AUTHOR'S POINT OF VIEW:
Nakatulala ngayon si Justin sa bintana nang classroom nya, iniisip parin yung nang yari kagabi.
Ano kaya yon? Hostel ba yon? sino yung babae na yun?!
BAKIT NYA AKO TINAWAG NA DADDY!?!
"Mr. de Dios!" Halos mapatalon si Justin sa upuan nya at napatingin sa harap. Inis na nakatingin sakanya ang physics teacher nya habang pinag tatawanan sya nang mga kaklase nya.
"Kanina pa kita tinatawag!" Inis nitong ani, napalunok naman si Justin at napa kamot nang ulo nya at tumayo. Sinamaan lang sya nang tingin.
"What is the 7 branches of physics?" Tanong nang teacher nya, pinag pawisan naman si Justin kasi hindi nya alam!
Malay nya ba sa 7 branches of physics?
Plano nya pa sana mag joke tungkol dito.
Puno ba yan?
Kaso baka ibagsak sya nang teacher nya kaya nanahimik nalang sya at hinayaan na mapahiya.
Nakarinig naman sila nang ingay sa labas kaya napatingin ang ibang mga kaklase nya dito.
"Anong kaguluhan yan?" Tanong nang teacher nila, wala naman sumagot sakanya. Napatingin din si Justin dito dahil na-intriga sya dito.
"Sino yang babae na yan?" Tanong nang isa nyang kaklase. Niliitan nya ang mga mata nya para makita nang maayos ang babae na nasa gate na mukang nakikipag away sa guard.
"Damn, ang ganda nya"
"Oo nga, foreigner?"
Sakto namang may dumaan na mga studyante sa bintana nila kaya tinawag ito nang mga kaklase nya at nag tamong. Hindi lang ang klase nila ang naintriga sa babae na nasa labas nang gate nang school nila kundi halos lahat. Nag-si labasan pa nga ang iba.
"may hinanap daw sa school natin"
Napakunot nalang ang noo ni Justin.
"Jah, parang may mali" ani ni Simon sa tabi nya, napatungo nalang din si Justin. Nag si-labasan naman ang mga kaklase nya walang pake sa teacher nila na sinisita sila.
"Hali! Labas tayo!" Yaya ni Simon at hinila si Justin sa labas. Nagulat sya nang makita na maraming studyante ang nakiki-chismis-ang daming klase din ang nasira nito.
Hindi pinapakinggan nang mga to ang mga guro nila. Lumapit ang principal sa gate para kausapin ang babae. Hinila nanaman sya ni Simon para makalapit sila.
"Bakit ang daming tao ang Nakiki- chismis?"tanong nya, napatawa nalang si Simon.
"Wala chismoso tayo at may isang maganda na foreigner ang nasa gate na minumura ang guard.
"Miss, umalis ka nalang please" ani nang principal nila.
"At bakit ako aalis?" Taray nito.
"Hindi ako aalis dito hanggat di ko nakikita ang hinahanap ko!" Sigaw nya.
Napakunot ang noo ni Justin nang makita ang blonde na buhok nito at ang hazel na mga mata nito.
"Teka..." mahina nyang ani at gulat na nakatingin dito.
"GET OUT OF MY WAY YOU FUCKING-" natigilan ang babae nang makita nya si Justin. Napa mura si Justin nang mahina at dahan dahan na umalis.
Bakit sya andito!?!
"DADDY!?!" sigaw nito sabay turo kay Justin, napatigil si Justin. Nag tinginan ang mga tao sa lugar nya, napalingon din ang principal nila sakanya.
BINABASA MO ANG
DADDY [SB19 JUSTIN FF] ✔︎
Fanfiction《SB19 JUSTIN FANFICTION》 "Hindi nga daddy ang pangalan ko! JUSTIN! " ⚠️ • This story doesn't violate or affects Justin de Dios either SB19's image. This is only the work of authors imagination. • ⚠️