AUTHOR'S POINT OF VIEW:
"Jah, Alam mo ba yung kumakalat na sa city natin ngayon?" Tanong ni Simon–kaibigan ni Justin sakanya. Natigilan naman sa pag aayos nang gamit si Justin at tinaasan nang kilay ang katabi.
"Basura?" Ani nya, napa irap nalang si Simon.
"Alam mo ang gago mo kausap"
Napatawa nalang si Justin at nag patuloy sa ginagawa nya. Nilapit naman ni Simon ang upuan nya kay Justin.
"Seryoso ako Justin, yung kumakalat sa city natin ngayon gumagawa nang malaking gulo!"
"Ano ba kasi yan, Simon?" Tumingin si Simon deretsyo sa mga mata ni Justin, kinabahan naman si Justin dito.
"Hostel"
Napa kurap-kurap nang mata si Justin nang marinig ang sinabi ni Simon.
"Hostel?diba mas cheap na version nang hotel yun?" Ani nya dito, napailing nalang si Simon.
"Hindi! Hostel ang tawag sakanila kasi naka tira sila sa isang lumang hostel dito"
Napataas nang kilay si Justin, hindi nya maintindihan kung bakit gumagawa nang gulo ito.
"Ano naman ang gulo doon?" Napairap si Simon dahil napapagod na syang mag paliwanag dito.
"Mga grupo sila nang mga teenager na nag layas sa bahay nila,para silang fraternity"
Napakunot lang ang noo ni Justin kasi di nya parin nakukuha ang gulo doon.
"May lima na hostel dito sa city pero may dalawang grupo na sobrang laki nang alitan. Profaci Hostel at Kenryoku Hostel"
Napa-ayos nang upo si Justin at mukang nag karoon nang interest sa pinag sasabi nang kaibigan nya.
"Tapos, paano sila nag aaway? At ano ang ginagawa nila?" Tanong nya, mas naging seryoso naman ang muka ni Simon at napatingin sa paligid nya nag sisigurado na walang makarinig sakanila.
"Nag bebenta nang bata, nag bebenta nang droga, prostitution, nag nanakaw, scammer at pumapatay" halos mawala ang dugo sa muka ni Justin at gulat na nakatingin sa kaibigan nya.
Napalunok sya, hindi nya alam na ganyan pala ka-delikado ang mga yan.
"Hindi ko alam kung saan sa lima na hostel ang gumagawa nyan. Nakapalibot sila sa city natin, hindi ko alam saan ang ekasakto na lugar basta mga abandonadong mga hostel dito"
"Justin, mag ingat ka. Wag na wag ka lang talaga mag kakamali na makasalamuha sila, kundi masasali ka sa gulo nila o mas malala mapahamak ka" ani nang kaibigan nya, napatungo naman si Justin.
"I-ikaw rin" ani nya, ngumiti ito sakanya at tumayo saka tinapik ang balikat nito.
"Mga kabataan" ani nya at tumayo rin at kinuha ang bag nya at lumabas sa silid.
7:00 PM
Nag lalakad si Justin sa daan, wala na syang masakyan dahil puno na ang lahat dahil rush hour na. Patingin-tingin sya sa paligid, aminin nya medyo natakot sya sa mga pinag sasabi ni Simon.
"Jah, bilisan mo nalang mag lakad" ani nya sarili at huminga nang malalim.
Napatigil sya sa pag lalakad at napatingin sa madilim na iskinita, hindi naman sya dadaan sya pero parang may naririnig sya sa dilim.
Napalunok si Justin at nag lakad dahan dahan doon, maingat sya na sumilip baka may makita sya pero wala dahil sa dilim. Mas lumalakas lang ang ingay.
"Okey, tama na. Uuwi na ako" ani nya sa sarili at umikot, pabalik sa kung saan sya kanina nang galing nag bigla nalang may bumagsak kaya napatingin sya doon.
"a-anak nang p-potangina" ani nang isang babae habang naka pikit—iniinda ang sakit. Gulat na nakatingin si Justin sa babae na naka higa sa loob nang isang malaking basurahan.
"M-miss" tawag nya, tumayo ito habang naka hawak sa likod nya.
"tangina, ang sakit" napatingin ito kay Justin, napa-atras naman si Justin dahil medyo natakot sya sa babae.
Meron itong mga hazel na mga mata at blonde na buhok, kapansin-pansin din ang kutis nito na kasing puti nang nyebe.
Aminin ni Justin, maganda ito. Wag mo nalang pansinin ang mga pasa nito.
Parang itong nahulog galing sa langit–sa katunayan nahulog nga galing sa itaas. Napatingin si Justin sa taas at may dalawang palapag ang building na ito.
Buti naman at hindi ito namatay.
"Nahulog dito si Rossie!"
Napatingin sila doon at may dalawang lalake sa itaas na nakatingin sa kanila.
"Tangina" bulong nang babae at umalis sa basurahan.
"Nakita namin sya! Buhay pa sya!" Sigaw nito ulit. Tumakbo yung babae at agad na hinila si Justin at tinakbo ito.
"H-hoy! Saan mo ako dadalhin!?" Reklamo nya habang nakakaladkad na sya nito.
"Tumahimik ka nalang kaya!?" Ani nang babae. Napalingon si Justin sa likod nya at nakita na may mga lalake na humahabol sakanila nang hindi nya alam kung saan nang galing.
Napatingin sya sa kamay nya kung saan naka hawak ang babae, hila-hila sya nito. Sobrang bilis nang takbo nito na kahit sya nahihirapan na.
"ano kasi yun!?" Sigaw nya, hindi lang sya pinakinggan nito at pumasok sila sa isang iskinita. Tinulak nya si Justin sa dingding kaya nagulat ito.
"H-hoy—" agad nyang tinakpan ang bibig nito kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ni Justin. Dumikit ang katawan nang babae kay Justin, ramdam na ramdam nya ang katawan nito sa kanya at amoy na amoy nya ang matapang na pabango nito.
Hindi nya nakita ang mata nito dahil nakatingin ito sa kanan, parang may binabantayan.
Napatingin din si Justin dito nang makarinig sya nang takbuhan at ingay. Nung nawala na ito binitawan na sya nang babae at napa buga nang hangin.
"W-wala na ba sila?" Bulong nya, tumingin sa kanya ang babae at ngumisi.
"Wow, ngayon ko lang na realize na ang gwapo mo" ani nito sakanya at tiningnan sya taas hanggang baba. Nailang naman si Justin dito.
"U-uwi na ako.." ani nya at nilag pasan ang babae.
"Mag kikita lang uli tayo, daddy"
Natigilan si Justin at napalingon sa babae na naka ngisi sakanya. Napalunok sya at umalis na.
"Anong kaguluhan yon!?" Sigaw nya sa sarili nya.
Hindi nya alam mag babago na pala ang kapalaran nya.
===================
♫︎𝚂𝙾𝙽𝙶𝚂 𝚃𝙷𝙰𝚃 𝙱𝙴 𝚄𝚂𝙴 𝙸𝙽 𝚃𝙷𝙸𝚂 𝙱𝙾𝙾𝙺♫︎
𖧷︎ʏᴏᴜᴛʜ- ᴛʀᴏʏ sɪᴠᴀɴ
𖧷︎ʀᴜɴᴀᴡᴀʏ ʙᴀʙʏ- ʙʀᴜɴᴏ ᴍᴀʀs
𖧷︎ᴘɪɴᴋ sᴋɪᴇs- ʟᴀɴʏᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴏɴᴇ ʟᴀɴɢ ᴍᴜɴᴀ, ᴀɴᴅᴏᴏɴ ᴀᴋᴏ sᴀ ᴊᴏsʜ ғғ ɴᴀɢ sᴜsᴜʟᴀᴛ ᴀғᴛᴇʀ ɴᴏɴ ᴅɪᴛᴏ ɴᴀ ᴀᴋᴏᴏᴏᴏᴏ ᴀɴᴅ sᴛᴀʀᴛ ᴛᴏ ᴘᴜʙʟɪsʜ ɴᴀ ʀɪɴ ᴀɴɢ sᴇᴊᴜɴ ғғ ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴏɴᴇ ᴏɴʟʏ.
BINABASA MO ANG
DADDY [SB19 JUSTIN FF] ✔︎
Fanfiction《SB19 JUSTIN FANFICTION》 "Hindi nga daddy ang pangalan ko! JUSTIN! " ⚠️ • This story doesn't violate or affects Justin de Dios either SB19's image. This is only the work of authors imagination. • ⚠️