Chapter Four - Big Deal

16.8K 440 15
                                    

Alex

Katatapos lang nang meeting nila at nauna ng lumabas ang mga kasama niya. Inayos muna niya ang mga gamit niya bago siya tumayo. Palabas na siya ng office nang marininig niya na nagsalita ang boss nila.

"Ms. Mariano, kindly get me the previous outline that Mr. Sanchez present to Mr. Hernandez before he left," utos nito.

"Okay, Sir." Sagot niya na pinipilit pakalmahin ang sarili dahil iba ang epekto ng boses nito sa kanya.

Kailangan ay sanayin na niya ang sarili sa presensya ni Brandon dahil Boss niya ito. Hindi naman niya ito pwedeng iwasan at nangako siya sa sarili na magiging professional. Ayaw niya na ipakita rito na apektado siya sa presensya nito.

"Mahabaging Diyos, sana po ay kunin na ako ng lupa ngayon na po para hindi na ako makabalik sa opisinang 'yon." Panalangin niya habang naglalakad para kunin ang pinakukuha ng bago niyang Boss.

Kumatok muna siya sa opisina ni Mr. Hernandez at nang marinig ang signal nito ay saka siya pumasok. Pagkabigay sa kanya ng mga folder ay nagmamadali siyang bumalik sa opisina ng Boss niya. As much as possible ay nililimitahan lang niya ang pakikipag-usap dito.

"Relax ka lang Alex. Hinga ka lang ng malalim, huwag kang papa-apekto sa kanya," paulit-ulit na sabi niya sa sarili ng malapit na siya sa pinto ng Boss nila.

Huminga muna siya ng malalim bago kumatok sa office ng Boss nila at nanalangin na sana ay maging okay ang lahat. Sinenyasan siya nitong umupo pagkatapos iabot dito ang dala niya na kailangan nito. Napalunok siya nang saglit na magdikit ang kanilang kamay na agad niyang binawa. Agad din siyang umiwas ng tingin. Kahit saglit lang na nagdikit ang balat nila ay hindi niya maipaliwanag na para siyang nakuryente pero hindi na niya binigyan 'yon ng pansin. Ramdam niyang nakatingin sa kanya ang Boss niya, binabasa ang reaksyon niya dahil sa nangyari. Tumikhim siya para mawala ang bumabara sa lalamunan niya saka umapo, nilabas ang dala niyang notepad at naghintay na magsalita ito.

"Last year the concept of the competition was being BOLD," sabi nito na binigyang diin ang huling salita.

All of a sudden ay bigla siyang nangilabot nang marinig ang salitang 'yon. Hindi niya alam kung paranoid lang ba talaga siya o may iba itong pinapahiwatig. Nagkunwari na lang siya na abala sa pagsusulat.

"This year concept is all about environment and nature like BEACH —" napatigil ito sa pagsasalita dahil nakita nitong nasamid siya.

"Kailangan talagang ito ang maging topic? Bakit parang lahat ng bagay o salita ay may pinapahiwatig ito? Ako lang ba ang nag-iisip ng ganito?" tanong niya sa sarili habang nagsusulat sa notepad.

"For me the best picture that describes nature especially when it comes to beach is Boracay. What you do you think Ms. Mariano?" nakangiting sabi nito.

Dahil sa sinabi nito ay tuluyan na siyang napatingin dito at hindi nga siya nagkakamali dahil nakangiti ito. Hindi niya maintindihan pero naiinis siyang makitang nakangiti ito. Obviously, sinasadya nito bigyan ng ibang kahulugan ang mga sinasabi nito. Hinihintay siguro nito ang magiging reaksyon niya. Agad niyang binalik ang tingin sa notepad saka mariing pinikit ang mga mata.

"Anak naman ng tinapa talaga, bakit ba ganito ang nangyayari. May nagawa ba akong masama para mangyari sa akin ito. Ilang beses na akong himingi ng patawad sa ginawa God." bulong niya sa sarili.

"Are you saying something Ms. Mariano?" tanong nito at sa tingin niya ay aliw na aliw itong nakatingin sa kanya.

"Yes Sir, I think it's a good idea. Hindi naman sila mapipili as one of the most beautiful beach in the world kung hindi sila maganda. But aside sa pinagmamalaki nilang beach we also need to highlight other side of Boracay," sa wakas ay banggit niya ng walang bahid ng tensyon.

Until we meet again Where stories live. Discover now