Chapter 5: Surgeon LAB

69 3 0
                                    

SELINE's POV

lumabas na kami ng dorm dahil pinapatawag kami ng mga pulis para mag-imbestiga..nakapag pahinga narin naman si thalia..

"Nako, may namatay na naman..araw araw na yan ah.." Narinig kong paguusap ng mga pulis..pakunwari akong umubo..

"Narito na pala kayo..may itatanong lang kami sa inyo.."sabi ng pulis sa amin..inalalayan ko munang umupo si thalia sa may bench dahil wala pa sya sa sarili..tulala parin..

"Ah, sige po"pagsang-ayon ni lawrence

"Anong ginawa nyo sa dorm ng mga babae?"tanong ng pulis sa amin

"Nagkaroon ng kasiyahan sa dorm ni seline"sagot ni rj

"Sino-sino ang kasama sa sinasabing kasiyahan sa dorm?"tanong ng isang pulis

"Ako, si thalia, rj, lawrence, vladi, krystal at si jerome, na ngayon ay patay na .."sagot ko

"Kayo lang ba?"tanong ulit nya..

"Opo pero alam po ni rei, at sa tingin ko po narinig din ng dalawa nyang kaibigan nung pinaguusapan namin"sagot ni lawrence sa mga pulis

"Nakita nyo ba ang killer?"tanong ng isang pulis

"Oo, ako nakita ko..ang pagkakaalala ko, hubog babae ang katawan ng killer.."sabi ko agad sa mga pulis

Tumingin ng nakakunot ang noo ang mga pulis at nagpaalam

"Sige yun muna ang itatanong namin, babalik nalang kami pag, may kailangan kami.."naglakad na ang mga pulis at dinala na ng ambulansya ang bangkay ni jerome


Napatingin ako kay rei na nakatingin sa akin ngayon ng masama na tila ba papatayin ako..anong tingin yan? Sa mga kinikilos nya napaghahalataan syang killer!f*ck!

"Rei!"napatingin kaming lahat sa sumigaw, nakita namin si jenna.

"Pinagalala mo ako..tumawag si rj sa akin at sinabing nandito ka raw kasama nila..hay paano kung napahamak ka?"sabi ni jenna kay rei habang yakap ito

"Ok lang ako...bakit nandito ka?dapat hindi kana pumunta dito..anong oras na oh...baka mag-alala si nana (Empress grandmother/ceo ).."sabi naman ni rei tsaka kumalas sa yakap nila..

"Ok lang yun, busy naman sya sa company kaya di nya alam.."sabi nito..

Pinuntahan ko na lang si thalia, pagod sya kailangan nyang magpahinga lalo na't buntis pala sya at si jerome pala ang ama ng dinadala nyang bata..

VLADI's POV

"Jenna makaka-uwi kana.. Ako na bahala kay rei, ako na lang ang maghahatid sa kanya sa bahay, para makapagpahinga na rin sya..pahinga ka na rin.."sabi ko kay jenna, para makauwi na si rei..

"Sure ka ba? "Tanong naman ni jenna sa akin

"Oo, sige, magiingat ka.."sagot ko naman

"Sige, ingatan mo si rei" tsaka sya tumingin kay rei "rei, pahinga kana ah..kung hindi mo pa kayang pumasok bukas, just leave it to me..magpahinga ka, ikaw vladi magingat sa pagda drive"pahabol nito

"Opo mommy jenna..haha"sabi ko tsaka na inalalayan si rei sa kotse ko..

Tahimik akong nagda-drive..tulog kasi si rei..malayo-layo rin kasi bahay nya sa dormitory ng school..mga 10-15 minutes ang byahe..

Nakarating kami ng ligtas dito sa mansyon nya..pinagbuksan ako ng gate ni manong Efren..bumaba na ako ng sasakyan at binuhat si rei hanggang sa kwarto nya..

Nagpunta ako ng walk-in closet nya dito sa kwarto para kumuha ng pantulog nya, tapos nagpakuha ako ng tubig sa palangana at face towel para mahilamusan kahit yung mukha lang ni rei..tsaka ko na sya binihisan..wala ng malisya, kami naman eh..tsaka nakita ko na rin ang katawan nya nung unang beses na may nangyari sa amin nung debut nya..lasing kami that time..at kami lang dalawa ang nakaka-alam nun wala kaming pinagsabihan..

Hidden AgendaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon