Chapter Two – Patrick
“Uy pare, sabado ah! Basketball sa bahay nila JV.” Sabi sa akin ng kaibigan kong si Lance habang nagsasagot ako ng Geometry homework na ipapasa mamaya after break.
“Ha? Teka lang bro. Busy.”
“Patrick naman kasi. Eto na nga yung sagot oh. Ayaw mo pa kopyahin.”
“Kasi nga, mabait akong bata. Mamaya makita pa ni Bolante na pareho tayo ng sagot. Baka magbigay na naman ng 55-item quiz. Isang number nalang.”
“Kamote. Wala naman akong maintindihan sa kahit anong tinuturo niya eh. Para saan ba kasi natin magagamit yang Geometry na yan? Parang kailangan mo naman malaman yung perimeter nung libro mo, o yung circumference ng pizza na kakainin niyo.”
“Bro, shut up.”
“Okay, okay.”
Habang ibinaling ni Lance yung atensyon niya sa pakikipagkwentuhan kay Nikki, sinubukan ko namang magconcentrate na sagutan yung huling problem. Madali lang naman yung Geometry eh. Basta alam mo yung formula, at kay mong i-distinguish yung variables, kayang kaya mo namang pumasa.
Pero hindi ko talaga magawang mag-focus. Kitang kita ko kasi sila Lance and Nikki sa gilid ko. May sinabi si Lance na tinatawanan ni Nikki. Ang lakas pa naman tumawa nung babaeng yun. Parang wala nang bukas at siya lang yung tao sa mundo. Pinilit kong huwag intindihin yung mga tao sa paligid ko, kaya lang, hindi ko talaga kaya eh.
“Guys, pwedeng bang paki-hinaan?” Tanong ko sa kanila ng medyo sarcastic.
“Hindi naman bukas yung radio ah.” Sagot ni Nikki, habang nagtatali ng buhok.
“Sinabi ko bang bukas? Yung boses niyo yung hinaan niyo. Rinig hanggang sa kabilang kanto eh. Nakakahiya naman sa inyo.”
“Sorry ho, Mr. Perfect. Hmph. Pasalamat ka gwapo ka, kung hindi… nako. Baka ano nang nagawa ko sa iyo.” Pabulong na sabi ni Nikki.
“Ano? May sinasabi ka?” Sagot ko, kahit alam naman naming pareho na narinig ko nang malinaw yung sinabi niya.
Inirapan lang ako ni Nikki. Pagkatapos nun, lumipat siya malapit kanila Allison at iba pa niyang mga kaibigan. Nagalit ata sa akin? Ay ewan. Bahala na siya. Ang ingay niya eh.
Pagkatapos ng sobrang daming attempts, natapos ko rin yung huling problem. Hallelujah. Lintik na vertical angles yan, oo.
Nung break na, sabay kaming pumila ni Lance sa may canteen. Ang ulam, as usual, ay: Maling, Hotdog, Longganisa, Tortang talong, Mongo, Pritong Isda, Itlog na Maalat, at Ginisang Gulay. Vegetarian ata yung kung sino mang gumawa ng Menu. Bihira lang sila magserve ng ulam na may karne. Kaya kapag may tindang Fried Chicken or Porkchop, ang haba haba ng pila. Good luck nalang kung may maabutan ka pa, kahit buto. Chances are, tapos na yung break, di ka pa nakakarating sa may cashier. Talamak talaga ang mga singit sa mga ganoong pagkakataon.
“Ano bro, Maling o Longganisa?” Tanong ni Lance na parang nakasalalay sa sagot ko yung buhay ng buong sambayanang Pilipino. Kahit anong piliin niya sa dalawa, hindi rin naman siya mabubusog kasi mas maliit pa sa bahay ng posporo yung maling at mas maliit pa sa hinliliit ko yung longganisa.
“Mongo nalang. Yun pinakamura eh. May chicharon pa.” Inabot ko yung bayad ko kay Ate Bebeng, tapos kumuha ng kubyertos. Buti nalang may lahi akong kambing at nagagawa kong pagtiyagaan yung damo. Este, gulay.
Hinintay ko si Lance, na nag-settle for Longganisa at gravy, sa mesa na lagi naming inuupuan.
“Lance, galit ba sa akin si Nikki?” Pa-simple kong tanong kay Lance, habang umiinom ng iced tea.
“Bakit naman siya magagalit?” Sagot niya habang nilulunod sa gravy yung kanin nya.
