"Leren!" tumigil ako sa pagsasagot ng problem nang biglang may tumawag sa pangalan ko
Sino pa nga ba? Edi si Alessa na may dala laging chismis para sa akin. Hindi ko rin nga alam kung saan niya yun napagkukukuha. Mas malala pa siya sa CIU press.
Tumatakbo siya at nagmamadaling lumapit sa akin kaya natawa ako nang muntik pa siyang madapa sa pagka-excited niya. For sure may balita nanaman 'to
"Ano nanaman?" Tanong ko, sinara ko ang libro ko at binigay nalang sa kanya lahat ng atensyon kasi hindi ko rin naman masagutan yung problem.
Tinititigan ko lang kanina pa. Babasahin ko nalang mamaya yung topic ulit sa bahay para maintindihan ko
"Alam mo yung pinuput up nilang welcoming committee or representatives or kung ano man yun para sa mga international partners ng CIU?" tuwang-tuwa niyang tanong sa akin kahit hindi ko naman alam kung bakit dapat akong maging interesado dun.
We're studying at Clarett International University, from the name itself it's an international school na tied-up sa mga universities in other countries and ang alam ko ang plan is to have an exchange program in the future kaya isa sa pinaghahandaan ng lahat is yung pagvisit ng mga international partners sa uni, think of it as like an ocular visit.
And to welcome those partners, magpput up ang school ng group of representatives to entertain them and present themselves as the perfect product of CIU.
"O tapos?" Hindi naman talaga kasi ako interesado dun, for sure naman galing sa mga mayayaman na pamilya ang kasama dun, pangalan palang eh.
"Kasama ka sa list!" Pumalakpak pa si Alessa at tumalon-talon sa pwesto niya na parang bata. Tumili pa siya pagkatapos sabihin yan at niyakap ako. Samantalang ako, hindi pa ata maprocess yung sinabi niya
"Huh!?" I let go of her hug to ask for an explanation
"Tignan mo sa LED screen" hinila niya ako para dalhin sa may LED screen, dun pinapakita lahat ng announcement kaya for sure dun din nakapost yung list
"Saglit saglit" nagmamadali akong ilagay pabalik sa bag yung libro at calculator ko pati yung iba ko pang gamit. Basta ko nalang pinasok yun tapos sumunod na kay Alessa
And there it is
Malayo palang ako ay kitang kita ko na yung pangalan ko na nakapost sa LED screen. Maraming mga estudyante na nakatingala dun at dito sa pwesto ko ay rinig na rinig na yung ingay dahil sa pag-uusap nila.
Leren Jane Alcaraz from the Faculty of Business Administration and Accountancy
"Ayun oh!" Tinuro pa ni Alessa yung pangalan ko. Akala niya siguro hindi ko pa nakikita.
Paanong di ko makikita eh ang laki laki ng pangalan ko dun.
"Ba't nanjan ako?"
I'm really confused.
Yung ibang nakalagay kasi dun ay yung malalaking pangalan sa university.
Anak ng general, anak ng isa sa pinakasikat na entertainment agency, anak ng successful businessman at iba pang sobrang lalaki ng connections kaya halos kainggitan ng lahat.
Ako? Anak lang naman ng nanay ko
Saktong middle class lang kami ma kaya akong pag-aralin ng parents ko sa isang international school but not to the point na may generational wealth kami tulad ng mga ibang kasama sa list.
May mga dumaan sa pwesto namin at lumapit sa akin para icongrats ako. Nagthank you naman ako kasi mga kakilala ko naman sila at kaibigan rin kahit di masyadong close.
BINABASA MO ANG
Closing the Books
RomanceThe Eleven Series #1 Chasing those who's not interested in her and ignoring those who liked her is one of Leren's past time. As an aspiring CPA, achieving her goal is her number one priority, but this does not stop her from having fun by chasing th...
