Chapter 5 : Let go

3 0 0
                                    

"Kring ! "

Kinuha ko ang phone sa gilid ng hinihigaan ko para patayin ang alarm .

As usual dito parin ako natulog sa rooftop .

" What !?  6:15 am na ? "

Late na 'ko .

Bumaba na agad ako para maligo at mag bihis .

Naisipan kong mag polo shirt ngayon , for no reason i want to try it .

Pagpunta ko sa shop ay hingal na hingal ako .

Ikaw ba naman tumakbo ng napakabilis , hinahabol mo pa ang oras .

Pag pasok ko ay andun na sila lahat nag-aayos at may iilang costumer na rin na nandoon .

" Morning sir ! mukhang first time niyo ma late ah "
   Pabirong bati sakin ni Marybell

" Ah oo pagod kase kagabi btw pakidala yung almusal ko sa taas 'di pa kase ako kumakaen. "

" No prob sir , makakarating 'yan. "
 
Napakamasiyahing tao si Marybell 'di ka malulungkot pag kasama siya .

Umakyat naman na ako sa sa second floor at umupo sa pwesto ko .

Maya - maya ay dumating na ang order ko at nagulat ako kung sino ang nagdala nito .

" James ? 'di ba sabi ko 'wag ka na muna pumasok ? "

" Eh sir nakakahiya naman sa inyo , saka kailangan ko rin po kasi talaga kumita ng pera sir eh may sakit kasi 'yung nanay ko."

" As you wish but make sure to  be extra careful this time "

" Oo sir salamat ! "

Pagkatapos ay bumaba na siya para tumulong sa ibang crew .

Sa totoo lang naawa na rin ako kay James , May ibang mahal ang taong mahal niya tapos may sakit pa ang nanay niya.

Sa pagkakaalam ko pa hindi siya nakatapos ng pag-aaral .

Naging napaka busy para sa amin ang mga sumunod na oras .

Napuno ang shop ng costumers ng mga Estudyante na balak mag-almusal bago pumasok sa paaralan nila .

Pag dating naman ng tanghali ay ang ibang mga businessman na dito nagmemeet ng client nila , usually nagtatagal sila rito hangang hapon.

Ang iba din sa mga Estudyante ay dito nagmemeet up or minsan dito na rin naguusap-usap about sa mga projects nila and assignments.

Kailangan lang namin sila patahimikin dahil minsan umiingay sila at ang lalakas pa ng boses ng iba.

Nakakalimutan ng iba na hindi lang sila ang tao rito sa cafe .

Maya - maya at malapit ng mag 5pm ,
bumaba ako upang tignan ang mga crew dahil usually pag gantong oras sa shop wala ng masyadong tao .

" Sir ! "

Tawag sa akin ni Zandra .

" Oh Zandra ? "

" Sir salamat pala kahapon ah na -abala pa kayo "

" Ah ok lang yun , don't mention it "

Nginitian na lamang ako nito at nagpatuloy na siya sa pagtatrabaho .

Unti-unti nang na uubos ang costumer sa shop at mamaya ay naubos na nga ito .

5:35  palang pero wala nang tao , pero we still stick to schedule na 6pm magsasara .

Maya - maya ay may pumasok na magkasintahan sa shop .

Pinag bentahan parin namin sila dahil 'di pa naman 6 pm .

What is Love ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon