Crisanta’s POVHawak hawak ko ang isang litrato. Litrato na punong puno ng alaala. Justice for my eldest sister, my father and mom.
Ilang years na akong ulila. Adopted by the gov’t of this town. Laking pasasalamat ko na ‘yon sakanya dahil tinulungan akong bigyan ng direksyon ang buhay ko.Hinanap ko kung saang Hospital nagtratrabaho si Dra. Tresmarias. Gusto ko siyang patayin sa galamay ko. Isang pitik ng injection. Boom kalas ang buhay. Siya lang naman ang rason kung bakit namatay ang mga magulang ko dahil sa ginawang paghihirap. Kailangan kong makahanap ng trabaho dito sa loob ng Hospital para mapadali ang plano ko sa Hayop na yon. May matibay na ibedensya ako sakanya na siya ang pumatay sa mga magulang ko.
Chamba agad! Nakita ko na may hiring na PA dito sa hospital. Any chances syempre kinuha ko na. Lason lang ang katapat ng doktora na yun. At bakit pa sa katalinuhan ng matandang yan nakapasok pa siya dito. Madami lang siyang mapapatay sa pinagagawa niya.
Ilang weeks na akong nagtratrabaho as the PA of Doc Delevinge. Pinag aaralan kung paano ko mapapa shut down si Dra. Tresmarias.One time inaya niya akong mag dinner kasama siya. Napaka eleganteng tao. Gwapo. Mahinhin daig pa ang babae. Napa-inom pa kami sa sandaling ‘yon. Mukhang malaki ang problema niya kaya sinamahan ko na lang siya.
Umuwi kami ng halikan niya ako sa labi. Nagulat ako sa ginawa niya.
THAT WAS MY FIRST KISS!
At tapos ang malala pa diyan, sasabihan ka pa na kahawig ko raw yung asawa niya!
Anak ng- makahalik may asawa na pala! Ginawa pa akong mistress ampochi! Hmp! Bakit hindi ako pumalag sa ginawa niya? Syempre gulat lang din ako sa nangyari eh.
Bahala na.
Pero kung kailan ang araw na gagawin ko ang plano ko ay pinabakasyon na muna ako ni Doc. At pupunta daw siya sa ibang bansa.
Umuwi ako sa bayan namin. Nagpalit ng kimona dahil isa yung sa rules ng bayan namin.
Lahat sa bayan naming ay kilala ako. Isa na si Chadler ang kababata ko. Di’ kami gaanong close pero lapit siya ng lapit sa akin.
Pag uwi ko ay naabutan kong pinagpipiyestahan ang aking pamangkin, anak siya ng aking kapatid na namatay sa isang trahedya. Tinatawag ko siyang kapatid dito sa Bayan namin para pagtakpan ang totoong pagkakakilanlan.
At baka mahanap pa kami ng matandang babae na ‘yon.Crisanta? Not my real name. pero ito yung pangalan na binigay ng umampon sa akin. Alam niya ang buong kwento ko/namin. Kaya naiintindihan niya ito kung bakit ko ‘to ginagawa.
Pagkatapos ang kaguluhan sa bayan namin ay pinatawag ako sa bahay ni Gov’t.
“Nak? Bakit mo ‘yon ginawa. Tignan mo ang nangyari ‘yang palad mo.” Inaayos niya ang bandage sa palad ko.
“Mas mabuti na lang po siguro na angkinin ang dugo namin kaysa sa angkinin ang pamangkin ko atsaka hihilom din ‘to, Inay masyado pang bata si Georga para magpakasal sa gagong ‘yun ang tanda tanda na eh” Ikot ng aking mata habang iniinda ang sakit sa palad ko.
“Kailangan mong mag-ingat. Delikado sa labas. Lalo sa trabaho mo”
“Hindi inay, bakasyon ko po. Hindi na po muna ako lalabas ng bayan. Para na rin mabantayan ko si Georga. Sige na po magpapahinga na po ako.” Dumeretso na ako sa kubo ko sa pinakadulo ng bayan namin.“A-ANONG GINAGAWA MO DITO?” gulat ako na may tao sa kubo ko nagulat din siya dahil napasigaw ako sa harapan niya.
“Ang sabi ng pinuno ninyo dito muna ako k-kasama ka” tulala siya at hinagot ang kanyang kimono na parang huhubaran ko siya.
“Hays, bahala kang makipag makitungo sa sleeping habits ko, alam kong mahihirapan ka” Nakikita kong nangangati siya sa katawan niya kaya tumawa ako ng mahinhin. “Maligo ka na kasi” ani ko.
“Hindi pwede, ayoko! No! bahala! Alis ka nahihiya ako para makapagpalit ako” Sagot naman niya at sobrang iritang irita siya sa katawan niya. Tumayo na lang ako para kunan siya ng banig at unan atsaka kumot na tutulugan niya pero humingi pa siya tulong sa akin.
“P-pwedeng bigyan mo r-rin ako ng basang tuwalya salamat” At binigay ko naman ito. “Pahingi na rin ng isang d-damit”. Pananadya niya.
“Ano bang trip mo! Walang kasyang damit sayo! Kalaking tao mo” at umalis na rin ako sa kubo hinihintay hanggang sa matapos siya. Pumasok na rin ako at nakaramdam na rin ng antok. Nilatag ko ang pagtulugan ko at natulog na rin.
Devin’s POV
Nakatulog na pala ako. Pero nagising ako para tignan kung saan ang bahay ng doktorang ‘yon dahil ‘yun lang naman ang purpose ko kung bakit andito ako. Tumayo ako at dahan dahang sinuot ang kimona at umalis sa kubo.
Sa kalayuan ng bayan ay may isang bahay na Malaki ang nakita ko. Kulob na kulob na parang kulungan ng mga tigre. Maraming mga sundalong babae ang nakabantay. Pero namataan ko ang isang matandang babae papasok sa bahay na ‘yon hindi ako nagkakamali ‘yun yung pamilyar sa mga mata ko.
Ang pinagtataka ko bakit madaming sundalo sa paligid ng bahay niya.
Shit! Mukhang delikado na rin ‘tong gagawin ko. Natakot ako bigla dahil naalala ko na siya ang nasinagan ko nung may malay pa ako.
Umalis ako sa bandang ‘yon pero nadulas ako sa kagagawan na sobrang daming dahon. Kaya lahat ng mga sundalong babae ay nagsitinginan sa bandang kinapwepwestuhan ko.
Hindi dapat nila ako mahuli.Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa kaya ng mga pag-hakbang ko. Buti ay narating ko ang Bayan kaya dineretso ko na. Aligaga akong pumasok sa kubo na tinitirhan ko. Nakita ko si Crisanta nakanganga pa at ang himbing ng tulog niya.
Kaya agad agad na rin akong natulog sa tabi niya. Oh shit katabi ko yung PA ko. Tumingin ako sa direksyon niya. Nagtama ang aming mga mata sa pagtitig ko sakanya ay nakita ko sakanya ang Asawa ko.
Kamukhang kamukha niya talaga. Kinumutan ko siya at inayos ko na rin ang pagtulog ko.
Nagising ako ng nakayakap sakanya. F*ck! Agad kong nilayo ang aking sarili at baka malaman pa niyang lalaki ako dahil baka mahipuan niya din ako.
Lalayo na sana ako kaso hinigpitan pa niya ang pagyakap sa akin.
“Oh aking ama ilayo niyo sa akin ‘tong babae- Putik nakanganga pa” Napapikit na lang ako at hinintay na siya ang gumising para kumawala sa pagyakap sa akin. Hinawakan ko na rin ang nasa lower part ko para ‘di niya sadyang mahawakan ito kung hihinga ng malalim ‘tong babaeng ‘to.
Mga ilang galaw lang niya at inat ay nagising niya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya.
“Oh mother king of nature diligan mo ‘tong babaeng ‘to ng sangkatutak na kabaitan at kasipagaaaan” at buti lumayo na siya sa akin.
.
Naglakad ako sa palibot sa Bayan. Nakita ko ang isang ilog na sobrang ganda kaya napagawi ako roon.
“Paano ko makakausap ang doktorang ‘yun?” problemado kong sabi sa sarili ko.
Sa kasamaang palad ay nakita ko ang tatlong babae na mga nanuntok sa gwapo kong mukha. Pinikit ko ang aking mata at hinatak ako sa isa sakanila at inaya sa Ilog para maligo.Holy mother of ilog! Putaragaishaking. Hindi pwede pag nalaman niyang lalaki ako at nagpapanggap lamang mas lalong delikado pa. Baka sa oras na ‘to mapatay na nila ako. Buti na lang nakasalubong naming si Crisanta mukhang papunta sa bilihan ng pagkain.
“Pst kanina pa kita hinahanap c-cri-“ Nagdalawang isip pa ako kung tatawagin ko siya sa pangalan niya kasi d’ siya nagpakilala sa ‘kin.
“Ha? Hindi” Tinipid niya naman magsalita kaya ‘tong tatlong mga babaeng ‘to ay inaya pa si Crisanta para maligo sa dagat.Hindi na ako natutuwa sa nangyayari sa ‘kin ngayon! Lahat sila ay nagsitanggalan ng kimona at ang natitira ang mga Sando nila. Jusmiyo hindi ko na talaga kaya! Kaya sinubukan din nilang tanggalin ang suot ko pero pinigilan ko. Nakita ko si Crisanta na papalapit sa akin
“Duwag ka ba?” Palapit sa akin habang ako naman ay patalikod ng naglalakad.
“Pati ba naman sa pagligo sa Ilog kinaartehan mo?”AT ‘YUN NA NGA! Nahulog ako sa ilog nagsitawanan ang mga babae na mga kasama ko. At tayo tayo akong umayos at bigla silang nagulat sa nakita nila. Inayos ko ang aking suot hanggang sa sumugod ang mga babae…
Pinikit ko na lamang ang inaasahan kong mangyari