CHAPTER XVI
Third Person's POV
Galit na galit na sinaksak ni Edge ang huling natitirang kalaban. 'Nang maging abo ang katawan 'nito ay mabilis niyang nilibot ang buong palapag. Binuksan niya isa isa ang mga silid aralan. 'Nang makapasok siya sa huling silid ay napasuntok siya sa pader.
Eirene... where are you?
Nilapitan siya ng kambal at pinakalma nila ito. "You're worried about miss Davis, right?"
"That's why you're acting like this." Napabuntong hininga si Cale.
"But we have to trust her. Whatever decision she had made, we should trust her." Tinapik tapik ni Chase ang balikat ni Edge.
"She'll come back." Napaupo sa sahig si Edge dahil sa sinabi ni Cale.
"What if she doesn't? What will I do? What should I do?"
"Trust her, Edge. Let's wait for her."
"I could not wait any longer." Muling tumayo si Edge ngunit mabilis siyang pinigilan ni Cale.
"Calm down! Hangga't iniisip mong may mangyayaring masama sa kaniya ay mangyayari talaga ang inaasahan mo. Let's calm down first! What if we mess things up? It will worsen the situation!" Tinapik ni Chase ang galit na galit na si Cale. He must be worried, too. Sa isip ni Chase.
"Both of you should calm down." Seryosong usal ni Chase. "Walang patutunguhan ang lahat ng ito 'kung pati tayo ay magkakagulo. Hindi natin alam sa ngayon 'kung na saan si miss Davis. She must be waiting for us as much as we are waiting for her... but no. She made this decision. She has been with us for almost two months now. Let's just respect her decision, after all hindi 'din naman natin alam 'kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya para magawa niya lamang ito. Now that she's finally out there, executing her plan, let's just trust her and pray for her safety. We are her inspiration. In the first place, kaya lang naman siya nandito ay dahil sa atin. Whatever she's thinking, I know kasama lagi tayo doon." Natahimik ang dalawa dahil sa sinabi ni Chase.
Nagsimula namang maglakad ang dalawa kaya napakunot noo si Chase. "Where are you going?"
"We're going home." Ang tanging isinagot lang ni Cale. Sumunod naman si Chase sa kanila.
'Nang makarating sa bahay ay dumiretso agad sa kusina si Edge. "Are you gonna cook, Edge?" Tanong ni Chase.
"Snacks." Tumango si Chase. Hinila naman 'nito ang kakambal sa sala.
"Hay 'nako! Drop that serious face, Cale. Walang mangyayaring masama kay miss Davis."
"If I just teleported and stayed beside her, this would not happen." Umiling si Chase.
"You know what, be proud. At least kahit papaano, nagagamit niya ang powers niya. She could now teleport! Yay?"
"Why do you have to be so positive in times like this, Chase?" Ngumiti si Chase kay Cale.
"If I would not, who would?" Napabuntong hininga naman si Cale. Inakbayan naman ni Chase ang kakambal. "That's why I deserve to be called kuya, don't you think so?" Iwinaksi ni Cale ang kamay ni Chase.
"You're just 3 minutes older! Cut the crap!" Bigla namang dumating si Edge na may bitbit na tray.
"Salad?!" Mabilis na kinuha ng kambal ang vegetable salad nila. Umupo naman si Edge sa tabi ni Chase.
Habang kumakain sina Cale at Edge ay tahimik na tiningnan ni Chase ang dalawa.
I'm also worried, I might shoot my arrow any moment... but I know I shouldn't. I'm worried too! Where are you miss Davis? Where on Earth are you?
— Z — H —
Anim na araw na ang nakalilipas at hindi pa rin nakakabalik si Eirene. Araw araw 'din halos pinapakalma ni Chase ang dalawa lalo na si Edge.
Habang nakahiga sa sofa si Chase ay naglilinis naman ng mga armas si Cale sa tabi ng sofa. "Nahuhuli na rin sa paggising si Edge." Bulalas ni Chase. Maya maya lang ay may kumatok kaya biglang bumangon si Chase. Napatayo 'din si Cale at nabitiwan niya rin ang mga armas nila. Bigla namang lumitaw si Edge na galing sa kusina.
"Miss Davis?!" Salubong nila sa taong kumatok sa kanilang tahanan ngunit wala silang nakita. Sabay sabay silang naglakad palabas at naabutan nila ang isang matandang lalaki.
"Ay, magandang umaga mga hijo. Na saan ang dalaga sa bahay na iyan?" Nagkatinginan naman ang kambal.
"Po?" Sagot ni Cale.
"Ilang linggo na ang nakalilipas 'nang huli ko siyang makausap. Wala na ba siya riyan? Nagpunta na ba siya sa hilaga?" Kumunot ang noo ni Edge.
"Hilaga? Ano pong gagawin niya roon?" Magalang na tanong ng binata.
"Kasama niya ba kayo mga hijo? Pasensya na 'kung anu-ano ang sinasabi ko. Wala iyon. Napadaan lang ako rito. Gusto ko lamang siyang kumustahin." Aalis na sana ang matandang lalaki 'nang harangin siya ni Chase.
"'Kung sa hilaga man po ang punta niya, siguro naroon po siya ngayon. Ano pong mayroon sa hilaga?"
"Maaari ko ba munang malaman 'kung sino kayo?" Tanong ng matanda.
"Kasama niya po kami. May mahalaga po kaming misyon. Sa lalong madaling panahon ay kailangan na rin po naming makabalik." Napatango tango ang matandang lalaki.
"Hawak ng mga lalaki ang Libro ng mga Kapangyarihan sa hilaga." Natigilan ang tatlo 'nang marinig nila ang pakay nila rito sa labas mula sa bibig ng matandang lalaki.
"P-Po?" Hindi makapaniwalang sagot ni Cale.
Natawa ng bahagya ang matandang lalaki. "Ganiyang ganiyan 'din ang reaksyon niya 'nung narinig niya mula sa mga labi ko ang talagang ipinunta niyo rito."
"K-kilala niyo ho ba kami?" Kinakabahang tanong ni Chase. Tumango ang matandang lalaki kaya napalunok ang kambal. "Galing kayo sa bundok sa kanluran, hindi ba? Natanggap niyo lang itong misyon dahil ibinigay sa inyo ito ng palasyo." Nakahinga naman ng maluwag ang tatlo ng marinig nila ang sagot ng matandang lalaki.
"Ang hinahanap niyo ay na sa hilaga. Hindi ko alam na mag-isa siyang susugod doon. Masyadong mapanganib ang lugar na iyon." Napaiwas ng tingin si Edge. Shit. Shit! "May marka sila. Isang espadang itim na pinalilibutan ng puting apoy." Bigla namang napalingon ang matandang lalaki kay Edge. Bigla itong tumalikod para bumalik sa loob ng bahay nila ngunit mabilis siyang pinigilan ng matandang lalaki. Hinila 'nito ang puting polo ni Edge at napunit niya ito sa likod. Nanlaki ang mga mata ng matandang lalaki 'nang may makita itong marka sa likod ni Edge. Itim na espada na pinalilibutan ng puting apoy. Maliit lamang ito ngunit sapat na para makita. Katulad na katulad ng nakita ng matandang lalaki.
"S-sino ka, hijo? Bakit narito ka? B-bakit kasama ka nila?" Maging ang kambal ay natigilan dahil sa kanilang nasaksihan. "Unang kita ko pa lang sa 'yo ay may nadama na akong kakaiba. Katulad 'nang sa nakita ko. Sino ka? Sino kayo?"
Yumuko si Edge. "This is not my fault... I didn't do anything wrong... I did not hurt her... it's not me..." Bigla itong bumigay dahil sa sakit ng kaniyang ulo. Tinakpan niya ang kaniyang mga tainga ng makarinig siya ng mga ingay. "Hindi ko sinasadya... wala akong alam... p-pakawalan niyo na ko! Iwan niyo na ko! Hindi ko ginusto 'to... wala akong alam rito... ayoko... ayoko... ayoko! Huwag siya... hindi niyo siya puwedeng galawin! Nagmamakaawa ako... ako na lang! Ako na lang!" Napahiga siya sa sahig at mabilis naman siyang nilapitan ng kambal.
"Edge, stop it! We're here!" Malakas na sigaw ni Cale para marinig siya ni Edge.
"We will not leave you, we believe in you. You meant no harm, calm down Edge!" Maya maya lang ay nanahimik na si Edge at nawalan na rin ito ng malay.
Muli namang nagsalita ang matandang lalaki matapos niyang masaksihan ang nangyari kay Edge. "Hindi ko man sigurado ang pakay niya... ngunit hindi niya kayo sasaktan. Sigurado 'din akong kaya niyang kontrolin ang sarili niya matapos ko kayong marinig na magsalita ng Ingles. Isa siguro kayo sa mga espesyal na tauhan sa kanluran." Tiningnan naman ng kambal si Edge.
What happened, Edge? Why are you being like this?
Princess and you are connected, I'm sure, but whatever connection that is, I know you will protect our queen.
BINABASA MO ANG
Selfless Bloody Red
FantasiSaan ka kaya dadalhin ng pag-asang balang araw ay may magpapahalaga rin sa iyo? Inaasahan mo na sa araw araw ay sasamahan at pahahalagahan ka nila ngunit wala silang ibang ginawa kundi ang yumuko sa iyong harapan at lumayo. Ano kaya ang pakiramdam k...