CHAPTER 1: The Beginning

15 1 0
                                    

🎵 I don't know how I should say it 🎶
🎵In my mind, it's every word🎶
🎵That they don't wanna hear🎶
🎵I don't know how they might take it 🎶
🎵Maybe you can take the pressure 🎶
🎵And make it disappear 🎶
🎵Throw out the inhibition 🎶
🎵You make me feel a feeling that I've never felt before 🎶
🎵I don't know if they're gonna like it 🎶
🎵But that only makes me want it more 🎶

🎵'Cause I'm nobody's but yours 🎶

"Hoy! Ba't nangingiti ngiti ka jan?" Tanong ni mama.

"Wala, may naalala lang ako." Sagot ko.

"Naalala.. Maghugas ka ng pinggan dun!" Utos ni mama.

"Mamaya na... Di naman mawawala yun dun eh." Sagot ko.

"Pag yan talagang hugusan inabot ng gabi yan sa lababo, itatapon ko yan, magpinggan kayo sa dahon ng saging." Mama.

"Baka may dahon ng saging." Pabirong sagot ko.

Si mama talaga, ang hilig mag utos.
Ba't kaya ganun yung mga nanay natin no? Pwede naman nilang gawin, ba't kailangan pa nilang iutos?

Anyways, ako nga pala si Toppher Nickmann pero tawagin niyo nalang akong Topp for short. Kakaiba yung pangalan ko? Hindi ko rin talaga alam kung bakit eh, sabi ng tita ko German daw ang tatay ko kaya ganyan pangalan ko pero ewan ko, di ko pa kasi siya nakikilala eh, sabi ng mama ko namatay daw siya nung baby pa ko. Pero wala namang pinakitang picture ng tatay ko si mama.

Anyways, 19 years old na pala ako at nag-aaral ako ng college sa hindi naman ganun kasikat na university, public university lang siya around the metro pero di ko na sasabihin kung anong name ng school baka hanapin niyo pa ko eh 😅 haha, I need some privacy you know hahaha 😂. BSBA ang course ko marketing ang major, tatlo lang kasi major ng BSBA samin, accountacy, finance at marketing at since hindi naman ako magaling sa math, and I hate math, kaya nag marketing nalang ako pero ewan ko ba marketing ang major ko pero may mga subject parin kami na accounting at financial management, so ano pa palang rason bakit ginawan ng majors kung pagaaralan rin naman pala lahat? Ewan ko, sabi pag dating daw ng 3rd year college naka focus nalang kami sa marketing pero kumusta naman, 3rd year college na ako at second semester na pero may subject parin kaming fundamentals of accounting at business finance, though tatlo ang marketing subjects namin.

Marami akong talent, mahilig akong kumanta, sumayaw, mag drawing at magsulat kaya nga writer ako eh, ako yung nagsulat ng story na ito. Pero pinaka favorite ko talagang gawin ay kumanta at makinig ng music every free time ko. Nakaka bored kasi pag walang ginagawa sa bahay pero syempre charr lang, siyempre tumutulong parin naman ako sa mga gawaing bahay, di naman ako palamunin lang no! Nagsasaing ako, naghuhugas ng pinagkainan pero di ako marunong magluto, naglilinis rin ako ng bahay tuwing sunday at naglalaba ko ng damit ko, oo damit ko lang, kaniya kaniya kaming laba dito pero yung kapatid kong bunso, mama ko naglalaba ng damit niya, elementary student palang kasi yung kapatid ko.

*Back To Reality*

Kamusta na kaya siya?
After ng nangyari kagabi, di na siya nagparamdam ah?
Di na siya nagchat or nagtext man lang.
Text ko nga siya.

From: Me
To: Nicko

Hi! Kamusta?

Status: Message sent!

Sana magreply siya agad.

*a few minutes later*

Hindi siya nagreply? Baka wala siyang load.

Try ko ngang tawagan.

Calling... 09**-***-2143

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try your call later..."

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon