Chapter One – Nikki
(July 2011)
“Nikki, nasabi ko na ba sayo?” Tanong ni Patrick sa akin.
Hindi ko alam ko bakit nagtanong siya ng ganito out of the blue, pero usually aasarin niya lang naman ako. Kaya inunahan ko na siya.
“Na pandak ako? Oo. Na gwapo ka? Oo. Na negra ako? Oo. Uhhh –“
“Hindiiiiiiii.”
“Eh ano?”
“Na mahal kita.”
That moment, tumigil sa pag-function yung buong katawan ko. Parang nag-shut down yung utak ko, natuyo lahat ng laway ko, at tumigil na yung lungs ko sa paghinga. Kaya yung unang salita na lumabas sa bibig ko ay: “WEEEEH?”’
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
“BAKLAAAAAAAA. Sarap ba ng langaw? Ayun oh. At home na at home siya sa bibig mo.” Sabi ng bestfriend kong si Allison. May kasamang batok yun ah.
“Ha? A-ano daw nangyari?” Kaya eto, nagising tuloy ako sa katotohanan.
“May quiz daw. Pahingi ng ¼!” Siyempre, kinuha niya na sa bag ko ng walang paalam. Binigyan pa niya yung iba niyang mga katabi. Ganyan talaga ang mga tunay na kaibigan.
“Alli naman eh. Sinabi na niyang mahal niya ako, ginising mo pa ko. Muntik na mag-kiss eh! Tsk.”
“Alam mo besprang, sabihin mo nalang kasi diyan kay Patrick na crush mo siya. Hindi ko na kayang nasasaktan ka ng ganyan eh. Yung kapag binabatukan kita para bumalik sa reality? It hurts you know.”
“CHE! Alli, hindi ko afford noh. Paano kapag nilayuan niya ako kapag sinabi ko sa kanya?”
“Aysus. May putok ka ba para layuan niya? It will be fine. Ano daw sagot sa number two?”
“Ay ewan ko sayo. Di ko rin alam eh. Basta yung number 5, Sodium Bicarbonate.”
Ganyan kami lagi sa room. Akala ng iba, star section daw kami. Pero sa loob, grabe ang teamwork kapag quizzes. Lalo na kapag di nakatingin yung teacher. Well, sinu-sino pa ba magtutulungan kung hindi tayo tayo lang?
Hiiii. Ako nga pala si Nikola Alexandra Velasquez. Nikki for short. I have been in love with the same guy for 6 years. Loyal ko noh? Hahaha. His name is Patrick Anthony Lopez. Magkaklase kami since kinder, hanggang ngayong Third Year High School. Pero never, as in never, siyang nagpakita ng interest sa akin. Kahit sa ibang babae. Kung hindi ko lang siya crush, iisipin kong bakla siya. Kaya lang masyado siyang gwapo eh. Tapos super deep pa ng boses niya. Super Bass daw. Haha. Cornyyyy.
I have 5 of the greatest people in the world as my best friends. Si Allison Cortez yung nandun sa taas. Parang kapatid ko na yan. Bago pa kami magsimula mag-aral, close na kami. Naghihiraman daw kami ng drinking bottle nung baby kami sabi ni mama.
Yung iba naming apat, sila Angeline Tiu (Half-chinese na mahilig kumain), Arianne Toledo (Swimmer na may lahi atang sirena or dolphin), Celine Abalos (Super Adik sa K-pop na kulang nalang sumakay sa maleta ng kung sino mang papunta ng Korea), and si Kristine Reyes (Dancer, not to be confused with Cristine Reyes na kapatid ni Ara Mina. Ballerina siya).
Silang lima, sila lagi yung andyan kapag marami nang nang-iiwan sa akin. Kapag feeling ko malulunod na ako sa problema, para silang salbabida ko. Kapag feeling ko mababaliw na ako sa school, sila yung nagiging reason kung bakit hindi pa ako natutuluyan.
Anyway, Third Year High School na kami. Which means . . . P-R-O-M! Sana nalang isayaw ako ni Patrick. Kahit hindi ako first dance niya, basta siya first dance ko! Pwede na ako mamatay kinabukasan. Joke. Magpapakasal muna kami, tapos mabubuhay hanggang 85 years old bago kami mamatay. AT SABAY KAMI MAMAMATAY. Parang sa The Notebook. Charot.
Pero minsan talaga, gusto ko nalang i-flush yung feelings ko para kay Patrick. Akala ko talaga last year, nawala na. Kasi magka-iba na kami ng section, bihira na kami magkita. Kaya lang, nung pagpasok ko this year, tapos nakita ko na magka-section ulit kami, nawalan na ako ng pag-asa na makakalimutan ko pa siya. Ang hiraaaap. Wala pang one month since school started, and I’m starting to fall even more in love with him.
Fast forward to Recess. Siyempre, nasa iisang lamesa kami nila Alli, Angee, Yannie, Cece, and Tinay. As usual, marami na namang baon si Angee. Para tuloy kaming may mini-fiesta tuwing break.
Habang nagku-kwentuhan kami, pasimple ko namang hinahanap si Patrick. Stalker na kung stalker, pero gusto ko lang talaga na lagi kong alam kung nasaan siya. Malay niyo, may mga humarang sa kanya sa isang kanto balang araw, tapos nagkataong malapit lang ako, eh di naging savior niya ako!
“Nikki, ang obvious ah.” Sabi ni Arianne, habang dumudukot ng fries galing sa plato ko.
“Oo nga. Dapat medyo low-profile. Kunyari yung switch ng ilaw yung tinititigan mo.” Suggestion naman ni Kristine.
“Ehhh. Andami niyong sinasabi. Parang kayo, hindi tumititig sa crush niyo.” Sagot ko, with conviction.
“Hindi naman kami parang ikaw. Kung yelo si Patrick, mas mabilis pa siya matutunaw sa kakatitig mo, kesa sa Global Warming.” Galing ito kay Allison, na mas grabe pa sa gripo yung tulo ng laway pag nakikita yung crush niya sa kabilang school. Wow ha.
“Kayo talaga. Hayaan niyo na si Nikki. Ganyan talaga ang mga tao pag in love.” Comment ni Celine, habang nagbabasa ng isang K-Pop magazine.
“TAMA. Apir tayo diyan, Celine!” Pagtayo ko naman para makipag-apir kay Celine, bumalik na siya sa kakabasa ng magazine niya. So para hindi masyadong nakakahiya, kumuha nalang ako ng Oreo galing sa mga baon ni Angeline.
I decided to sit down, pero dahil hindi ako nakatingin sa silya ko, na-off balance ako and muntikan nang mahulog sa sahig. Buti nalang may sumalo sa akin. ETO YUNG MAGANDANG PART.
Pagtingin ko kung sino yung umalalay sa akin, it was no other than Patrick Lopez.
“Uy, Nikki, okay ka lang?” Tanong ni Patrick with matching kunot na eyebrows. Yieee. Concerned.
“Ah… Uhm, o-okay lang ako. S-salamat.” I managed to smile weakly bago ako nagmadaling tumayo ulit sa sarili kong paa.
“Buti naman. Ingat ka sa susunod. Hindi ako laging available para saluhin ka.” Nginitian niya ako with his perfect smile bago lumakad papalayo. I did my best na hindi siya sundan ng tingin.
When he was far enough, napangiti nalang ako sa kilig. I swear feeling ko mapupunit na yung labi ko sa sobrang ngiti. Haha.
“Huy. Nikki. Pssst!” Kung hindi pa ako kinurot ni Angeline sa pisngi, hindi ako babalik sa normal.
“Aray ko naman, Angee!” Pero kahit masakit yung kurot niya, hindi ko pa rin mabura yung ngiti ko.
“Grabe kaaa. Umupo ka nga! Baka maglupasay ka nalang bigla diyan sa sahig eh.” Habang inaalalayan ako ni Angeline na umupo, pakiramdam ko pa rin, nananaginip lang ako.
“Nangyari ba talaga yun? O nananaginip na naman ako?” Tanong ko sa kanilang lahat.
“Willing ako sampalin ka para malaman natin kung totoo o panaginip lang.” Sabi ni Alli.
“Haaaay. My hero.” Napatulala na naman ako, and nakangiti na parang ewan.
Biglang tumunog yung bell, at naalala kong hindi ko pa pala nagagawa yung Homework sa Geom. Masipag naman ako eh. Kaya lang nakaka-aliw yung pag-stalk kay Patrick sa facebook. Kaya ayun. Walang homework.
“HALAAAA. Yung assignment sa Geom! Hindi ko pa tapos! Dali! Dali! Akyat na tayo!” Kinuha ko na agad lahat ng gamit ko, at hinatak kung sino man ang kaya kong hatakin.
For the mean time, studies muna ang priority. Mamaya nalang ako magpapakalasing sa pag-ibig.
BINABASA MO ANG
Dear Patrick
Teen FictionMatagal nang crush ni Nikki si Patrick. Si Patrick naman, sadyang hindi nakakaramdam. Ano kayang mangyayari sa dalawang ito? *This story is based on a friend's account. (Hint: Hindi pa rin tapos ang kwento nila hanggang ngayon. ABANGAN,) :D