Chapter 4 – Patrick
“Shit. Bro, fuck you. Ugh. Ano ba naman ito?” Sabi ko kay Lance.
“Ano? Anong problema?” Tanong niya.
“Sinadya mo bang itanong sa akin yun?”
“Ha? Bakit ko naman gagawin yun?”
“Gagi. Andun si Nikki sa may likuran natin nung tinanong mo yun. Di mo ba siya nakitang lumabas? Shit shit shit. Sana hindi niya narinig. Halaaa. Ano ba naman yan, oh. Kakapa-good shot ko pa lang eh.”
“Eh bakit ka naman affected kung narinig niya or hindi? Diba nga hindi mo siya type?” Sabi ni Lance.
Oo nga ‘no. That was a good question.
Why should I care kung narinig niya? Hindi ba dapat pa akong matuwa kasi alam na niyang di ko siya type? Para hindi na niya ako gambalain?
Ginagambala ba niya ako? Hala, bakit ako nag-aassume na may gusto siya sa akin?
What is wrong with me?
“Ay basta. Hayaan mo na nga.”
“Uuuuy, may tinatago ka. Baka hindi mo nga siya type. Baka LOVE mo na siya?” Nang-aasar na sabi ni Lance.
“Umayos ka nga! Layuan mo nga ako. Baka ikaw nga tong may crush sa akin, eh.” Tumayo ako at nagpunta sa tama kong upuan. Mag-aaral na lang nga ako ng tungkol sa Renaissance.
After a few minutes, pumasok na ulit si Nikki sa classroom. Mapula yung mga mata niya. Umiyak ba siya? Shit talaga. Ako ba may kasalanan?
BINABASA MO ANG
Dear Patrick
Genç KurguMatagal nang crush ni Nikki si Patrick. Si Patrick naman, sadyang hindi nakakaramdam. Ano kayang mangyayari sa dalawang ito? *This story is based on a friend's account. (Hint: Hindi pa rin tapos ang kwento nila hanggang ngayon. ABANGAN,) :D