Chapter Five – Nikki
(November 2011)
Lumipas ang August, September, at October nang walang nagbabago sa pagitan namin ni Patrick. May sarili pa rin siyang mundo, may sarili rin akong akin. Parang nawawala na ata yung pagtingin ko sa kanya? Sana nga. Para hindi na ako masaktan.
Hindi man lang niya ako binati nung birthday ko. Kahit text lang na “HDB :)” matutuwa na ako eh. Pero wala, wala akong natanggap kahit tuldok or empty message. Nakakawala ng pag-asa yung ganito. Para akong light bulb na unti-unting napupundi. Hindi na ako makahanap ng spark.
Ewan ko ba kung bakit takot ako pumasok bukas. Ngayon ang huling araw ng sembreak. Pero himbis na makapag-relax, lalo lang ata akong na-tense. Siguro kasi makikita ko nanaman siya? Ang masokista ko ba? Pero sabi diba, don’t let go of things that make you happy. Dapat ko na ba siyang pakawalan? Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam yung dapat kong gawin. Itatawag ko na ba ito kay Papa Jack?
Ay ewan. Bahala na.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
“Nikki, anak, gising na. May pasok na kayo ngayon.” Bulong ni mama sa akin.
“Ma, mainit ba ako? Nahihilo kasi ako eh. Masakit rin ulo ko.” Sabi ko naman.
Pakiramdam ko, hinang-hina ako. Hindi ko maigalaw yung katawan ko.
“Medyo mainit ka nga. Teka, kunin ko muna yung thermometer. Kaya mo bang bumangon?” Tanong ni mommy, pero umiling lang ako.
“Hindi nalang po siguro ako papasok.”
“Anong hindi? Mahirap nang umabsent, anak! Third quarter na! Lugi ka pag may na-miss kang lessons!”
“Ma, first day palang ng pasok ulit. Hindi nila kami ibo-bombard ng sobrang daming school work, ‘no. Trust me.”
“Kapag sinabi ng thermometer na may lagnat ka, hindi ka papasok.Deal?”
“Fiiiiiine. Just get it already.”
Pagbalik ni mommy, may dala siyang thermometer, biogesic, at isang basong tubig.
“Say aaah!” Sumunod naman ako, at tinaggap yung thermometer sa bibig ko.
After two minutes, nag-beep na yung lintik na thermometer. Halos tumulo na yung laway kokahihintay ah!
“My golly! 39.7 degrees! Oh ayan, laklakin mo lahat ng biogesic sa banig na iyan. Matulog ka at huwag nang gumising, okay? Tatawag na ako sa school niyo para ipagpaalam ka.
“Ma, OA mo. Gawan mo nalang ako ng excuse letter. At iwan mo na ako nang makatulog ako ng payapa. Choopee!”
Pagkasara ni mama ng pinto, agad agad akong nakatulog. Ang ganda ng panaginip ko.
Nararamdaman ko yung hangin at yung sikat ng araw sa balat ko. I felt the warmth of human flesh under my head. Then I slowly opened my eyes. What I saw were the eyes of the man I love. Patrick’s eyes. Nginitian niya ako.
Bigla akong napa-upo mula sa pagkakahiga.
“What’s wrong? Did I wake you up?” He asked.
“N-nothing. Nagulat lang ako.” I replied, and then smiled at him.
Inakbayan niya ako, and he laid my head on his shoulder. Everything felt so comforting.
I looked into his eyes and I was suddenly reminded of my ocean of feelings for him. Nalunod ako sa rush ng emotions. Before I knew it, my eyes were tearing up.
He kissed my forehead and looked at me straight in the eyes. Then he slowly and passionately said… “I love you.”
I woke up with tears streaming down my cheeks. How beautiful was that? And it sucks how that great dream will be forever just that – a dream. Patrick doesn’t like me.
Alam kong sinabi ko na I’ll make him fall. Pero, ugh. Nakakainis. Hindi ko talaga maalis sa isipan ko yung sinabi niya kay Lance eh. What if I end up looking like an idiot? Ayaw ko namang mawalan ng dignidad, ‘no.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
“Hoy, bakla.” PM sa akin ni Ally sa FB.
“Huuuy! Kamusta first day?” Tanong ko sa kanya.
“Okay naman. Mas masaya kasi wala ka!”
“Gaga. Na-miss mo lang ako eh.”
“True. Hey, I have good news and bad news.”
“Bad news muna. Go.”
“Bad news… nagbago na ng seating arrangement. Katabi ko si Lance. Ugh.”
“Asus, kinikilig ka lang eh.”
“Whatever! Grade three ko lang siya naging crush!”
“Fine. Eh ano yung good news?”
“Katabi mo sa Patrick.”
“WEEEEEEEH?”
“Ay hindi. Si Nemo nalang daw.”
“Ayoko kay Nemo, gusto ko si Spongebob.”
“Stop veering away from the topic! What do you think about your new seatmate?”
“Teka, nag-iisip ako.”
“KINIKILIG :>”
“Che! Kung alam mo lang… ugh. Nakakainis naman ang destiny oh. Wrong timing!”
“Eh akala ko ba you will start OPLAN: Make Patrick Fall For Nikki?”
“Hindi ako ready! Ayaw ko na ulit pumasok bukas!”
“Ano baaa. Pumasok ka!!!!!! May love team na kaya kayo! PaNikki!”
“HAAAAAAAA? SINO NA NAMAN MAY PAKANA NIYAN?”
“Si Batman, ‘te.”
“Ay tama na nga. Wala nang patutunguhan ‘tong usapan na ito. Baboosh. See you tomorrow. Mwah mwah.”
WTF. Seriously? PANIKKI? Can’t they be a bit more creative?
Pero nakakakilig nga, in fairness. =)))
BINABASA MO ANG
Dear Patrick
Teen FictionMatagal nang crush ni Nikki si Patrick. Si Patrick naman, sadyang hindi nakakaramdam. Ano kayang mangyayari sa dalawang ito? *This story is based on a friend's account. (Hint: Hindi pa rin tapos ang kwento nila hanggang ngayon. ABANGAN,) :D