Chapter XVIII

28 2 0
                                    

CHAPTER XVIII

Third Person's POV

'Nang sa isang iglap ay nawala na ang kambal ay hinawakan ni Edge si Eirene sa magkabila 'nitong balikat at inalalayan 'nito ang dalaga papasok ng kanilang tahanan. "Are you fine?" Tanong 'nito sa dalaga.

"Yes. I'll just go get some water." Pinigilan ni Edge si Eirene at pinaupo niya ito sa sofa. "I'll go and get it." Tumango si Eirene at naiwan siya sa sala.

Why is it so awkward? 

Bumalik naman agad si Edge na may bitbit na baso ng tubig. "Here." Inabot niya ito kay Eirene. Mabilis rin naman itong ininom ni Eirene. "You said that the book is at the lake. Saan roon?"

Inilapag ni Eirene ang baso ng tubig sa mesa sa harap nila. "Sa ilalim. Ibinaon nila iyon sa lupa sa ilalim ng lake. I just happened to hear everything from the plan of the war to where the book is." Tumayo naman agad si Edge. "Hey, where are you going?" Pigil ni Eirene sa binata.

"I'll go there right now. You rest here. I'll make it fast para makabalik na rin tayo." Umiling si Eirene.

"I'll help." Tinitigan ni Edge ang dalaga. "Para mas mapabilis." Napabuntong hininga na lang si Edge. I'm just worried.

Inalalayan ni Edge ang dalaga para makatayo ito. "What happened to your leg?"

"Maling pagdaong. I twisted my ankle when I arrived there." Napailing na lang si Edge. Bigla na namang lumuhod sa harapan ni Eirene ang binata. "Para mas mapabilis." Napailing na lang si Eirene 'nang gayahin ni Edge ang kaniyang sinabi. Sumakay na siya sa likod ni Edge at nagsimula na ring maglakad ang binata.

"We're finally going back, Eirene." Tumango si Eirene.

"I'm scared. I want to go back, but can I really go back without any problem?" Nilingon ni Edge ang dalaga kaya umiwas ng tingin si Eirene.

"Of course. I'm here with you and as long as I am standing beside you, you're safe." Hinigpitan ni Eirene ang yakap sa binata. Pumasok naman sa kakahuyan ang binata. "Stop it... you don't know what could happen." Ang tanging isinagot na lang ni Eirene.

"'Cause you do. Alam mo 'kung ano ang susunod na mangyayari but if you're scared or if that event is trying to scare you, tell me. I would protect you." Nagulat si Eirene dahil sa inusal ni Edge.

"H-how did you know?"

"I have my eyes only on you, Eirene." Pumikit si Eirene.

"Stop! No... don't say anything." Tumango si Edge.

"Well, I'm in no place to have these feelings." Tahimik na nagpatuloy ang dalawa. 'Nang makarating na sa lawa ay ibinaba na ni Edge si Eirene. Hinubad ni Eirene ang puting kapa niya at tinanggal niya na rin ang kaniyang sapatos. 'Nang maitabi niya ang kaniyang gamit ay hinawakan siya sa kamay ni Edge at dahan dahan silang sumulong sa tubig. "Let's start." 'Nang lumublob na sila ay nag kaniya kaniya sila ng direksyon. Ilang minuto na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin nila mahanap ang libro. Habang na sa ilalim pa rin ng tubig si Edge ay umahon muna si Eirene dahil nananakit na ang kaniyang paa. Maya maya lang ay biglang lumitaw sa harap niya si Edge. "Oh my God!" Masyadong malapit ang binata sa kaniya at ikinabigla niya ito.

"What happened? Masakit ba ang paa mo?" Pinagpatuloy lang ni Eirene ang paghihilot sa kaniyang paa 'nang bigla siyang hilain ni Edge kaya muli silang bumalik sa ilalim ng tubig. Tinitigan lang ng binata si Eirene at mas hinapit niya pa ito sa beywang. 'Nang malapit na ang mukha ni Eirene sa binata ay dahan dahan pang inilapit ni Edge ang kaniyang mukha sa dalaga at pumikit siya. 'Nang lumapat ang mga labi ni Edge sa labi ng dalaga ay kusang pumikit ang mga mata ni Eirene.

Heal, Eirene. Heal.

'Nang muli silang umangat ay napayakap si Eirene kay Edge para habulin ang kaniyang hininga. "Check your leg." Kumunot ang noo ni Eirene. Umahon siya at muli niyang hinilot ang kaniyang paa. Nanlaki ang mga mata niya 'nang wala na siyang maramdamang sakit doon.

"What the hell happened?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga.

"It's a secret." Kinindatan ni Edge si Eirene kaya umiwas ng tingin si Eirene. Muli namang lumublob sa tubig si Edge.

"What exactly happened?" Bulong ni Eirene sa kaniyang sarili.

'Nang makabawi ay muli ulit siyang sumulong sa tubig.

Z H

Pagkarating ng kambal sa main gate ay agad silang hinarang ng mga kawal. "Make way, officer." Maangas na bulalas ni Chase.

"Bawal po pumasok ang 'kung sinu-sino rito, ginoo." Tumaas ang kilay ni Chase.

"We are the sons of the head of the military." Tinitigan ng mga kawal ang mukha ng dalawa at 'nang mamukhaan na nila ang mga ito ay agad silang tumabi at yumuko.

"H-hindi po namin alam na kayo iyan, pasensya na po, ginoong Evans." Tinapik ni Cale ang pinakamalapit na kawal sa kaniya.

"It's okay. We must admit, pumayat kami dito sa labas kaya nagbago rin ang aming hitsura, konti lang." Pumasok na ang dalawa sa loob ng palasyo. Naglakad sila hanggang sa harap ng Sky Palace. Hindi kasi nila puwedeng basta basta na lang gamitin ang kanilang kapangyarihan dito sa loob ng palasyo.

'Nang makapasok sa palasyo ay dumiretso sila sa opisina ni Mr. Forson. Hindi nila ito nakita sa opisina 'nito kaya dumiretso sila sa opisina ni Eirene at doon nila naabutan ang matanda. "Chase? Cale? Nagbalik na ba kayo?! Na saan si princess Eirene? Ayos lang ba siya? Naha-" Natigilan ang matanda 'nang umiling si Chase. "Anong ibig sabihin ng pag-iling mo?"

"Kami lang pong dalawa ni Chase ang pinabalik ng kamahalan dito pero bago mag-umaga ay darating na rin ho sila ni Edge rito."

"Bakit? Hindi ba kayo sabay-sabay na babalik? Ano pang ginagawa niya roon? Ayaw niya na bang bumalik dito?" Natawa naman si Chase sa inusal ng matanda.

"Hindi po. Pinauna niya po kami para abisuhan kayo. May magaganap na gulo, bukas ng umaga. Wala siyang ibinigay na opisyal na liham para hindi tayo matunugan. Hangga't hindi pa nakakabalik si miss Davis ay kailangan rin naming magtago rito sa kaniyang opisina 'nang hindi kami makita ng iba."

"Gulo? Sino ang lilikha ng gulo?" Nagkibit balikat ang kambal.

"Ang sinabi niya lang po ay abisuhan ang mga militar at siguraduhing mababantayan nila ang buong palasyo, maging ang iba't ibang lugar dito sa loob. Mag-antabay din daw maging ang mga doktor sa posibleng mangyari. Hindi ko alam 'kung ano pa ang dapat na gawin, basta ang sinabi niya lang ay kayo ang kausapin namin." Naghintay pa ng sasabihin si Mr. Forson.

"Wala na ba siyang ibang sinabi?" Napatango naman si Cale 'nang may maalala siya na maaari niyang idugtong sa sinabi ng kakambal.

"Protect that person. I don't know who. Maybe, ang tiya niya?" Napatango tango si Mr. Forson.

"Well, thank you for that. Gusto niyo 'bang kayo na lang ang tumawag sa inyong mga magulang? May direktang linya naman sa opisina nila and since both of your parents are the head of each department sa kanila didiretso ang tawag." Tumango ang kambal.

"We'll do that." Chase. Tumango si Mr. Forson.

"And maybe to lessen the people outside, I'll suspend the class tomorrow at ititipon ko rin ang lahat ng tauhan sa palasyo maging sa iba't ibang departamento rito para alam ko 'kung na saan sila kapag sumiklab na ang gulo. We'll make sure that everything's okay when princess Eirene comes back. For now, contact your parents then I'll do the rest." Kumilos na sina Mr. Forson habang ang dalawa naman sa labas ng palasyo ay abala pa rin sa paghahanap ng libro.

Selfless Bloody RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon