Pakiss Lang Naman E, Damot

1 0 0
                                    

"WHAAH! Ba't ganun yung dare?! Taena nyo!" Naiinis kong sabi sa mga kaibigan ko.

"Just do it, Lei. Wala namang mawawala." Nakangising sabi ni Sheena sakin.

"Palitan nyo na lang kasi!" Pilit ko sa kanila.

"Yun na yun! Kung hindi mo susundin, wag kang papasok ng one week!" Sabi naman ni Reina.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Okay! Okay! Gagawin na!" Pagsuko ko. Tsk! Kainis na dare na to oh!

"Lei! Ayun na siya oh!" Turo ni Zairee kung saan si Trevor---yung crush ko.

Kinakabahan akong tumayo at lumapit na kay crush.

Whoohh! Kaya mo yan, Lei! Aja!

"Pst Crush!" Medyo walang hiya kong sabi.

Tinignan niya lang ako at bumalik sa ginawa niya.

"P-pakiss!" Nagulat siya sa sinabi ko at tinitigan ako ng matagal. He smirked.

"Pakiss lang e, damot." Pagkasabi ko nun, kakaripas na sana ako ng takbo kaso may humawak sa braso ko at hinatak ako.

Naramdaman ko na lang na may malambot na bagay ang dumampi sa labi ko. O_O His lips was on mine.

I was shocked. He kissed me.

"Hindi ako madamot, Lei." Nakangiting sabi niya at tumalikod na sakin. Habang ako gulat na gulat pa rin.

Whaahh! My first kiss!!! Wala na! Hindi na virgin lips ko!!

Pero okay lang naman! Whaah! Hinalikan ako ni Crush!😍 Sarap sa feeling!😍

The End

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon