UNO : First Encounter

10 0 0
                                    

Ako ay isang sikat na manunulat sa aming distrito. Ako ay vientinueve pa lamang at ako ay may unika iha at magandang asawa.

"Aking asawa halika na at kumain na." saad ng aking asawa na si Criselda.

Ilang dekada na akong manunulat at ito na ang nakatayuang trabaho sa pang araw araw na buhay.

Masaya at matatag ang aming relasyon ng aking asawa, sa habang pagtitiwala niya sa akin para mapaayos ang aming buhay.

Ibinebenta ko ito sa ibang distrito at nakaka ipon ng ilang put ciento uno sa isang araw.

Gabi gabi ko itong trinatrababo ang panunulat kaya't nasanay na akong hindi natutulog sa tamang oras.

Buti ay nababalanse ko ang oras ko sa aking pamilya nabibigyan ng tamang gabay.

Nakariserba ang libo libong tabletas para lamang makatulog ako.

"Asawa, Kailangan kong manilbihan sa mansyon kung saan nakatira si Donya Aminda dahil hindi sapat ang ating pera sa pang araw araw na pamumuhay lalo na't kailangan din ni Giorga pagsapit ng kanyang pag aaral sa ibang baryo."

"Hindi maaari asawa ko. Ako dapat ang nagtratrabaho. Gagawa ako ng paraan para kinabukasan ng ating anak" Pagtutol sakanya.

Ako ay nagpursigi na nagsulat. At inipon ko ito ng apat na buwan. Walang sapat na tulog. Walang maayos na kain sa isang araw.

Inilalakad ko itong mga libro sa mga Iba't ibang baryo para lamang makabenta. Kasakay ang isang kabayo ay nakakabili din ako ng mga pagkain para may maiuwi at maisalubong sa aking Anak na si Giorga.

"Ama ako po'y mag aaral na sa pamantasan. Makakamit ko na po ang aking pangarap bilang isang Doktora"
Tuwang tuwa ang aking anak dahil sa sinabi ako naman ay tuwang tuwa dahil masaya ang aking anak.

Sumapit ang aking kaarawan, isang spesyal na araw ngunit ordinaryong araw na lamang ito para sa akin.

Sapat ng mabati ako ng aking pamilya ay masaya na ako. Ang aking asawa ay nag abala pa sa paghain ng ihahanda niya para sa kaarawan ko.

"Salamat asawa ko, sana naman ay hindi ka na nag abala pa, dapat ay binigay mo na ang pera para sa anak natin dahil mas kailangan niya iyon"

Pagsapit ng anim na buwan ay naluwas na ang aking anak sa Maynila para makapag-aral sa malalaking paaralan kung saan para makamit ang kanyang pangarap.

Iyon ay mas nag pursigi pa akong nag aral para sakanya. Na halos hindi ko na maasikaso ang aking mahal na asawa.

Isang gabi ako ay abalang nagsusulat. Balak kong tapusin libro na sinusulat ko kaya naman ay napaparami rin ang aking pag inom ng mga tabletas. Buti ay natapos ang aking sinusulat na

"Antigong lampos"

Pagtayo ko sa upuan ay nakaramdam ako ng hilo, at ligo ng pawis sa buong katawan ko. At natumba ako at nawala ng malay.

"Labis na dosis ang kanyang ininom na tabletas at iyon ay napakadelikado para sakanya ginang kaya siya ay malalim na walang malay, Ang iyong asawa ay na komatos. Hindi natin malalaman kung kailangan siya magigising" Sabi ng Doktor

Sampung buwan ang pagbabantay ni Ginang Criselda kay Ginoong Alfonso
sa kadahilanan na komatos siya. Kaya ang anak niya ay nagtigil na sa pag aaral. Si Ginang Criselda ay itinuloy ang kanyang balak na magtrabaho sa Mansyon ni Donya Aminda para kay Ginoong Alfonso para mabayaran ang mga utang at babayaran sa ospital.

Death of a Bachelor Where stories live. Discover now