Chapter One - 2nd time

51.2K 820 24
                                    

Alex

"Mga baklita narinig na ba ninyo ang latest tsismis." nakapamaywang na bungad ni Jeremy sa kanila ni Mitch.

Si Jeremy at Mitch lang ang tanging kaibigan niya sa company kung saan siya nagtra-trabaho. Sa isang Advertising Agency siya nagwo-work as Assistant to the Manager. Si Jeremy ay isang gay pero hindi pa nito magawang maglantad at tanging sila lang ni Mitch sa company ang nakakaalam. Ang pamilya nito ang isa sa mga dahilan kung bakit tago pa rin ang totoong pagkatao nito. Kung titingnan naman ito ay hindi agad masasabi na may dugong berde dahil sa magandang pangangatawan nito at mala-anghel na mukha. Sa katunayan nga ay marami ng babae ang sumubok na kumuha ng attention nito pero lahat ay nabigo. Sinasabi na lang nito na may girlfriend ito na nasa malayo para lang hindi makahalata ang iba. 

Naalala pa niya noong bago palang siya, sobrang naiilang siya rito kasi lagi itong nakatingin sa kanya. Ang buong akala niya ay may gusto ito sa kanya pero laking gulat niya ng isang araw lapitan siya nito para lang tanungin kung anong shade ng lipstick ang gamit niya. Halos maloka siya at hindi makapaniwala sa pangyayaring 'yon. Ito kasi 'yong tipo ng lalaki na makalaglag panty ang kagwapuhan kaya hindi siya makapaniwala kahit hanggang ngayon. Minsan nga ay binibiro nila ito na nakakapanghinayang ang lahi niyo at natatawa lang ito sa kanila. 

Si Mitch naman ang unang tao na kumausap sa kanya noong first day niya. Napaka-friendly at madali ito makagaanan ng loob kaya naman hindi siya nahirapang pakisamahan ito. Prangka, masayahin at mabait itong tao. Marami rin silang bagay na common kaya naman magkasundong-magkasundo sila. 

"No idea." maikli at halos walang ganang sagot niya sabay pikit ng mga mata. 

Antok na antok pa siya dahil sa ilang araw na pagbabantay niya sa hospital. Nanganak kasi ang panganay niyang kapatid na si Ate Alexandria at cesarean ito kaya nagtagal ito sa hospital. Ang isa naman niyang kapatid na si Ate Sandra ay umattend ng kasal sa Bohol. Hindi naman niya ugali ang mag-absent kaya dinadaan na lang niya sa pag-inom ng kape as in maraming kape. Hindi pa man nag-uumpisa ang trabaho niya ay nakaubos na siya ng isang malaking tumbler na kape at ngayon ay nangangalahati na ang ikalawa niya. 

"Hay naku, na sense ko na naman friend 'yang pagiging outsider mo." bulong ni Jeremy na nakataas ang isang kilay.

"Dahil hindi mahilig sa tsismis ay outsider na agad hindi ba pwedeng hindi lang interesado 'yong tao." natatawa niyang sagot.

"Paano ba naman friend may Facebook ka nga hindi mo naman ginagamit, wala kang twitter or Instagram man lang. Kami pa nga ni Jeremy ang gumawa ng account mo sa Facebook na malamang ay inaagiw na. Ikaw na lang ata ang kilala ko na ganyan Alex, daig na daig ka pa nga ng Lola ko." dugtong ni Mitch.

"May skype naman ako, hindi ba counted 'yon?" nakangiting pagdedepensa niya at tumawa lang ang dalawa.

Aside sa Bestfriend niya na nasa ibang bansa kung saan ay nakakausap niya sa skype wala naman siyang iba pang kaibigan. Kontento na siya sa tatlong kaibigan niya at hindi niya kailangan ng maraming kaibigan. Hindi niya maipaliwanag pero hindi niya nakahiligan ang gumamit ng kahit anong social media. Nagche-check din naman siya ng Facebook kaso para lang makontak ang mga kamag-anak niya na nasa ibang lugar. Hindi rin siya nagpo-post ng pictures at kahit ano pa dahil sa palagay niya ay hindi naman 'yon mahalaga. Sabihin ng old passion siya pero wala siyang pake dahil mas gusto niya ang simple at hindi komplikadong buhay. 

"Oo nga naman may skype ka nga pala na ang list ng contact ay halos anim na tao lang."pang-aasar ni Jeremy na nilakihan pa siya ng mata.

Until we meet again Where stories live. Discover now