapat ko bang ibigay ito sayo o hindi. Kung nababasa mo ito, ibig sabihin, ganoon na ako ka-tanga. Kung hindi naman ikaw nagbabasa nito, baka tinapon ko na or sinunog itong sulat na ito.

Haay. Bahala na. I miss you, dre.

I love you.

-Nikki

Dear PatrickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon