Eya POV
Matapos ang lahat ng klase ay dali daling nagsiuwian ang mga estudyante. Tumambay muna kami ni leigh sa may room ng sandali dahil alam nyang ayoko makisiksik sa madaming tao.
"Te san lakad mo ngayon" tanong nya habang naglalagay ng kolorete sa kanyang mukha.
"Wala. Uuwi na siguro ako."
"Eya sinasabi ko sayo magiwas ka sa gulo." Nagsimula na syang manita magtutuloy tuloy na yan. "Ako ang kinakabahan sayo. Bakit ba hindi ka nalang kasi umiwas kayang kaya mo naman."
Huminga ako ng malalim.
Sinabi ko lang na uuwi na siguro ako kung ano ano ng pinagsasabi neto.
"Gulo agad ang nasa isip mo at tsaka Gulo ang mismong lumalapit sakin hindi ako. Tsaka pwede namang kaibigan ang makasalubong ko hindi gulo." Sagot ko sa kanya
"Ang tigas mo mukha mo! Kaming dalawa lang ni mor ang kaibigan mo! Ano haharangin ka ng baby loves ko? Kapal neto." Sininghalan nya ako.
"Wala kang kwentang kausap!" Bigla nya pang sigaw. Tignan mo to sinasagot na nga sya ako pa tong walang kwenta.
Pagkatapos nyang may ayos ng sarili ay tumayo na kami at naglakad papalabas ng school.
"Wala pa sundo mo?" Tanong ko.
"Oo antagal. Ikaw? Asan motor mo?"
"Pinaayos ko. Kaya maglalakad nalang muna ako. Oh ayan na sundo mo." Tingin ko sa kotseng paparating.
"Oh sya sya. Isasabay na kita."
"Hindi na. Anlapit lapit lang ng bahay ko." Totoo ay malayo. Kingina kapag nahanap ko yon ibabato ko sa kanya yung motor kong sinira nya.
"Eya dali na maggagabi na at tsaka anong malapit ha!?." Tinignan ko nalang sya at padabog syang sumakay ng sasakyan. Binuksan nya yung bintana at tumingin sakin.
"Makikita mo pako bukas. Makakauwi ako ng maayos lei. May bangas man pero kompleto parin parte ng katawan" Nakangising sabi ko. Tinaasan nya naman ako ng kilay at tumango din naman sya "okay! Ano pa bang magagawa ko? Magingat ka! Aalis na kami." Pagpapaalam nya kaya tumango ako.
Naglakad lakad ako sa madidilim na parte ng kalsada habang kunwaring nakikinig ng musika mula sa earphone ko.
"Ano ba!"
Napahinto ako at bumalik sa kantong nalagpasan ko para tignan kung anong meron doon at may sumisigaw na tao.
"Aba mayabang ka!" Sigaw nung lalakeng may hawak ng tubo. "Baka gusto mong ihampas ko to sa bungo mo!" Dagdag pa nya habang tumatawa ang mga kasamahan.
"Ano bang kailangan nyo sakin!?" Sigaw na tanong nung lalakeng nakasandal sa kanyang kotse. Pumwesto ako sa may poste ang dating e parang spotlight ko yung ilaw dahil nakatutok lang ito sakin para akong bida at sila ang mga kaaway. Tsh
"Hindi ka naman kasali sa away nila paano ka magiging bida." Kontra ng isip ko.
"Nandito lang kami para magsaya! diba!?" Tanong nya sa mga kasama nya at nagtawanan sila. Bakas ang takot sa mukha ng lalake habang nakikinig sa kanila. Kung titignan ang kabuuan neto matangkad payat malinis ang pananamit maganda ang kotse halatang mayaman to kaya napagtripan din ng mga gunggong.
"Boss ano simulan naba natin? Nakapag stretching na ko" tanong ng kasama nilang kalbo halata sa mukhang laban na laban na sya.
Napapailing ako sa nakikita ko.