Dohan POV
Nandito kami ngayon sa Gym dahil may practice kami ng basketball. Magkakampi kami ni Henry habang magkakampi naman sila Asher at Jaxon.
Sa ngayon nakila asher ang bola at inaagaw yon ni henry habang ako e nakaharang kay jaxon pero ilang sigundo lang ang lumipas ay nahampas ng malakas ni henry yung bola nagmala slowmotion ang datingan ng makita naming tatamaan yung babae pero laking gulat namin ng nasalo nya yung bola ng isang kamay lang at inihagis eto pabalik saamin.
Psh.
Agad na lumapit sila henry kaya sumunod ako sa kanila. Di naman nasaktan yan.
"Sorry hindi namin sinasadya." Pagpapaumanhin ni henry. Tinanguan lang sya neto at umalis na.
"Wew" sambit ni asher kasabay ng paghinga ng malalim.
"That was so close men! Paano nya nasalo yon?" Namamanghang sabi ni jax. "She's really awesome" dagdag pa nya.
"Cool" nakangiting sabi pa ni henry.
Anong cool don?
Dumating ang hapon sya parin ang usapan ng tatlong ugok na to.
"Crush nyo ba yon?" Tanong ko sa kanila
"Ako hindi humahanga lang kasi ang galing nya" asher
"Ako, mahal ko na ata" jax at sabay syang binatukan ni asher at nagtawanan sila.
"Bat ba inis na inis ka don dohan?" Tanong ni henry
"Oo nga para namang may ginawa yon na mali sayo." Asher.
Napaisip naman ako bukod sa naging sagutan namin sa field e ano nga kaya ang kinaiinisan ko don? Basta makita ko lang ang mukha nya nababadtrip nako iba yung pakiramdam. Nanahimik ako dahil wala akong maisagot.
"Kalimutan mo na yon dre. Dahil sa kanya nakauwi pako ng buhay dito" jax.
"Hindi lang talaga maganda ang tingin ko sa kanya. Tara na at may race pa mamaya." Sagot ko sa kanilang lahat. Nauna nakong lumabas ng tambayan at naglakad paparking lot kanya kanyang sumakay ng kotse.
*ting*
1 message received
"Dre, dederetso nakong airport. Ill message you later pagpapunta nako ng venue."
Nilingon ko ang kotse nya at nakita kong kumaway sya at umiba ng daan. 1am pa naman yung race mahaba haba pa yung oras.
——————————————————————
Eya POV
Nakaupo ako ngayon dito sa motor ko. Maayos at mukhang bagong bago na sya.
Namiss kita. Hayaan mo lintik lang ang walang ganti.
'Alassyete na pala'
Pinaandar ko yung motor ko at pumunta sa venue. Napailing nalang ako ng makita kong paakyat sa gilid ng bundok gagawin ang kakera.
Seryoso ba sila dito. Tsh.
"Hmm aga mo a" hindi man ako lumingon e kilala ko na kung sino to. Ngumiti ako at humarap sa kanya kasabay ng pagtutok ng maliit na kutsilyo sa gilid ng leeg nya.
"Leo"
"Hahaha easy Eya" sabay ng pagtaas ng dalawa nyang kamay nakita kong may baril tong hawak sa kaliwang kamay.