《5》

379 21 6
                                    

𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹'𝑺 𝑷𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑶𝑭 𝑽𝑰𝑬𝑾:

Isang malakas na tunog ng bell ang gumising sa natutulog na Justin. Inis syang napakamot sa ulo nya at napaupo.

Eto na ang pangatlong pag gising ni Justin dito at pangatlong beses nya narin hinihiling na sana masamang panaginip lang ito. Pero sa tuwing nakikita nya ang lumang kisame nang hostel na ito napapa-irap nalang sya dahil hindi to panaginip, realidad ito.

Tumayo si Justin sa kama habang humihikab, lumabas sya nang pinto at sumalubong sakanya ang iilang mga tao na kakalabas lang din nang kwarto nila. Kaagaw-pansin talaga ang mga tatak nila, may isa pa nga nasa taas nang dibdib nya.

Iba ang tingin ng mga myembro ng Profaci hostel sakanya, ramdam na ramdam nya na hindi sya welcome dito.  Hindi nya naman din gusto dito eh.

"Justin, diba?"

Napatingin sya sa lalake na nasa kanan nya, sya yung lalake na nag babantay sa mga pagkain.

Si Stell.

"Oo, Justin. Sa wakas narinig ko na rin pangalan ko"ani nya sabay buntong hininga, ikaw ba naman buong araw marinig ang 'daddy'.

Natawa nalang si Stell sabay iling.

"Pag pasensyahan mo na si Amanda, sadyang ganyan talaga yan"tawa nya, napa busangot nalang si Justin sabay kamot sa ulo nya.

"sino ba yan? Bakit malapit sya sa trinity?"

"Halos hindi nga tayo maka tingin sa kanila"

"wala naman syang tatak"

"Hindi naman Profaci yan"

Nabaling ang tingin nya sa mga nag bu-bulungan tungkol sakanya.

"Problema nila?" Tanong nya kay Stell sabay turo sa mga nag bu-bulungan.

"wala ka kasing tatak, para sa kanila pag wala kang tatak outsider ka. Para kang taga ibang planeta—alien ba" ani ni Stell sabay tawa, hindi naman mapinta ang muka ni Justin at tinuro ang sarili nya.

"ito? Alien? Gwapo ko namang ata na alien" yabang nya, mas lalo namang natawa si Stell.

"Seryoso ba talaga na si Amanda ang leader ng Profaci?" Pag iiba nya nang topic, nawala naman ang mga tawa ni Stell.

"bakit ayaw mo maniwala na sya ang leader namin?"

Nagkabit balikat lang si Justin.

Sumandal si Stell sa dingding at seryoso na nakatingin kay Justin.

"Hindi mo magugustuhan na makita ang leader ng Profaci na nakatago sa masayang muka ni Amanda. Ibang-iba sya sa Amanda na nakilala mo at sa Amanda na nakilala namin dito"

"kaya ba, takot ang mga myembro dito sa kanya? Napansin ko kasi kahapon. Pag nag lalakad sya lahat tumatabi tapos yung sumigaw sya parang natakot ang lahat" ani nya habang iniisip yung mga pang yayari kahapon.

"Nakita kasi nila paano maging leader si Amanda. Si Amanda naman kasi ang nag train sa kanilang lahat" simpleng ani ni Stell, napakunot naman ang mga noo ni Justin.

"Training?"

"Oo, lahat nang sasali sa hostel sumasailalim sa matinding training. Tuturuan sila ni Amanda ng iba't ibang klase nang martial arts"

Halos malaglag naman ang panga ni Justin, hindi alam kung tama ba ang naririnig nya.

Yung babae na sinisigaw-sigawan nya lang marunong sa iba't ibang klaseng ng martial arts.

DADDY [SB19 JUSTIN FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon