Sige na, Kayo na

12 0 0
                                    

***

Sa isang sulok katawan mo'y nakadikit
Sa isang upuan ng bus na mainit
Sa bakanteng upuan ako'y napalapit
Mga mata'y nagkatagpo't ako'y natawa, bakit?

Umupo sa tabi mo tuwina
Nakangiting tumingin sa bintana
Nahagilap iyong pilik mata
O kay ganda ng 'yong itsura

Ngunit ika'y tumayo, naglakad papalayo
Sa aking tabi iba na ang nakaupo
Napaka gentleman mo naman po
Bigla tuloy nainis aking puso

Wika nga nila, pinagtagpo pero 'di tinadhana
Mukhang ikaw nama'y masaya na
Sa 'yong wallpaper na aking nakita.
Kaya't ako'y okay na. Sige na, kayo na.

***

TULALÂ: Mga Liham na Dinaan sa TulâTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon