Chapter 5: Love?? OhhmyGassshhh..

28 0 0
                                    

Chapter 5

[JADE'S POV]

Ilang araw na din ang nakalipas nung unang date namin ni Precious. Sobrang saya ko nun na natuloy din ang date namin. As in, sa lahat ng nakadate ko si Precious lang talaga ang kakaiba. Kakaibang saya ang nararamdaman ko pagnakikita ko siya. Lalo na kung kasama ko siya.

Araw-araw ay nagpupunta ako lage sa room niya pag breaktime ko o pagkatapos ng klase. Sinisilip ko siya lage. Parang stalker na nga nya ako. Take note huh? Stalker na gwapo..!! Ayun oh..hAhahaha..!!

Pero aminin nyo gwapo naman talaga ako diba? Dami ngang mga gurls sa school na gusto ako makadate at maging boyfriend. Sila pa nga itong gumagawa ng first move sa akin. Grabe talaga ang karisma ko. 

(Sige kaw na Jade ang gwapo, la na akong masabi. Yabang talaga nito. Cute ka lang no.)

"wui author wag ng epal diyan. Mag-isip ka nalang ng paraan para masolo ko si Precious ok.?"

(hayy naku!! Tumigil ka nga at ito nga nag-iisip ako. Sige ka hindi ko to tatapusin..whahahaha)

"Ang sama mo talaga miss author. Wala kang kwenta..hahahaha"

(Aba-aba..Sumasagot ka na sakin huh?kung di dahil sakin di kayo magkakadate ni Precious)

"Ai sorry na miss author, peace na tayo. Sige balik na tayo sa reality.hehehe"

Sa mga nakaraang araw, lagi na kaming dalawa lumalabas, para kumain. Date na rin.!! Nagtetext sa isa't-isa. Sa katunayan, close na kami. As in friends, pero alam ko, di rin magtatagal at darating din yung time na mapupunta rin to sa next level.

Ngayon uwian na namin so lunch time na. Papunta na sana ako sa room nila Precious para ayain siya para sabay na kaming maglunch ng makita ko si Precious kasama ang mga kabarkada niya. Nakita ko rin na may ka hug siyang ibang lalaki. Tunguna lang huh..Bakit may kaakap siyang ibang lalaki at sino naman yun?? sarap bangasan men.

Lalapit na sana ako ng magsimulang maglakad sila palabas ng school. Saan naman sila pupunta? At masaya sila huh? Ano to? Nirereto ba siya ng mga kaibigan niya sa ibang lalaki habang nirereto din nila ako?? Grabe na huh? at close na sila nung lalaki, ee dihamak na mas gwapo, hot at maappeal ako dun.

Oo, aaminin ko im jealous!! Mahal ko na si Precious. Natamaan na ako sa kanya. Unang kita ko palang ay nabihag na nya ang puso ko. Love at First Sight mga dude.

Di ko na nagawang sundan sila. Ang sakit ee, ayaw ko naman magkaeskandalo kasi sure ako na paglumapit pa ako sa kanila ay di ko na macontrol ang sarili ko at masira ko pa ang mukha ng lalaking yun. Kainisssss!!!

"oh pare, anong tinutunganga mo diyan huh? At bakit ganyan na mukha mo parang papatay ka na??" si kevin na bigla akong inakbayan.

"Wala, bad mood lang dude." nakatingin ako kung saan dumaan sila Precious pero di ko na sila nakita, mukhang nkalabas na sila ng school.

"oh bat ka naman bad mood dyan? kala ko ba pupuntahan mo si Precious para sabay na kayo maglunch. Oh asan na siya ngayon?". kevin

"Umalis na, kasama yung mga kaibigan niya at may kasama pa silang pangit na lalaki na di hamak na mas gwapo ako." Talagang naiinis ako. Ako dapat kasama ni Precious ngayon.

"Ayun oh!!! nagseselos ka noh??Di bagay sayo pare..HAHAHAHAHA..!! Naku, pinagtatawanan lang ako ni kevin.

"Tumigil ka na nga..mas lalo lang akong naiinis ehh!!". Sabay tanggal sa kamay niya na nakaakbay sa'kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You and Me ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon