DOS : Sense

10 0 0
                                    

Binubulabog ako ng isang panaginip.
Panaginip na siguro kailangan kong malaman kung ano ang misteryong naloob doon.

Gustong gusto kong bumalik sa dati pero imposible ng mangyari. Gusto kong alalahanin ang lahat, kung saan ako mismo nababagay. Kung sino ba talaga ako.

Kailangan kong humingi ng tulong, na kaya akong intindihin at kayang paniwalaan ang mga sinasabi ko at nararamdaman ko.

Dumeretso ako sa opisina ko at nakita ko si Crisanta. Nag aayos ng mga gamit at papeles.

"Good Morning Doc" Salubong niya sa akin. Ngumisi lang ako sakanya at umupo na at nag asikaso na ng mga Pasyente.

Tumatagal ang aking trabaho ay nawawalan na rin ako ng gana. Marami pading mga boses na nangririndi sa akin.
Minsan ay hindi na rin ako pumapasok sa opisina.

Isang araw na pagpasok ko sa opisina ko ay abala akong naglilinis ng mga papeles sa cabinet.

"Cris siguro kailangan mo munang magleave"

"Bakit po Doc?" lumapit at pumunta sa harapan ko.

"P-pupunta ako sa i-ibang bansa" inayos ko ang mga gamit ko sa lamesa at muli at nagsalita ulit ako.

"S-sorry about last night. Sorry for kissing you without permission. I just taught you we're my ex-wife" Then lumabas na ako ng opisina.

Liningon ko ang aking kaliwa pero hindi ako nag malikmata na may nakita akong isang Doktora. Sobrang pamilyar sa akin ang mukha na yun.

GOT IT! NAALALA KO NA.

Siya yung batang babae na nakita ko sa ospital noon! hindi ako nagkakamali siya rin kaiisang anak ng doktor ko nung na coma ako.

During my monthly check up nakikita ko siya palagi sa opisina ng doktor ko.

She's kinda old now, but then she's still strong yet so professional.

Pumasok siya sa Elevator at sumunod sakanya ng palihim. Alam ko siya ang makakatulong sa akin para malaman ko ang totoo. Kung bakit nasa maling katawan ako ngayon.

Nakarating kami sa isang Village. Na kung saan doon pumasok ang kanyang sasakyan.

Kyogoku Girls Township

Pumasok ako na habang palakad ako ay napansin ko na puro babae lang ang mga nakatira dito. Kaya naman ay sinimulan kong magtanong pero niisa di ako kinibo.

Pero may tatlong kababaihan ang lumapit saakin luckily ay may mapagtatanungan na ako.

"Ma'-" Nabanggit pa lang sa boses ko ay binugbog na ako ng isang babae na sobrang liit pero sobrang palaban.

"Aray!" napangiwi ako sa sobrang sakit ng panga ko. hinawakan ko sa pababa ng panga ko at magsasalita palang sana ako pero inunahan ako ng isang babae.

"Delikado ka dito boy! this is for girls TOWNSHIP, strictly-no-boys!" sapak! sinapak ako at pinagtatadyakan pa binuhat ako at pinalabas.

Abay teka sa sobrang sakit ng katawan ko hindi ko na kayang bumangon.

Oo nga nakapaskil pa lang sa harapan GIRLS TOWNSHIP na ang nakalagay.

MISSION FAILED!

Hinawak hawak ko ang aking balikat sa sobrang sakit. Dumugo ang aking labi.

Paano ko malalaman lahat kung bawal palang pumasok sa Township na yun.

Paano ba?!

Nakasalubong ko ang isang babae na tumatakbo nakita ko ang mga kalalakihan na humahabol sakanya.

Death of a Bachelor Where stories live. Discover now