Chapter XIV

21 2 0
                                    

CHAPTER XIV

Third Person's POV

Ilang linggo na ang nakalilipas 'nang masagap ni Eirene ang mga mahahalagang impormasyon mula sa isang matandang lalaki at ngayon ay humahanap siya ng tiyempo para makapunta roon ng mag-isa.

Habang nag-iikot sila sa bayan para humanap ng gamot ni Chase dahil nilalagnat ito, hindi siya iniiwan ni Edge na mag-isa dahil may masamang kutob si Edge na sa oras na iwan niya ang dalaga ay bigla na lang itong mawawala sa kaniyang paningin. "Bakit ba kasi nagtampisaw 'yun sa lake." Reklamo ni Cale habang inililibot ang kaniyang mga mata. "Pupunta muna ako roon. Baka mayroon silang mga gamot na puwede nating gamitin kay Chase." Tumango si Eirene kay Cale.

"Susubukan 'kong pumunta sa mga nagtitinda ng mga halamang gamot. Ituloy mo na lang ang pag-iikot rito, baka may mahanap ka rin." Pinigilan ni Edge si Eirene. Hinawakan 'nito ang dalaga sa palapulsuhan 'nito.

"Sasama ako sa 'yo."

"Mas mabilis 'kung maghihiwalay tayo. Dapat makabalik na tayo bago pa siya magising."

"Mas mapapanatag ako 'kung kasama kita." Naguguluhan man ay tumango si Eirene. "Sige."

Habang naglalakad ang dalawa at nagtatanong tanong ay hindi inaalis ni Edge ang tingin niya sa dalaga kaya naiiritang nilingon ni Eirene si Edge.

"Kanina ka pa nakatitig sa akin at hindi na ako natutuwa. Ano ba iyon? May gusto ka 'bang sabihin?" Tinitigan lang ni Edge ang dalaga kaya napabuntong hininga si Eirene. "Kapag hindi ka pa nagsalita o umiwas manlang ng tingin ay iiwan talaga kita rito." Natawa naman si Edge kay Eirene kaya natigilan ang dalaga.

"Nahihibang lang siguro ako." Napakurap kurap si Eirene. Hinawakan 'nito sa noo ang binata. "May sakit ka ba?" Hinawakan naman ni Edge ang kamay ng dalaga. Binawi ni Eirene ang kamay niya at nagsimula ulit maglakad. "Bilisan na lang natin ang paghahanap." Nakangiting sumunod naman si Edge sa kaniya.

'Nang makahanap sila ng mga dahong maaari nilang katasan ay bumalik na sila sa kanilang bahay. "Palitan mo ang bimpo sa noo niya, Edge. I'll make his medicine." Maya-maya lang ay nakarating na rin si Cale na may bitbit na mga dahon. "Check his temperature. Malapit na ito." Tumango si Cale sa kaniya at pumasok na rin ito sa kuwarto nila ng kakambal niya.

Natigilan naman si Eirene. This is the perfect time. Nilingon niya ang pinto ng kuwarto ng kambal 'kung na saan ang tatlo. Should I leave? Pumikit siya at umiling. Napabuntong hininga siya dahil sa kaniyang naisip. No. Not this time. Chase needs me. He needs us. Not now.

'Nang matapos na siya sa kaniyang gawain ay pumasok na siya sa silid ng kambal. Balot na balot si Chase ng kumot at halata mong nilalamig ito. "Here." Umupo si Eirene sa tabi ng binata at dahan dahan namang pinaupo nina Cale at Edge si Chase. Pinainom ni Eirene ang gamot kay Chase at 'nang maubos na ito ay tiningnan niya ang binata.

"Thank you, miss Davis." Nginitian ni Eirene si Chase kaya niyakap siya ng binata. "I could not believe that you possess the fire element. I didn't knew that you could have a fever." Panunukso ni Eirene sa binata.

"Alam naman kasi niyang malamig sa gabi, nagbabad pa sa lawa." Inihiwalay na ni Cale ang kakambal kay Eirene at inihiga niya na ito sa kama.

"Pagkagising mo ay bababa na ang lagnat mo. I'm certain. For now, just rest." Tumayo na si Eirene ngunit pinigilan siya ni Chase. "Hmm? Yes, what is it?"

"I know you can be a healer, ayoko na ng lagnat na 'to, miss Davis." Mangiyak ngiyak na reklamo ni Chase. "I cannot move as much as I want to. Nakakabagot ang pagtulog, miss Davis."

"I might faint." Umiling si Chase. "Pero 'di ba nagagamit mo naman na ang kapangyarihan mo? Kahit konti lang, miss Davis." Hinampas ni Cale ang kamay ni Chase na nakahawak kay Eirene.

"Kasalanan mo 'yan kaya huwag 'kang magreklamo! Talaga naman." Sumimangot si Chase.

"Fine, fine, fine." Hinawakan ni Eirene ang palad ni Chase. "Eirene." Natigilan si Eirene ng tawagin siya ni Edge. Umiling ang binata sa kaniya kaya nginitian niya lang ito at nagpatuloy siya sa kaniyang ginagawa. Lumabas sa palad ni Eirene ang isang luntiang apoy. 'Nang makalabas na ito sa kaniyang palad ay dumausdos ito sa kamay ni Chase. "Enough now, Eirene." Tinakpan ni Edge ang palad ni Eirene. Napatingin naman siya kay Edge. Umiling si Edge sa kaniya.

"I feel better now, miss Davis. Thank you." Nginitian ni Chase si Eirene. "I'll rest now, bukas magaling na magaling na ako. We'll continue searching tomorrow." Nagtalukbong na ng kumot si Chase kaya lumabas na muna sina Eirene at Edge ng kuwarto ng kambal.

"Are you feeling okay?" Tanong ni Edge ng makalabas sila ng silid ng kambal.

"I'm... fine?" Hindi makapaniwalang sagot ng dalaga. "I'm glad. I'll cook dinner." Dumiretso na si Edge sa kusina. Humabol naman si Eirene.

"I'll cook dinner for tonight. Ilang araw ng ikaw ang nagluluto. You can rest for tonight. Ako na ang bahala." Eirene. Umiling si Edge.

"Just help me with the ingredients. Mas mabuti 'nang nakikita kita." Naguguluhan man ay tumango si Eirene.

"You're acting weird these days, Edge."

"I know. I am."

"You're creeping the hell out of me." Natawa si Edge sa reaksyon ng dalaga.

"I'm just worried." Sandaling nilingon ni Eirene si Edge na naghuhugas ng karne sa lababo.

"Worried about what?"

"I don't know."

"You're weird. I'm serious." Napangisi na lang si Edge. I know.

"That's fine." Inabot ni Eirene ang ilang gulay, na hinanda niya, kay Edge para mahugasan na rin ito ng binata. "We're already here for two months now, are you planning something new, Eirene?" Natigilan si Eirene sa paghihiwa ng karne.

"I am not planning anything. We are obliged to follow the original plan." Muling ipinagpatuloy ni Eirene ang paghihiwa ng karne.

"You're the princess and whatever plan you have in mind, any time of the day, we can still follow your plan and change the original one."

My plan? You guys are out of my plan. I don't want to put you in danger anymore.

"We just have to stick in our original plan." Sagot na lang ng dalaga.

"You have to, Eirene." Saglit na nilingon ni Eirene si Edge at muli itong bumalik sa paghihiwa.

"What do you mean by that?"

"I was just saying. Hand me the meat." Iniabot na ni Eirene ang karne kay Edge 'nang matapos na niya itong hiwain.

"Promise me, Eirene."

"Promise you what?" 'Nang mailagay na ni Edge ang karne sa lutuan ay nilingon 'nito ang dalaga.

"Promise me that you will not leave nor take actions without us. We are a team. You need to consult to us first. You're still the princess and your safety comes first. Promise me, Eirene."

"I cannot promise you that, Edge. You know that I don't want my people to worry about me 'di ba? We should all be safe. I protect my people and not the other way around." Palusot 'nito.

"We will protect you. You don't need to protect us, Eirene. Protect your people but we, as your team members, will protect you." Hindi na sinagot pa ni Eirene ang binata dahil kinakabahan siya na baka may hula na ang binata sa kaniyang pinaplano.

Selfless Bloody RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon