Chapter 3 : First Day

7 0 0
                                    

// Zandra's Point of View //

Kring !!

Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm ko .

Dali kong tinignan ang cellphone ko para alamin ang oras .

" 4:35 am , First day "
" First day ? "
" Ay hala ! first day ko ngayon sa trabaho ! shemss "

Bumangon na agad ako para gisingin ang kapatid ko sa kwarto nila .

" EJ ! "
" EJ ?!! "
" EJ !! gumising ka ala-singko na ! "

" Ang aga- aga pa ateh ! Ano ba !?"
Pasigaw nitong sagot saken .

" May trabaho n'ako ngayon kaya maaga akong aalis , ikaw na mag asikaso kay JP ala-sais ang pasok n'on ! "

" Trabaho ? "
Biglang bangon nito sa higaan .

" Oo ,  kaya mag-aasikaso nako , ikaw muna bahala , panghapon ka pa naman. "

" Haysss ! "
Sabay bato nito ng unan sa mukha ko at saka sinarado ng malakas ang pinto .

Siya si Ezekiel Jayson , EJ for short , 16 years old na siya at sa ngayon Senior high siya .

Si James Peter naman o JP for short ay 11 years old palang at grade 5 palang siya .

Simula nung naghiwalay sina mama at papa , naiwan na kaming tatlo dito sa bahay .

Hindi na nila kami binalikan sa inaakala namin na bakasyon lang nila .

Simula noon ako na ang tumayong nanay at tatay nila , 2nd year college lang ang natapos ko at nagtrabaho agad ako .

Nakalimutan ko na ata ang sarili ko simula noon .

Kinakabahan ako aaminin ko , ngayon ata ang ika- tatlumpong trabaho na pinasukan ko dahil madalas akong late at nagkakamali kaya madalas akong nasisisante .

Sana 'wag na 'kong masisante ngayon, kailangan na kailangan kong kumita kun'di wala kaming kakainin ng mga kapatid ko.

Dali-dali na akong kumilos , pinaghanda ko muna sila ng agahan dahil wala sa kanilang marunong magluto.

Pagkatapos ay naligo na ako at pinili ko ang nag-iisang damit na nabili ko na ginagamit ko sa trabaho .

Isang polong puti at paldang itim na hangang binti .

Ito lang ang nagiisang meron ako kaya araw- araw ko itong nilalabhan at pinapatuyo .

" EJ ! Aalis na ako , ikaw na bahala rito ha !? "

Pasigaw kong sambit pero hindi n'ya 'ko sinagot.

Narinig naman niya siguro 'yun kailangan ko ng umalis .

" 5 :30 na shems ! kailangan ko na magmadali "

Binlisan ko na ang paglalakad ko .

Walking distance lang ang cafe sa bahay namin , dalawang kanto lang 'to kalayo sa bahay , 'di naman kalayuan sa cafe ay may malaking university kaya malamang maraming tao pag umaga .

'Di naman gaano ka-unlad ang bayan ng Berham , sa likod ng cafe ay gubat na at ang Angora Mountain Range na isa sa pinagmamalaki ng bayan namin .

Sakto 5:58 am nakapasok ako sa shop .

" 2 Minutes before 6 am , muntikan kanang malate "

Pag lingon ko sa gilid ng pintuan ay nand'on na si sir .

" Ay sir sorry po may inasikaso kase ako "

" Halata nga mukhang lukot pa damit mo kamamadali , tulungan mo na sila mag ayos at maghanda , magbubukas na tayo "

What is Love ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon