Chapter 3: I hate this feeling..!!Urrrggh

46 0 0
                                    

Chapter 3

[SYLVIA'S POV]

Di namin inaasahan na mahihimatay kanina c Precious..anu ba naman, kahit na kailan di pa nangyari na mahimatay siya sa isang lalaki kahit gaano pa yan ka gwapo..pero nagulat kami sa nangyari kanina. Ayan, hindi natuloy ang date dahil sa nangyari, sayang naman..hmmmmmmpt. (>.<)

Pero ok lang, marami pa namang time para makapagdate sila..eeeehhhh.. talagang kinilig kami kanina kay Jade..sobrang gwapo niya kasi, yummy pa..hahahha...kung wala lang talaga akong boyfriend ay naku ibibigay ko self ko sa kanya..hehehe.. Echos lang. Hindi ko naman yun gagawin noh. Anu ako??hello?? hindi naman ako ganun ka desperada. Saka kay Precious na yun, hirap naman kasi dito sa friend namin ayaw sa boys pero ngayon parang hindi na. Feel ko na na magkaka-boyfriend na rin ang friend namin na NBSB.

Ngayon nasa clinic pa kami..daldalan pa kasi kami ng daldalan dito. Nagtataka na yata yung mga lalaki dun sa labas kung bakit kami matagal lumabas ee gising nanaman si Precious.

"Sandali mukhang kailangan na nating lumabas ngayon..gumagabi na oh!! naku baka ano ng isipin nung mga lalaki dun sa labas kaya tara na at umuwi na noh." nakapamiwang ko pang sabi.

 "Ayyy, oo nga pala kailangan na nating umuwi kasi gumagabi na oh..naku papagalitan nanaman ako ng nanay ko nito..kaya tara na, tumayo ka na dyan Precious.!!" Natataranta na si Mariz, habang nakatingin na sa orasan.

"huhuhu..panu to??nahihiya talaga akong lumabas?." Ayaw pa talagang lumabas ng babaeng to kahit gumagabi na. Anong gusto niya, maiwan siya dito mag-isa.?

"Hoy Precious, kami kailangan ng umuwi, kung ayaw mong lumabas edi dito ka na basta kami uuwi na noh..iiwan ka na namin dito baka pagalitan kami nito kasi late na kaming makakauwi." Pagtataray ko sa kanya.

"Sige na nga lang, ayoko naman magpaiwan dito noh..saka hinahanap na rin ako nito sa bahay panigurado. Bahala na nga, haharapin ko nalang siya."  Ayan naman pala uuwi din naman ee..ito talaga si Precious.

"Oh tara na, wag ka nang mag-alala. Mabait naman yan si Jade saka tutulungan ka namin." Ngiting-ngiti na si Ella.

Tumayo na si Precious, papalabas na kami ng clinic at papalapit na kami kina Jade. Kitang-kita ko kung pano titigan ni Jade si Precious..naku!! tagos hanggang buto. Baka mahimatay nanaman si Precious nito. Anu ba naman sobra kong makakatitig si Jade ee kung ako nga dito kinikilig na. Excited na talaga ako sa mangyayari sa kanilang dalawa. Para kasing may Spark eh..Basta bagay na bagay talaga silang dalawa..hehehehe

[PRECIOUS' POV]

Papalapit na kami kina Jade. Titig na titig siya sakin, may dumi ba ako sa mukha?? wala naman silang nasabi sakin kanina kong may dumi ako sa mukha pero grabe naman ako titigan ng isang ito. Kinakabahan ako lalo.

Nang makalapit na kami, agad akong huminto sa harap niya at nginitian siya. Kahit naman di ko maipaliwanag itong nararamdaman ko ngayon at kahit na parang hihimatayin nanaman ako ay dapat ipakita ko na ok na ako at kailan mahinahon ako para makapag-isip naman ako ng mabuti, hindi yung mas lalo akong mapahiya dahil sa nangyari kanina. Ayoko na talagang maulit yun baka di na talaga ako magpakita dito saa school.

"Ahm thank you nga pala huh? sa pagbuhat at pagdala sa akin dito sa clinic." Mahinayon ngunit nanginginig ko na sabi kay Jade.

"Ano ka ba, walang anuman yun noh..Ok kana ba ngayon huh?." May halong pag-aalala sa mukha niya.

"Ahhh oo naman, sige kailangan na naming umuwi ee. Gabi na baka hinahanap na kami sa amin. Thank you talaga saka sorry na rin kanina. Hindi natuloy yung date natin." Sinasabi ko yan habang yung mga kamay ko ay nasa likod ko at pinipisil na iyon dahil sa sobrang kaba.

"No problem.. may ibang time pa naman ee.. Pwede pa nating ituloy yung date, hmmmm bukas?? ok ba sayo huh??." Nag-smile siya sakin ng ubod ng tamis, naku nakakalaglag panty huh?/

Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Sylvia. Kahit kailan oo di ako makapagdesisyon na yung akin lang. Gusto ko pa naman sabihin na busy ako bukas at hindi ako pwede. Hindi naman sa ayokong makipagdate kay Jade. Oo, isa yun sa mga dahilan pero sa totoo niyan busy naman talaga ako. Marami kasi akong gagawin na projects at kailangan ko pang mag-aral kasi malapit na exam namin.

"Oo pwedeng-pwede si Precious bukas, diba precious??diba? hindi ka naman yata busy ee saka kailangan niyong mag-date na kasi di natuloy yung date niyo ngayon kaya bukas nalang ituloy ang saya." Putek.. May nalalaman pang pa kindat-kindat sa akin tong si Sylvia. Hindi na ako pwedeng umayaw pa nito. huhuhuhu 

"Ayos, sige hintayin kita bukas huh? Dun parin sa lugar kung saan nahimatay ka. Maghihintay ako sayo hanggang matapos ang klase mo. Asahan kita bukas na dadating ka." Titig na titig na si Jade.

"Hmmm..sige dadating ako. Sige alis na kami huh??"

"Hatid na namin kayo. Baka kasi mapano pa kayo ee." Si Elvin John nakisingit na.

"Ahhh..Wag na, kaya na namin sarili namin. Lapit lang naman bahay namin ee, wag na kayong mag-alala. Sige bukas nalang. Bye.!!" Paalam ko, sobrang nakakailang na kaya. Grabe ayoko na talaga nito. 

Ayun mabilis akong naglakad papuntang gate. Ayoko ko ng magtagal pa dito mas lalo lang akong kinakabahan saka ayoko ng ganitong feeling. Parang kinikilig ako na iwan ee. Paano na to bukas, hihintayin nyah talaga ako?? Naka.oo na ako at ayoko naman umatras kasi lagot ako sa mga kailbigan ko. Baka ano na rin sabihin ni Jade kong di ako sisipot. Bahala na nga. Kakayanin ko ito bukas.(T__T)

(A/N: Sorry po kung sobrang ikli lang at di masyadong maganda. Ngayon lang po ulit ako nka pag UD dahil sa dinala ni papa ang netbook ko again at ngayon lang ibinalik sa akin. Kaya sana po pagpasensyahan nyo nalang ang na kaya ko.)

Comment po kayo para naman po ganahan akong magsulat. (^_^)

_Jha9ann_

You and Me ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon