"Leren!" tumigil ako sa pagsasagot ng problem nang biglang may tumawag sa pangalan ko
Sino pa nga ba? Edi si Alessa na may dala laging chismis para sa akin. Hindi ko rin nga alam kung saan niya yun napagkukukuha. Mas malala pa siya sa CIU press.
Tumatakbo siya at nagmamadaling lumapit sa akin kaya natawa ako nang muntik pa siyang madapa sa pagka-excited niya. For sure may balita nanaman 'to
"Ano nanaman?" Tanong ko, sinara ko ang libro ko at binigay nalang sa kanya lahat ng atensyon kasi hindi ko rin naman masagutan yung problem.
Tinititigan ko lang kanina pa. Babasahin ko nalang mamaya yung topic ulit sa bahay para maintindihan ko
"Alam mo yung pinuput up nilang welcoming committee or representatives or kung ano man yun para sa mga international partners ng CIU?" tuwang-tuwa niyang tanong sa akin kahit hindi ko naman alam kung bakit dapat akong maging interesado dun.
"O tapos?" Hindi naman talaga kasi ako interesado dun, for sure naman galing sa mga mayayaman na pamilya ang kasama dun, pangalan palang eh.
"Kasama ka sa list!" Pumalakpak pa si Alessa at tumalon-talon sa pwesto niya na parang bata. Tumili pa siya pagkatapos sabihin yan at niyakap ako. Samantalang ako, hindi pa ata maprocess yung sinabi niya
"Huh!?" I let go of her hug to ask for an explanation
"Tignan mo sa LED screen" hinila niya ako para dalhin sa may LED screen, dun pinapakita lahat ng announcement kaya for sure dun din nakapost yung list
"Saglit saglit" nagmamadali akong ilagay pabalik sa bag yung libro at calculator ko pati yung iba ko pang gamit. Basta ko nalang pinasok yun tapos sumunod na kay Alessa
And there it is
Malayo palang ako ay kitang kita ko na yung pangalan ko na nakapost sa LED screen. Maraming mga estudyante na nakatingala dun at dito sa pwesto ko ay rinig na rinig na yung ingay dahil sa pag-uusap nila.
Leren Jane Alcaraz from the Faculty of Business Administration and Accountancy
"Ayun oh!" Tinuro pa ni Alessa yung pangalan ko. Akala niya siguro hindi ko pa nakikita.
Paanong di ko makikita eh ang laki laki ng pangalan ko dun.
"Ba't nanjan ako?"
I'm really confused.
Yung ibang nakalagay kasi dun ay yung malalaking pangalan sa university.
Anak ng general, anak ng isa sa pinakasikat na entertainment agency, anak ng successful businessman at iba pang sobrang lalaki ng connections kaya halos kainggitan ng lahat.
Ako? Anak lang naman ng nanay ko
May mga dumaan sa pwesto namin at lumapit sa akin para icongrats ako. Nagthank you naman ako kasi mga kakilala ko naman sila at kaibigan rin kahit di masyadong close.
Halos lahat ng dumadaan sa pwesto namin ginagawa yun kaya sa huli ngumiti at tumatango nalang ako.
"Yan yung dahilan" nabalik ang atensyon ko kay Alessa dahil sa sinabi niya
"Ano?" Kunot noong tanong ko kasi di ko naman naintindihan yung sinabi niya
Anong dahilan?
"Ikaw kaya pinakafriendly dito sa CIU, sa iba't ibang faculty may kakilala ka, halos lahat na ata ng estudyante kaibigan mo"
"Hoy hindi naman" tanggi ko sa sinabi niya kasi ang OA naman nun
Friendly lang talaga ako tsaka maraming kakilala pero hindi naman lahat. At ano namang connect nun sa pagiging kasama jan? Ano yun kakaibiganin ko yung mga international partners para mag-invest pa sila sa CIU?
BINABASA MO ANG
Closing the Books
RomanceAspiration Series #1 Chasing those who's not interested in her and ignoring those who liked her is one of Leren's past time. As an aspiring CPA, achieving her goal is her number one priority, but this does not stop her from having fun by chasing th...