***
Sa gabing malamig ang simoy ng hangin
Puso'y nakamulat at mata'y nakatingala sa bituin
Pinapangarap at dinadasal na ika'y magiging akin
Sino ka ba? Asan kana ba? Kailan kaba dadating?Sa gabing kuryente ay nakapatay
Puso at isip ay buhay na buhay
Kailan ko ba maririnig ang iyong pakay?
Na ika'y magtanong at magpaalam kay tatay.Sa gabing ito ikaw lang ang ini-isip ko
Nag-iisang bituin sa langit sana'y ito na ang simbolo
Na sa takdang panahon landas natin ay magkatagpo
At sa harap ng Dios sabay na mangangakoSa gabing ito puso ko ay pangiti-ngiti
Isinasa-isip ang mga pwedeng mangyari
Parang hindi na makapaghintay ang aking mga labi
Na bigkasin ang salitang ikaw ang aking "una't huli".***
BINABASA MO ANG
TULALÂ: Mga Liham na Dinaan sa Tulâ
Poetrysa araw-araw na pamumuhay sa mundong ating ginagalawan alam ko madami tayong mga natutuhan. may mga bagay na gusto nating ipagsigawan at may mga bagay na gusto nating pag-ingatan kaya dinadaan nalang sa sulat ang lahat ng nararamdaman. andito po an...