Chapter 13: Tattoo

54 3 3
                                    

VLADI's POV

Nakarating na ako ng school at nakita ko si seline sa may kotse nya. Lumakad ako papalapit sa kanya at nakita naman nya ako kaya lumapit agad sya sa akin. Ang hindi ko lang inaasahan ay yakapin nya ako

"S-sorry"

"Its ok. Tara na sa hrm building hintayin natin sya"

Tumango sya bilang sagot at naglakad na kami

_____

"Bye! Kita kita na lang tayo bukas"

"Bye!" Paalam ni alexis

"Ms. Thimoty" biglang sbai ni seline ng makalapit si alexis sa lugar namin

"Ay! B-bakit po?"gulat na tanong nito

"Uuwi ka na ba?" Tanong ko

"Ah? Hindi pa po. May gagawin pa po kasi ako"

"Wag mo na gawin ihahatid kana namin"sabi ko

" ah. Kailangan ko na po kasi yun eh"

"Geez! Ano bang mas mahalaga sayo? Yang gagawin mo o yung buhay mo?" Sigaw ni seline sa kanya kaya medyo natakot ito

"Seline calm down" suway ko sa kanya kaya huminga na lang sya ng malalim

"Ah? Eh wala naman pong mangyayaring masama sa akin, dito ko naman po gagawin sa school eh."

"Mas delikado nga dito eh" naiiritang sabi ni seline

"No hahatid kana namin, tutulong na lang kami na gawin mo yun"

"Ah hindi na po. Nakakhiya. Una na po ako"sabi nito at naglakad na sya ng mabilis

"Aaahhhhh!"

Napatingin kami kay alexis pero wala na sya. F*ck huli na! Nakuha na sya ng killer!

Tumakbo kami para hanapin sya. Pero hindi namin sya mahagilap

"Aish bwisit, bakit ayaw pa kasing sumunod" naiinis na sabi ni seline..

Kahit ganyan sya, kahit naiinis sya sa babae kanina, Alam kong nagaalala lang talaga sya

Are you, are you
Coming to the tree
Where they strung up a man
They say who murderer three

May biglang kanta ang naririnig namin, isang makahuligang kanta

Strange things have happened here
No stranger would it be

Patuloy parin ang tunog kaya sinundan namin

Pwedeng konektado ang kanta sa killer

If we met at midnight
In the hanging tree.

Sinundan namin ang tunog hanggang sa makarating kami sa IC ROOM. At tama ang kutob ko,nandito ang killer

"AAAAHHHHH TULONG!" Sigaw ni alexis

Sinusubukan namin buksan ang pinto pero ayaw bumukas..

Hindi na nakayanan ni seline na hindi maiyak. Alam ko rin ang nararamdaman nya, nandito nga kami pero wala kaming magawa para iligtas si alexis

Hindi rin kami makatawag dahil walang signal. Sigurado ako na kagagawan ito ng killer

"Tulong!"

Nakikita mula dito sa labas ang nagyayari sa loob dahil may maliit na salamin.

Pilit ko pa rin na buksan ang pinto pero ayaw talaga bumukas

"Aaahhh!!?" Sigaw muli ni alexis

Hinila ko si seline at niyakap para hindi makita ang ginagawa ng killer

Hidden AgendaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon