Chapter 4: This is it..AJA!!!

72 1 0
                                    

Chapter 4

[PRECIOUS' POV]

Riiiiiiiinnnggggg...Riiinnnnggggggg...Riiiiinnnnnnnnggggggg..

(sound ng alarm clock, di po yan tunog ng telepono kaya walang eepal dyan huh??hehe)

Nagising ako sa tunog ng Alarm clock na nasa side table katabi ng kama ko. Agad ko tong kinuha at ini.off at binalik kung saan ito nakalagay. 

Mag-aalas kwatro pa ng madaling araw pero kailangan kong bumangon ng maaga kasi naman kailangan ko pa mag-aral at gumawa ng report ko sa first subject namin..Hindi kasi ako nakapag-aral kagabi gawa ng hindi mawala-wala sa isip ko yung nangyari kahapon. Pag minamalas ka naman. 

Nasa 3rd year college na ako sa kursong Tourism. Gusto sana ng parents ko na ang kunin ko ay yung mga Business Courses para ako na mamahala sa negosyo namin. Kaso gusto kong maging isang Flight Attendant kaya walang nagawa sila mommy at daddy kundi pagbigyan ako sa gusto kong kurso. Saka andyan naman ang kuya ko, yakang-yaka na niya iyon.

Lapit na mag 6pm ng matapos ako mag-aral at gawin ang report ko. Naghanda na ako ng damit na susuotin ko pagkatapos kinuha ko ang tuwalya at pumasok na sa banyo. Nang matapos na akong maligo agad kong sinuot ang hinanda ko kaninang damit at pagkatapos inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko sa school.

Sakto naman na patapos na ako sa pagliligpit at pag-aayos ng sarili ko ng kumatok si manang Melba. 

Tok..Tok..Tok..!!

"Iha, tapos ka na ba diyan huh?? nakahanda na ang pagkain sa kusina, bumaba ka na diyan. Nandun na sila sa baba ni Sir ikaw nalang ang hinihintay" Manang Melba.

"Opo manang, bababa na po ako, thank you po manang." tugon ko kay manang.

"Sige iha, walang anuman." sabi ni manang saka umalis.

Nagsuot muna ako ng sapatos saka ako lumabas sa kwarto at bumaba sa hagdan papunta sa dining table. Nandun na rin sila mommy at daddy saka yung dalawa kong kapatid, si Kuya Karl at bunso namin na si Dianne. Ako nalang pala ang hinintay nila.

"Good morning..!! Bat di pa kayo nagsisimulang kumain? sana di nyo nalang ako hinintay." Nilapitan ko sila at isa-isang hinalikan sa pisngi. Pagkatapos umupo na ako sa pwesto ko.

"ano ka ba naman anak, kailangan sabay-sabay tayong kumain noh!! Gusto namin ng daddy mo na kompleto tayo." si mommy ko.

"Kayo talaga, ang sweet niyo kaya napaka swerte namin at kayo ang naging magulang naming magkapatid." sabat naman ni kuya karl

"oh sya kumain na tayo at baka malate pa kayo sa school at kami din ng mommy nyo baka malate din kami sa meeting." sabi ni daddy samin at agad naman kami kumain.

Pagkatapos namin kumain ay hinatid na kami ng driver namin sa school. Sila mommy at daddy naman ai may sariling sasakyan. Pagkadating ko sa school, naghiwalay na kami ni kuya. Pareho kami ng pinapasukan na school. Nasa 4th year na siya at malapit na maggraduate. Si Dianne naman ay nasa high school pa at iba ang school niya. Dinaan na namin siya kanina sa school niya bago kami hinatid sa school namin ni kuya.

Agad-agad akong nagtungo sa room namin. Habang papalapit ako sa room ay bigla akong napahinto. Nakaramdam nanaman ako ng kaba. Ano ba naman to sobrang aga pa para makita ko agad siya. Nakakaloka na huh?? Nakita ko nanaman ang makalaglag panty na ngiti niya. Gosh.!! Hindi ko alam ang gagawin ko, ngingitian ko rin ba siya..? Urrrrrggg..

Di ko namalayan nasa harap ko na siya, paano siya nakalapit sa akin ng diko namamalayan?

"Good Morning Precious.!! How are you??." 

You and Me ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon