// James's Point Of View \\
Mag aalas singko na at wala nang masyadong tao dito sa Cafe. Inaayos ko na 'yung mga bangkuan at lamesa para mabilis ng isara ang cafe mamaya.
Ilang mga tao pa ang dumating at 'yung ground floor nalang 'yung pinagamit nila at maya-maya pa pag sapit ng mga 5:35 ay wala ng costumer sa shop. Sinubukan ko ulit na libutin itong second floor para makita kung naayos ko na ba lahat ng biglang narinig ko 'yung tunog ng wind chimes sa may pintuan sa baba. Ibig sabihin may dumating pang costumer.
Bumaba naman agad ako para sabihin kay sir na ayos na 'tong second floor.
Pero pag baba ko palang sa hagdan ay na gulat ako ng makita ko si Rachel at kasama niya 'yung sinasabi niyang boyfriend n'ya.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Para bang biglang lumakas ang aircon dito sa Cafe.Bigla 'kong nanlamig at biglang tumigil ang paligid. Habang tinitingnan ko sila na masayang nagkwekwentuhan habang tinatamaan sila ng liwanag ng paglubog ng araw.
Pinilit ko na igalaw 'yung mga paa ko at pinuntahan ko kung saan sila nakaupo.
Papalapit pa lang ako sa kanila at nakita na niya 'ko agad.
" Oy James dito ka pala nag tatrabaho? Ah By the way boyfriend ko nga pala. si Henry siya 'yung sinabi ko sayo nung nakaraan."
Masayang bati niya
Kita ko 'yung saya niya na pinapakilala 'yung boyfriend niya sakin. Isang tingin na kailanman hindi ko nakita sa mga mata niya ng kasama niya 'ko.
" Rachel p'ede ba tayong mag - usap?
" Hah? Bakit at saan?"
" Please Rachel 'yung tayong dalawa lang sana kahit ilang minuto please."
"Ah.. sige ahmm Henry pwede bang intayin mo muna kami dito usap lang kami"
Paalam niya kay HenryNginitian lang siya nito. Pagkatapos ay lumabas siya at sinundan ko naman.
Pag dating namin sa labas ay umupo kami sa tabi ng malaking puno malapit sa gubat sa likod ng cafe.
"James parang malungkot ka? ok ka lang ba? Naninibago na'ko sayo nakaraan pa ah?"
""Yung sinabi mo sakin na gusto mong magpakasal kay Henry sure ka na ba d'on? Hindi ba parang sobrang bilis niyo naman?"
" Ah nag aalala ka 'no? Kaya rin ba hindi mo 'ko nireplyan nung nakaraan dahil diyan? James 'di ko pa ata na kwento sayo pero matagal na kaming magkakilala ni Henry. Childhood best friend kami sa totoo lang. Matagal ko siyang hinintay. Kaya ngayon nagkita kami ulit sigurado na ako kanya."
" Pero dati pa 'yun baka nagbago na siya ngayon? Sigurado ka na ba sa ugali niya Rachel?"
" James..Sigurado na'ko"
Tiningnan niya 'ko sa mga mata at ngumiti. Nangungusap na huwag akong mag-alala
" Pero Rachel baka iwan ka rin niyan, sinabi mo na rin 'yan sa'kin ilan beses na eh. Na sigurado ka sa kanila
sa mga dating naging boyfriend mo!"" James please trust me.. i know ilang beses ko ng nasira 'yung tiwala mo pero please i'm really sure this time. At handa akong sumugal para sa kanya."
Kita ko na nangungusap uli ang mga mata niya. Alam kong hindi n'ya gusto ang mga gantong usapan.
" Rachel nasabi mo na ba 'yan kila tita? Baka nag didisisyon ka nanaman ng hindi nila alam?"
" James.. ano.. sasabihin ko palang kasi sa kanila eh 'wag mo na muna sanang ipaalam sa kanila ha. Hahanap pa'ko ng tsempo."
BINABASA MO ANG
What is Love ?
CasualeMeron nga ba talagang taong hindi alam kung paano umibig? Eh halos kahit walang karelation ay alam ang tungkol dito. Pero kung titignan natin ang realidad halos walang impossible sa buhay. Para itong isang malaking palaisipan, kung saan walang kasi...