"Who are you?" Takang tanong sa lalaking nasa harap ko ngayon. Base sa nakikita ko, andito ako ngayon sa hospital.
Malungkot siyang ngumiti.
"You really don't remember me?" Bakas ang lungkot sa tono niya.
"Magtatanong ba 'ko nun kung kilala na nga kita?" Balik kong tanong niya.
"Tsk. Pilosopa." He smirked after what he said.
"What did you say?" Mataray kong sabi sa kanya.
Hindi siya sumagot.
Nagulat ako ng may tumulo mula sa mga mata niya.
"H-hey Mister. Are you crying? W-why are you crying?" Natataranta kong tanong sa kanya.
Natawa sya dahil dun. Anong nakakatawa dun? Kumunot ang noo ko dahil dun.
"What are you laughing at?" Tanong ko sa kanya.
"W-wala." Sagot naman niya tsaka umiwas ng tingin.
"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" Sunod na sabi niya.
Mabilis akong umiling.
"W-why?" Nagulat na naman ako dahil umiyak na nga talaga sya.
"H-huy?! Anong why pinagsasabi mo dyan? Can you stop crying? Hindi ako marunong magpatahan ng tao, okay?" Sabi ko na medyo naiinis na.
"W-why, Love? Of all people, bat ako pa nakalimutan mo? Hindi ko matanggap. Ako lang ata yung hindi mo maalala. Napalakas ba talaga ang pagkabunggo dyan sa ulo mo? Kaya di mo ko maalala? Love naman, walang ganyanan. I love you very much and it hurts to know that you can't remember me." Mahaba nyang drama sa akin.
"I'm sorry." Napayuko ako.
"M-maghihintay ako, Love.. Until you remember me. Please remember me now. Hindi ko kaya, Love." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
"H-hey? A-ayos ka lang, Love? Anong nangyayari sayo." This time siya naman itong nataranta.
"Pfffttt." I can't stop this. Di ko ma kayang pigilan.
"Yna! What's happening??!!"
"Pfttt.. HAHAHAHAHAHAHA!" Nabalot ang buong silid ng tawa ko.
"What are you laughing at?" Geezz.. Bumalik sakin yung tanong ko kanina ah.
"Ang corny mo. Sobra! HAHAHAHA." Di ko pa din mapigilang hindi matawa.
Tila naguguluhan siya. Di pa din niya gets? Hahaha.
"I was just kidding. Hahahaha! Hindi kita nakalimutan. And damn. HAHAHAHAHA baliw ka din e noh? Sinong tao naman ang mawawalan ng alalaala dahil lang sa nabunggo ulo niya sa pader? Nawalan lang ako ng malay. And nagkabukol lang ako! And I don't know bakit dinala agad ako sa hospital. Taena mo! HAHAHAHA!" Sinamaan niya ako ng tingin.
"Minumura mo na ako ngayon?" Masama pa din ang titig niya sa 'kin.
"Sorry na, Love. Di na kita mumurahin." Malambing kong sabi sa kanya at niyakap siya.
"Please, don't do that again. Halos mabaliw na 'ko kakaisip kung panu ko mababalik yung alaala mo." Sabi niya.
I felt a sudden guilt.
"Sorry na. Akala ko di ka maniniwala e. Promise di na mauulit." Sabi ko at marahang hinaplos ang buhok nya.
"Okay. Forgiven. Just please don't do that again." Malumanay niyang sabi.
Mahinamg tumango ako at marahan niya akong hinalikan sa noo.
![](https://img.wattpad.com/cover/219181685-288-ke96982.jpg)