“Nainis ata sa akin kanina eh. Nung sinabihan ko kayong hinaan niyo yung boses niyo.”
“Ahhh. Patrick, ang OA mo talaga. Yun lang pala eh. Hindi yun galit. Parang hindi mo naman kilala si Nikki. Ganoon lang talaga yun.”
“Eh umalis siya bigla eh. Well, kung hindi siya galit, eh di maganda. At least, hindi madadagdagan yung listahan ko ng kasalanan.”
“Tinawag kasi siya ni Allison kaya siya umalis. Grabe ka, dre. Wag ka masyadong ma-guilty.”
“Hindi naman ako guilty! Baka lang kasi sumama loob nun sa akin. Mahirap nang may kaaway.”
“Talaga lang ah. If I didn’t know better, iisipin kong crush mo si Nikki.”
Muntik na akong mabulunan sa sinubo kong monggo at kanin. Dali namang iniabot sa akin ni Lance yung inumin ko.
“Pare, yun? YUN? Magiging crush ko? Nakasinghot ka ba ng Glue o ano?”
“Patrick, wag ka mag-alala. Alam ko namang ako type mo eh.”
“Kadiri ka. Lumayo ka nga sa akin.” Natawa nalang bigla si Lance.
Lumipat ako sa kabilang dulo ng mesa. Minsan talaga ang sarap batukan nitong si Lance. Kaya lang, dahil matagal na kaming mag-kaibigan, alam ko kung kailan siya nagloloko, kung kelan siya seryoso, kung kelan siya malungkot, kung kelan siya problemado. Sa unang tingin, mukhang puro kalokohan lang alam niyang taong yan. Pero isa siya sa pinakamababait na taong kilala ko.
“Lance, Bilisan mo na nga diyan. Malapit na mag-bell.”
“Opo, Itay.”
Pagkatapos naming Ibalik yung mga plato sa dapat nilang paglagyan, nakita ko yung table nila Nikki.
“Pare, kung naguiguilty ka talaga, lapitan mo na and say you’re sorry.”
“Eto na nga. Iniisip ko lang kung ano sasabihin ko.” Tinulak naman ako ni Lance papalapit sa table nila, kaya wala na akong choice kung hindi lapitan siya.
When I was a couple of yards away from them, napatayo si Nikki. Mukhang makikipag-high five ata kay Celine, pero NR naman si Cece. Lumakad pa ako ng konti palapit, pero biglang nawalan ng balance si Nikki.
Buti nalang I was close enough to catch her. Kung hindi, may bukol na siguro siya ngayon, at basag na yung tiles ng sahig sa tigas ng ulo niya.
“Uy, Nikki, okay ka lang?” Tanong ko sa kanya.
“Ah… Uhm, o-okay lang ako. S-salamat.” Sinubukan niyang ngumiti, pero halata namang shaken pa rin siya.
“Buti naman. Ingat ka sa susunod. Hindi ako laging available para saluhin ka.” I tried giving her my best smile to make her feel better, and then I started to walk away.
Sinalubong ako ni Lance sa may hagdanan. Nakangiti siya nang parang timang.
“Pare, what was that?” Mukha siyang proud na tatay.
“My apology. Not exactly what I had in mind, pero the situation called for it.”
Totoo naman eh. Pupunta lang naman talaga ako dapat para mag-sorry. Kaya lang, ayun nangyare. Hindi naman pwedeng hayaan ko nalang siyang mabagok, diba?
“Abaaa. My expertise with women is rubbing off on you. Nice job.” He gave me a pat on the back and umakyat na siya papunta sa room. Sumunod na rin ako kasi may AP quiz at hindi pa ako nakakapagreview. Akala kasi ng teachers namin, robot kami. Por que star section?
Pagdating namin sa room, bigla akong tinanong ni Lance pagkaupo ko.
“Sigurado ka bang hindi mo talaga crush si Nikki?”
“In your dreams pare. I’d rather be single. Di naman sa panget siya. Di ko lang talaga siya type.”
Paglingon ko sa may pintuan, andun si Nikki. Shit. Sana hindi niya narinig.
BINABASA MO ANG
Dear Patrick
Novela JuvenilMatagal nang crush ni Nikki si Patrick. Si Patrick naman, sadyang hindi nakakaramdam. Ano kayang mangyayari sa dalawang ito? *This story is based on a friend's account. (Hint: Hindi pa rin tapos ang kwento nila hanggang ngayon. ABANGAN,) :D