Falling...

8 0 0
                                    

POV-Bianca Concepcion

Hay. Anong oras na. 4hrs nalang papasok nako. Di padin ako makatulog. Sobrang dami Kong iniisip. Hay nako christian bakit pa kasi kita nakilala eh. yan tuloy di kana maalis sa isip ko. Di kaba napapagod? kanina kapa tumatakbo sa isip ko eh.

3hrs nalang. Hays, mag rereview na nga lang ako para sa Araling Panlipunan. Medyo mahirap lesson Namin ngayon dito pero keribells lang.

Nag alarm na yung Cellphone ko so maliligo nako. Ayoko magpalate gusto ko sya makita ng maaga. Para umaga nalang buo na araw ko. Maygawwwwd. Emsomelendew.

laging Gawain bago pumasok. Maligo, toothbrush, kumain, magdamit at maghanda na para pumasok. paglabas ko ng gate nakota ko may nakaupo. "Ha? Sino to?" sabi ko. pagtayo niya at pagharap si Christian pala. "Oh anong ginagawa mo dito christian?" sabi ko. "Ah... Ehh. Ihahatid ka sa school sabay na tayo pasok wala kasi akong kasabay eh" sabi niya.

Hanudaaaaaaw? Medyo namula ako dun ah. Emsewkeneleg. Ayoko na, wag ka namang ganyan. Masyado kang paasa eh. wag ka magpaasa. hays ako ba tong sinasabi ng isip ko. Tama na nga.

Naglalakad na kami ni Christian para sumakay ng bus papuntang school. ilang minuto na kami nag aantay pero wala pading dumadating. "gusto ko nang pumasok sa school at baka malate na naman tayo" sabi ko. "Ayos lang yan. Anong bahala pag nalate tayo" sabi nya. "sabi mo yan ah" sabi ko. "Oo promise" sabi nya.

POV- Christian Delos Santos

Haynako. wala pading bus. To be honest dito ko talaga siya dinala para maglakad nalang kami. para mas mahaba yung moment na makasama ko siya. kasi Alam kong sa school di kami masyadong makakapag pansinan.

wala naman talagang dumadaan na bus dito eh. Gusto ko lang talaga siya makasama. Hindi ko alam, basta Simula nung nangyari yung kahapon gusto lagi ko na syang nakikita at gusto lagi ko siyang nakakasama. Hindi ko alam. Love at first ba'to? Sanaaaaaaa.

Di ko alam. Basta para siyang turnilyo na umiikot na nga sa isip ko bumabaon pa sa puso ko. Maygawwwd. Emsokerneeey. "Bia, tara lakarin nalang natin" sabi ko. "Oo nga eh. wala atang dumadaan dito na bus eh" sabi nya. Wala along imik. gusto ko tumawa ng malakas kaso baka sabihin nya pinagtritripan ko lang sya.

Naglalakad na kami papunta sa school nang bigla siyang matapilok. "Ouchhhh. yung paa ko" sabi nya. "Ano ba yan kasi eh.  Maglalakad nalang tatanga tanga pa. mag ingat ka nga!" sabi ko. Ang tanga naman. Lampa. pero kahit ganon crush ko padin sya.

"kaya mo ba tumayo?" sabi ko. pinipilit niyang tumayo pero di nya magawa. "Tara buhatin na kita hanggang school" sabi ko. "Kaya mo ba HAHAHA?" sabi nya. Tinaas ko yung sleeves ng uniform ko sabay sabi na "Ito? Ito ba yung sinasabi mong di ko kaya?" tignan mo muscles ko.

"Ang bigat mo!" sabi ko. Magdiet ka naman. Sumimangot siya at nagpababa. "Ibaba mo na nga lang ako. Nakakainsulto ka" sabi nya. "Hala. Hindi ka naman mabiro, sorry na" sabi ko.

POV- Daniel

Nakita ko sila ni Christian. Ang saya saya tignan ni Bianca nung mga oras na yun. Ako nga pala si Daniel. Best friend ni Bia. Parehas kami ng mga gusto sa buhay. Isa nga lang ang Hindi. Ako Gusto ko siya pero siya di niya ako gusto. Hanggang kaibigan lang talaga tingin nya saken.

Dumating minsan yung time na aamin na Sana ako kaso bigla siyang nagsabi na may gusto daw sya sa College student na katapat namin nung oras na yun. nawalan ako ng pag asa para masabi sakanya na mahal ko sya. Masakit sa part ko yun.

Sa oras na to feeling ko may magugustuhan na naman siya. At tingin ko so Christian yun. Subukan lang saktan ni Christian ang Best friend ko malalagot sya saken.

POV- Bianca Concepción

malayo pa kami sa school pero di parin nya ako binababa. Feeling ko pagod na to si Christian. Sakto may nakita akong waiting area magpapaupo muna ako dun. Para naman makapag pahinga siya. "ahm. pwede bang upo muna tayo dun?" sabi ko. "Ah, Okay sabi mo eh" sabi nya. nabibigatan sya saken nahalata ko. Hingal na hingal na sya at pawis na pawis. Ang gentleman nya pala talaga.

inabot ko sa kanya yung panyo ko para magpunas sya ng pawis kaso ayaw niya. Sayang yung pawis mo oy. pakipunasan.

"Nasan mga magulang mo?" tanong ko.

"Nasa ibang bansa sila. Dun sila nagtratrabaho" sagot niya. "ikaw? nasan mga magulang mo?" tanong niya.

"Mama ko nasa bahay. Papa ko kumakabilang bahay" sagot ko. You know what I mean guise.

"Mama ko nalang nag aalaga sakin. kami lang dalawa sa bahay." sagot ko. "May kapatid kaba?" tanong ko sakanya.

"Ako? Wala. Only child ako. Ang Lola ko nalang ang nag aalaga sakin" sagot nya.

"I want to be honest with you. Wag kang tatawa a. I promise mo" pahabol ni Christian.

"Ahmm. Ok anong bayun? sabi ko.

"Lola's boy ako." sabi nya.

HAHAHAHA. Lola's boy siya. natawa talaga ako nung sinabi nya yan. di ako makapaniwala. so ayun. aalis na ulit kami at papasok na sa school. Hayzzz.

My Happiness ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon