CHAPTER 4: Money Matter

0 0 0
                                    

"T-topp..?-"

Tumingala ako mula sa pagkakatungo at pinunasan ang mga luha sa mukha ko at tinignan kung sino ang tumawag sakin. Si Mark Joshua pala, kapit-bahay namin, silahis siya. Silahis in a way na may gf siya pero medyo malambot siya gumalaw tsaka bakla kasi ang tawag sa kaniya ng mga kababata niya na kapit-bahay namin but since may gf siya, tingin ko silahis lang siya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nakita ko yung nangyari." Sagot ni Mark Joshua (MJ)

"Eh, ano naman sayo?" Sarcastic na tanong ko.

"Narinig kong pinag-uusapan ka kanina nila Jason." Sagot niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Pinaguusapan ako nila Jason kanina? Nino? Sinong kausap niya? Mga tropa niya? So, alam ng mga tropa niya na mag-jowa kami ni Jason? Hindi kaya sinabi niya sa mga tropa niya ang nangyari samin?

"Narinig ko na pinagti-tripan ka lang ni Jason, na pinagpustahan ka lang nila ng mga tropa niya kung magkakagusto ka sa kaniya at pera lang daw ang habol niya sayo." Dagdag pa niya.

Nagulat ako sa sinabi ni MJ. So, all this time, niloloko niya lang pala ako? Na kaya pala everytime na magkikita kami, lagi nalang siya may naiisipang bilhin, ako naman tong si tanga, bigay ng bigay. Kaya pala. Kaya pala tuwing sabado lang kami nagkakausap dahil hindi naman talaga niya ako gusto, na pera lang ang habol niya. Ang tanga mo Topp! Ang tanga-tanga mo!

Napatungo ako sa kinauupuan ko at nagsimula ulit na maluha. Umupo si MJ sa tabi ko at hinilab ang likod ko.

"Okay lang yan, alam ko masakit. Ilabas mo lang."

Tumahan ako mula sa pagiyak at tumayo. Umalis na ako at iniwan si MJ sa plaza. Umuwi ako at nagkulong sa CR ng mahigit isang oras.

"Topp, anong ginagawa mo jan, ba't ang tagal mo? Mag-iisang oras ka na jan ah?" Tanong ng mama ko.

Pinunasan ko ang luha ko at naghilamos para di halata na umiyak ako. Lumabas na ako sa CR at humiga sa kama.

"Ba't ang tagal mo sa CR, anong ginawa mo?" Tanong ni mama.

"Tumae ako!" Pabalang na sagot ko.

Binuksan ko ang messenger sa phone ako nag chat kay Jason just to know the f*cking truth! Sakto namang naka-online siya, sana magreply siya.

*Messenger*

From: Me
To: Jason
Message: Ano bang meron, Jason?

From: Jason
To: Me
Reply: Sorry

To: Jason
Reply: Sorry? Sorry for what? Ano bang totoo?

To: Me
Reply: Sorry kung nasaktan kita.

To: Jason
Reply: Yun lang? Yun lang ang sasabihin mo? Tapatin mo nga ako, minahal mo ba talaga ako?

To: Me
Reply: Napagkatuwaan lang naman namin eh, hindi ko sinasadya na umabot tayo sa ganito.

To: Jason
Reply: Napagkatuwaan? Napagkatuwaan niyong manakit ng damdamin ng ibang tao?

So, totoo nga, tama nga si MJ, pinagpustahan lang nila ako. Pinaglaruan lang nila ako.

To: Me
Reply: Wala naman kasi talaga akong balak makipagkaibigan sayo. Pinilit lang ako ng mga tropa ko, tinignan lang nila kung magkakagusto ka sakin. Ang tagal mo na kasing nakatira dito satin pero wala kang kaibigan.

To: Jason
Reply: So, yung mga nangyari satin? Ano yun? Pati yun kasama sa plano niyo?

To: Me
Reply: Hindi. Sabi lang nila, manghingi lang daw ako ng pera sayo para may pang computer kami pero, tingin ko hindi mo naman ako bibigyan ng pera ng walang kapalit eh kasi ganyan kayong mga bakla diba, gusto niyo may sex na kapalit para magbigay kayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon