"Babe! Pahiram nga nung bag mo" Sabi ko sa boyfriend kong si Nick.
"B-bakit aanhin mo ba?" Namumutla niyang sabi.
"May titignan lang ako, babe. Bat ka ba namumutla dyan? May titignan lang e." Kunot noo kong sabi.
Baka kasi nasa bag niya yung notebook ko. Naalala ko kasing nalagay ko sa bag niya dati.
"Ah wala. A-ano bang h-hinahanap mo? Ako na lang kukuha." Kinakabahan niyang sabi.
May tinatago siguro tong mokong na to eh. Hinablot ko sa kanya ang bag at binuksan iyon.
Nagulat ako kasi may dalawang napkin ang nandun.
"Bat ka may napkin sa bag mo ha? Sabihin mo nga sakin ang totoo Nick! Bakla ka ba?"
Natigilan siya sa sinabi ko at tinitigan ako nang nanlalaki ang mga mata niya.
"Mag-isip ka nga! Kung bakla ako jojowain ba kita? Taena lang!" Naaasar niyang sabi.
"E-eh b-ba't may napkin ka sa bag mo?" Nauutal kong sabi.
"Incase lang pag nagkaroon ka. Always ka na lang kasing tinatagusan. Ayokong napapahiya ka. Kababae mong tao di ka nag dadala ng extra napkin sa bag. Kaya ako na lang ang magdadala para sayo." Mahaba niyang litantya.
Whaahh! Kinilig ako dun! Putchaa!
"S-sorry naman Babe. Di ko naman alam kasi na para sa'kin pala 'to. Salamat ah" Naiiyak kong sabi sa kanya.
Pake mo ba?! Eh sa na touched ako sa ginawa niya eh.
"Okay lang Babe. Sa susunod na sabihan mo pa kong bakla, hahalikan na talaga kita."
Bigla naman akong kinabahan kaya napatakip ako sa bibig ko.
"Joke lang naman. Ikaw talaga ang kulit mo." Natatawa niyang sabi.
THE END.